X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Marian Rivera, sinagot ang pambabatikos dahil sa pag-bigay ng solids kay Baby Ziggy

5 min read

Ano nga ba ang tamang edad upang magsimulang kumain ang isang baby? Ligtas na nga bang magsimulang kumain ang isang apat na buwang sanggol? Celebrity mom Marian Rivera sinimulan na ngang ipakilala at pakainin ng solid food ang apat na buwan na son na si Ziggy.

 

@dantes.squad Instagram post

Noong ika-22 ng Agosto nag-post ang Instagram account na Dantes Squad, na dedicated sa pamilya ni Marian Rivera at Dingdong Dantes, na umiiyak si Baby Ziggy matapos maubos ang kaniyang kinaing broccoli puree.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by The DANTES Squad ❤ (@dantes.squad) on Aug 22, 2019 at 4:23am PDT

Kung matatandaan, sinalubong nila Marian Rivera at Dingdong Dantes ang baby boy nilang si Ziggy nitong ika-16 ng Abril pa lamang, kung gayon siya ay apat na buwan pa lamang ngayong Agosto.

Maraming nagtaka sa sa post ng @dantes.squad kung maaari na nga bang kumain ng solid food ang isang apat na buwang taong gulang.

Sa Instagram post nga na ito, may mga natanggap na papuri si Marian pero siyempre hindi rin maiiwasan ang ilang batikos.

Ilan sa mga papuri ngang natanggap ni Marian ay ang pagiging magaling na hands-on na ina, magandang pagpapalaki sa kaniyang mga anak, at kahit ang kaniyang masarap na pagluluto di-umano.

marian rivera son

marian rivera son

Mayroon ring nagbigay ng babala kay Mommy Yan patungkol sa pagpili ng papakain na gulay at isang netizen na pinag-iingat lamang si Yan. May nagsabing hindi raw broccoli ang dapat ipinakain kay Baby Ziggy dahil hindi pa kaya ng tummy nito na i-digest, mas mainam daw ito sa mas malaki nang baby.

Ang iba naman ay nagsabi na hindi pa puwedeng bigyan ng solid food ang mga baby bago mag-6 na buwan dahil ito ang rekumendasyon ng WHO (World Health Organization).

May ilang mommies naman na sinang-ayunan ang pagpapakain ni Marian sa apat na buwan niyang si Ziggy, sapagkat ganun din daw kaaga nilang pinakilala ang solid food sa kanilang mga anak dati.

marian rivera son

marian rivera son

Ang tugon ni Marian Rivera sa kaniyang Instagram

Noong ika-23 ng Agosto nga ay nag-post na ng kaniyang saloobin sa kaniyang Instagram account si Marian Rivera patungkol sa post ng @dantes.squad.

Aniya nga ni Yan sa kaniyang post na patuloy pa rin ang suporta nito sa padede moms at siyempre bago naman niya pinakilala ang solid food kay Ziggy humingi muna ito ng go signal sa pediatrician nito.

Pag-uumpisa nga ni Marian sa kaniyang caption, “Nais kong ipakita ang suporta ko sa breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon.”

Aniya pa, “Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng aming pediatrician, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging padedemom sa aking bunso.”

“Batid ko ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso mula 0-6months,” pagpapatuloy ni ng celebrity mom.

Nito lamang buwan ay nakakuha ng award si Marian dahil sa pagiging breastfeeding influencer.

“Isang pakiusap lamang po, nawa’y sa adbokasiyang eto ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng mga kapwa natin ina, nawa’y hindi gamitin ang pangalan ko sa mga kumento at mensahe na humuhusga sa pag bigay ko ng masustansyang gulay sa aking anak,” dagdag ng GMA-7 actress.

Batid niya, “Kinikilala ko po ang rekomendasyon ng WHO patungkol sa complementary feeding. Eto po ang sundin nyo.”

“Kung meron man akong ginawa na hindi base dito, huwag naman sana itong maging batayan para ako ay mahusgahan,” aniya.

At tinapos ni Marian ang kaniyang post sa isang paalala, “Lahat po tayong ina ay gusto lamang ang ‘best’ sa kanyang anak. Hanggat kaya ko ay lalaban ako bilang #padedemom #notomomshaming.”

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on Aug 23, 2019 at 6:04am PDT

Complementary feeding

Ayon sa World Health Organization (WHO), inirerekumenda ang exclusive breastfeeding mula pagkapanganak hanggang sa ika-6 na buwan ng sanggol. 

“Exclusive breastfeeding for 6 months has many benefits for the infant and mother. Chief among these is protection against gastrointestinal infections which is observed not only in developing but also industrialized countries. Early initiation of breastfeeding, within 1 hour of birth, protects the newborn from acquiring infections and reduces newborn mortality. The risk of mortality due to diarrhoea and other infections can increase in infants who are either partially breastfed or not breastfed at all.”

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Dagdag na rekumendasyon ng WHO na simulan ang pagpapakain ng solid food kasabay ang breastfeeding simula 6 na buwan ng sanggol.

“Around the age of 6 months, an infant’s need for energy and nutrients starts to exceed what is provided by breast milk, and complementary foods are necessary to meet those needs. An infant of this age is also developmentally ready for other foods. If complementary foods are not introduced around the age of 6 months, or if they are given inappropriately, an infant’s growth may falter.”

Ang guidelines ng WHO ay rekumendasyon lamang. Iba’t ibang ang development at pangangailangan ng bawat bata kaya’t mabuti na kumonsulta sa duktor bago simulan ang complementary feeding ang baby, gaya ng ginawa ni Marian Rivera sa feeding ni Baby Ziggy.

Huwag mag-atubiling magtanong sa inyong duktor dahil siya ang mas nakakaalam sa kaso ng iyong baby.

 

Source: Marian Rivera, Dantes Squad

Basahin: Marian Rivera, nanalo ng award para sa pagiging breastfeeding influencer!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Marian Rivera, sinagot ang pambabatikos dahil sa pag-bigay ng solids kay Baby Ziggy
Share:
  • Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!

    Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!

  • LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

    LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!

    Anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Ziggy bininyagan na!

  • LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

    LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.