Marami ang mga naniniwala na ang mga babae ay mas mahina sa math kumpara sa mga lalaki. Ang madalas na pinapakitang pruweba nito ay ang kakulangan ng babae sa mga trabaho na malaki ang ugnayan sa math. Subalit, may katotohanan ba ang pinaniniwalaan na ito. Alamin natin ang sinasabi ng bagong pag-aaral.
Masmagaling sa math
Ayon sa statistics, mas marami ang mga kababaihan na pumapasok ng kolehiyo at nakakapagtapos nito kumpara sa mga lalaki. Nasasabi nga nito na ang mga babae ay mas matalino kumpara sa mga lalaki. Ganunpaman, pagdating sa math, nagiiba ang usapan. Ang mathematics ay ang paksang pinamumunuhan ng mga lalaki. Mula dito, makikita na ang mga umaangat sa STEM (Science, Technology, Engineering, Math) na programan ng edukasyon sa buong mundo ay kadalasang mga lalaki.
Subalit, may bagong pag-aaaral na isinagawa ng University of Chicago, University of Rochester, at Carnegie Mellon. Sinuri ng mga mananaliksik ang ugnayan ng early biology, math at kasarian. Kanilang binigyan ng titulong “Gender Similarities in the Brain During Mathematics Development” ang naturang pag-aaral. Dito, kanilang ikinumpara ang neural process ng mga lumahok gamit ang magnetic resonance imaging (MRI).
Ang mga mananaliksik ay nagpanood sa mga 3 hanggang 10 taong gulang ng videos na may kinalaman sa math. Kabilang dito ang mga pagbibilang at simpleng mga addition. Kinumpara ito sa mga brain images ng mga matatanda habang pinapanood ang parehong video. Kung totoong likas na mas magaling sa math ang mga lalaki, may makikitang biological origin para dito lalo na sa mga mahahalagang taon para sa mathematical development.
Natuklasan ng pag-aaral
Napatunayan ng pag-aaral na walang katotohanan sa mga paniniwalang mas mahina sa math ang mga babae. Sa katunayan, walang nakitang pagkakaiba ang mga neural activity pagdating sa kasarian. Sabay ang bilis ng pagtuto sa paksang ito, maging babae man o lalaki ang natututo. Dahil sa napatunayan na ito, maaring sabihin na ang math gender gap ay dahil sa iba pang dahilan.
Sa isa pang pag-aaral na pinamagatang “Gendered Pathways: How Mathematics Ability Belief Shape Secondary and Postsecondary Course and Degree Field Choices,” sinuri ng mga mananaliksik kung paano naaapektuhan ng paniniwala sa angking kagalingan ang magiging trabaho ng isang tao. Napag-alaman nila na kahit pa pareho ang kakayahan sa math, kabaliktaran parin ang iniisip ng mga babae. Dahil dito, nagbigay ang mga mananaliksik ng kung paaano mapapabuti ang tiwala ng babae sa sarili.
Ayon sa mga mananaliksik, kadalasan ay hindi alam ng mga babae ang kailangan nilang gawin para maging scientists. Kapag ang isang babae rin ay nag-aral ng physics at calculus sa high school, malaki ang posibilidad na pumili sila ng kurso sa kolehiyo na may kinalaman sa math.
Pagdating sa pag-iisip, ang mga kababaihan ay masmadalas hindi ginagalingan kapag nahaharap sa mga negatibong stereotypes. Malaking bagay din ang kakulangan ng role models at mga pasimpleng mensahe na nagpapahina ng kanilang loob. Kung hindi pansinin ang mga negatibong stereotypes at kakulangan sa role models, siguradong kayang sabayan ng mga kababaihan ang mga lalaki ano man ang paksa.
Basahin din: STUDY: 10 paraan para matulungan ang bata na maging matalino
Source: Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!