Masipag na asawa ang pinapangarap karamihan ng ating TAP moms. Hindi man aminin ng mga nanay, malaking bagay na ang simpleng pagtulong sa gawaing bahay ni mister.
Paghuhugas man iyan ng plato, pagdidilig ng halaman, o pag-aalaga kay baby ng dalawang oras, asahan mo na matutuwa sa’yo ang asawa mo!
Pero maiba tayo, sa tingin mo, ano ang paboritong gawaing bahay ni mister? May naisip ka ba? Baka kabilang sa mga sumusunod ang paboritong gawaing bahay ng asawa mo!
Masipag na asawa? 5 gawaing bahay na paborito ni mister!
Hindi lang naman puro trabaho si mister. Nag-eenjoy rin siya sa gawaing bahay! Nagtanong kami sa theAsianparent app kung ano ang paboritong gawaing bahay ng kanilang mga asawa. Matutuwa ka sa kanilang mga naging sagot!
Basahin ang kwento ng ating TAP moms pagdating sa paboritong gawaing bahay ni mister:
1. The Chef Dad
May kasabihan tayo na “The way to a man’s heart is through his stomach.” Pero para sa ating TAP dads, ito ay “The way to my wifey’s heart is through her stomach.” Isa sa paboritong gawaing bahay daw ng mga tatay ayon kay nanay ay ang magluto!
“Magluto I guess kasi gusto niya siya talaga nagluluto.”
“Magluto lang ‘yan pinakagusto ni hubby gawin hate na hate niya paghuhugas ng plate.”
Isa ata sa skills ng ating TAP Dads ang magluto ng masasarap na ulam!
2. The Dad who can fix anything
Sirang electric fan o cabinet, butas na tubo sa kusina, o kaya naman resourceful pagdating sa mga gamit, ang asawa mo ba ay kabilang dito? Sila ‘yong tipong lahat ng sirang bagay na mahahawakan ay maaayos din agad nila! Kaya ang ending, ang laki ng tipid ni mommy para sa sana repair fee.
“Mag kutingting ng kung anu-ano.”
“Maglaba at magkumponi ng mga nasisira sa bahay.”
Likas na sa ating TAP Dads ang magkumpuni ng kung anu-ano sa kanilang bahay. Bonus na diyan kung creative pa ang asawa mo!
Literal na sila ang mga tatay who can fix anything.
BASAHIN:
Huwag kang mag-asawa ng mayaman, mag-asawa ka ng masipag!
5 na dapat gawin kung ayaw talagang magbago ng ugali ng asawa mo
Moms confess: Ito ang nangyari sa kuwarto sa unang gabi matapos ang kasal
3. The Dad and His Plates
Si hubby mo ba ay mahilig maghugas ng pinggan? Kung oo, kasama siya sa pangatlong sample natin! Karamihan sa ating TAP moms ang nagsabing hilig ng kanilang partner ang maghugas ng plato!
“Magluto at maghugas ng plato. Napakaswerte ko kay mister napakasipag. Spoiled si buntis!”
Maghugas ng plato at magluto ang type nyang gawin pag nasa bahay.”
Makikita rito na talagang maasahan sa kusina ang ating TAP Daddies. Bukod kasi sa pagluluto ay panalo rin sila sa ganitong klase ng gawaing bahay. Daddy, good job ka d’yan!
4. The Daddy Bubbles
Mabigat na gawain ang paglalaba at minsan ay kailangan mong malaan ng isang araw para sa gawaing bahay na ito. Kaya naman super happy ang ating TAP moms kung ang partner nila ay mahilig maglaba! Malaking tulong ito sa kanila lalo na kung preggy si mommy.
“Maglaba. Lalo na hirap na ako sa paglalaba ngaun kaya sya na ung naglalaba.”
“Magluto, maglaba, malinis ng bahay.. pero halos siya gumagawa lahat.. Kaya paghayahay na.”
Isang tanong ng ating moms, bakit kaya paborito ng kanilang asawa ang maglaba ng mga damit?
5. The All-Around-Dad
At ang pinakapanalo sa lahat, ang all-around-dad! Sila ang mga walang reklamo kapag binigyan mo ng isang gawaing bahay. No doubts, kaya nilang gawin lahat nang kaya mong house chores!
“All around si mister lalo na ngayong preggy. Wala ka man marinig na isang reklamo gusto lang niya naka-relax lang ako. Kahit naka work from home siya grabe sipag sa bahay.”
“Magluto, maghugas ng pinggan, maglaba, magtupi ng sinampay, maglinis ng bahay. Gusto kasi niya relax lang ako at si baby sa tummy ko. Siya lahat gumagawa ng gawaing bahay, pati pamamalengke.”
Magluto, magdilig ng halaman, alagaan si baby, ayusin ang sirang ref, mamalengke, o maghugas ng plato, kayang-kaya ni all-around-dad ‘yan! Moms, ‘wag lang kalilimutan na deserved pa rin ni daddy ang magpahinga after long hours of cleaning!
Bukod sa limang ito, marami pa ang mga uri ng daddy ang pasok sa ating listahan. Sumasaludo kami sa lahat ng masipag na asawa at sa kanilang dedikasyon!
Ikaw mommy, ano ang paboritong gawaing bahay ng asawa mo?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!