Pansin mo ba ang maliliit na butlig sa utong mo? Alamin kung ano ang dahilan nito!
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang maliliit na butlig sa utong o tinatawag na Montgomery’s tubercles?
- Ano ang function ng Montgomery’s tubercles?
- Senyales na may impeksyon ang iyong montgomery’s tubercles
Maliliit na butlig sa utong | Image credit: HealthMaza screengrab
Ano ba ang Montgomery’s tubercles?
Ito ay makikita sa iyong nipple na mas kilala sa tawag na areola. Narito rin ang maliliit na sebaceous glands. Ang itsura nito ay maliliit na bumps na hindi kapansin-pansin hanggang sa ikaw ay magbuntis. Montgomery’s tubercles o areolar glands, ito ang tawag ito.
BASAHIN:
LIST: Top 5 best nipple cream for breastfeeding in the Philippines
Ano ang nipple thrush at paano mo ito maiiwasan?
Safe bang uminom ng antibiotic at iba pang gamot ang breastfeeding mom?
Sa pregnancy ni mommy, ang glands na ito ay mas lalong lumalaki at umuumbok. Ito ay tila maliliit na pimple o goosebumps. Gaya ng ibang babae, iba-iba ang itsura o laki ng kanilang nipple at areola. Ang Montgomery’s tubercles ay nag-iiba rin ang laki o dami.
Karaniwan, ang maliliit na butlig sa utong na ito ay umaabot ng 28o higit pa sa isang nipple.
Ano ang function ng maliliit na butlig sa utong o montgomery’s tubercles?
Gaya ng oil glands na siyang nagpapanatili ng hydration sa ating katawan, ganito rin ang pangunahing gawain ng Montgomery’s tubercles.
Kung ikaw ay nagpapasuso ng madalas, naglalabas ito ng lipids na siyang nagpapadulas sa nipple. Tandaan, ito ay nakakatulong upang maprotektahan sila sa impeksyon at maalagaan ang gatas ni mommy pati na rin si baby.
Maliliit na butlig sa utong | Image from Freepik
Isa pang nakakahanga rito, ang Montgomery’s tubercles ay may partikular na amoy na nakakatulong sa iyong baby upang malaman ang iyong nipples. Kaya ito ang dahilan kung bakit hindi na kailangang gumamit ng sabon si mommy sa paglilinis ng kanilang nipple.
Kailangan mo ring iwasang maglagay ng kahit na anong uri ng disinfectants o ibang produkto sa iyong nipple. Sapat na ang paglilinis gamit ang tubig. Pwede ka rin namang gumamit ng kaunting patak ng iyong breastmilk at ilagay ito sa iyong nipple. Hayaang matuyo.
Bakit lumalaki ang Montgomery’s tubercles sa pagbubuntis?
Sa pagbubuntis, ang iyong katawan ay naglalabas ng maraming hormones. Kasama rito ang ilang pagbabago sa iyong suso na naghahanda sa lactation at breatfeeding.
Sa pagbabago na ito, ang Montgomery’s tubercles ay nag-iiba rin ang itsura. Mas lumalaki ito at umuumbok. Maaaring makaramdam ng sakit at pagiging sensitibo ng areolas.
Senyales na may impeksyon ang iyong Montgomery’s tubercles
Posibleng magkaroon ng block at impeksyon ang glands na ito. Kaya naman narito ang mga kailangang bantayan:
- Pamamaga sa paligid ng iyong nipple
- Pamumula
- Pangangati
- Pagdurugo
- Paglaki ng husto ng montgomerys tubercles
Kung agad mong mapansin ang mga senyales na ito o iba pang hindi normal na pagbabago sa iyong suso, kumunsulta agad sa iyong doktor.
Maliliit na butlig sa utong | Image from iStock
Mawawala ba ang maliliit na butlig sa utong?
Oo, mawawala rin ito pagkatapos mong magpa-breastfeed sa iyong anak. Normal ito at walang dapat ikabahala dahil parte lang ito ng proseso.
May ibang babae na mayroong Montgomery’s tubercles kahit na hindi sila buntis o nagpapasuso. Sa ganitong sitwasyon, kung hindi ka komportable sa kanila, maaaring tanungin mo ang iyong doktor kung paano ito alisin.
Ngunit narito naman ang ilang home remedy para mapaliit ang butlig nipple. Subukan ang:
- Uminom ng madaming tubig araw-araw
- Bawasan ang pagkain ng matamis at maalat na pagkain dahil isa itong dahilan kung bakit lumalaki ang tubercles
- Magpahid ng shea butter o aloe vera gel sa paligid ng iyong nipple
- Basain ang malinis na towel gamit ang maligamgam na tubig. Idampi ito sa nipples tuwing gabi sa loob ng 20 minutes.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!