Matakaw na buntis na kung kumain ay pangdalawahan, nakakasama sa kaniyang kalusugan pati narin sa baby sa sinapupunan.
Iyan ay ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Journal of the American Medical Association o JAMA.
Ayon sa isang global review halos kalahati ng mga kababaihan ay tumataba kapag nagbubuntis. Sa nakasanayan, pinaniniwalaan na ang pagkain ng marami ng isang buntis ay makakabuti sa kaniya at kay baby.
Ngunit hindi daw ito totoo.
Ang isang matakaw na buntis na kung kumain ay pangdalawahan ay inilalagay ang kaniyang sarili sa isang mabigat na problema na maari nyang dalhin habang buhay.
Napag-alaman rin na maliban sa kaniya ay maaring makaapekto rin ito sa baby na kaniyang dinadala.
Dahil tulad niya ay lalaki rin ang baby na nasa loob ng kaniyang tiyan dahilan upang mahirapan siyang maipanganak ito.
Ang mga oversize baby rin ay mas mataas ang tiyansang magkaroon ng heart disease at obesity sa pagtanda nila.
Pagiging matakaw na buntis, masama kay mommy at baby
Matapos pag-aralan at i-analyze ang 23 studies na may 1.3 million na kababaihan bilang respondents, napag-alaman ng isang review ang sumusunod na obserbasyon:
Kapag ang isang babae ay tumaba habang nagbubuntis ang tiyansa na maging oversize ang kaniyang dinadalang baby ay nadodoble.
Tumataas rin ang tiyansa niya na manganak sa pamamagitan ng surgical delivery o caesarean section ng 30% dahil sa malaking baby.
Maliban rito ay napag-alaman rin ng mga observer ng ginawang pag-aaral ang pinakamagandang pregnancy strategy para sa mga overweight at obese na babae.
Ayon sa isang endocrinologist na si Dr. Helena Teede at observer sa ginawang pag-aaral, maraming babae ang nagbubuntis na bumibigat ang timbang o lumalagpas sa recommended healthy weight ng isang nagdadalang-tao.
Kaya naman ang solusyon na nakikita ng ibang eksperto ay magdiet o magbawas ng timbang habang buntis.
Pero para kay Dr. Teede, mali at hindi daw healthy ito.
Ito ay kanilang napatunayan sa resulta ng ginawang pag-aaral.
Ayon sa kanilang analysis, kahit gaano pa daw ka-unhealthy ang timbang ng isang buntis ay hindi daw dapat itong mapagpayat o mag-diet.
Ito ay para matustusan ang pangangailangan na kinakailangan ng sanggol sa kaniyang sinapupunan na mayroong limitasyon.
Tamang pagkain ng buntis
Ayon kay Dr. Aaron Caughet ng Oregon Health and Science University, ang mga buntis ay dapat kumain ng normal sa kanilang first trimester.
Sa kanilang second trimester ay maari na silang magdagdag na 350-450 extra calories sa isang araw na nakadepende sa kanilang timbang ng magsimulang magbuntis.
Base naman sa guidelines ng Institute of Medicine, ang mga underweight na babaeng buntis ay dapat mag-gain ng isang pound sa isang linggo sa loob ng kaniyang second at third trimester na umaabot ng 28 to 40 pounds sa kabuuang pagbubuntis.
Kung nagsimula naman sa normal weight ay dapat nag-gain ang isang buntis ng 25 to 35 pounds.
Samantalang ang mga overweight naman na buntis ay dapat mag-aim ng 15 to 25 pounds na dagdag sa kanilang timbang.
Ang mga obese na babaeng buntis naman ay hindi dapat lumagpas sa 20 pounds ang nadagdag sa timbang o half pound lang ang weight gain kada linggo.
Nadodoble naman ang recommended weight gain kung kambal ang dinadala ng isang buntis.
Kaya imbis na mag-diet ang pinakamagandang paraan raw para masigurong healthy ang pagbubuntis ng isang babae ay ang pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-eexercise.
Ang payo ni Dr. Diana Ramos, isang OB-GYN sa Los Angeles ang pinakamadaling exercise na maaring gawin ng isang buntis ay ang paglalakad.
Inirerekumenda naman ng American College of Obstetricians and Gynecologists o ACOG na ang mga babaeng buntis na walang major medical o obstetric complication na magkaroon ng 20 to 30minutes aerobic exercise ng madalas sa loob ng isang linggo.
Sa pamamagitan ng pag-eexercise ay naiiwasan ng isang buntis na mag-gain ng sobrang timbang na maaring magpababa ng kumplikasyon sa kaniyang pagbubuntis.
Nababawasan nito ang surgical deliveries, hypertension at ang tiyansa ng pagkakaroon ng oversize na baby o sanggol na may breathing problems, ayon sa isang 2015 study.
Kahit na ang mga obese at babaeng may high blood pressure o gestational diabetes ay pinapayuhan ding mag-exercise ng safe para sa kanila.
Epekto ng pagiging matakaw na buntis
Ayon sa mga tala, ang pagbubuntis ay isa sa major contributor ng obesity epidemic sa buong mundo.
Ito ay dahil maraming mga kababaihan ang sumusobra ang timbang habang nagbubuntis at maraming hindi nakakapagbawas ng kanilang timbang pagkatapos manganak.
Sa isang pag-aaral na ginawa noong 2015 sa mga babaeng nagdalang-tao, lumabas na 75% na mga participants ang mas naging mataba isang taon matapos manganak.
Maliban nga rito ang pagiging matakaw na buntis rin ay nagpapataas ng posibilidad sa baby na kaniyang dinadala na makaranas rin ng obesity sa kaniyang paglaki.
Ito ay napatunayan ng isang pag-aaral na nailathala sa PLOS ONE na kung saan naiugnay ang too much pregnancy weight gain sa 28% increase sa tiyansa ng isang 5 o 6 year old bata na maging overweight.
Ang mga bata rin na naipanganak ng isang obese na nanay ay may mataas na tiyansa ring maging obese sa kaniyang paglaki.
Kaya naman paala ni Dr. Diana Ramos, ang mga nanay ay dapat maging role model sa kanilang mga anak.
Kung obese o overweight ay dapat daw bago pa man magbuntis ay simulan ng magbawas ng timbang.
Kung nagpaplano namang mabuntis sa susunod na isa o dalawang taon dapat ay simulan ng kumain ng masustansiyang pagkain at mag-exercise.
Dapat ding ipagpatuloy ito hanggang matapos makapanganak para makaiwas sa mga health risk na dulot ng pagiging overweight.
Sources: HealthLine, NCBI
Basahin: Mga pagkain na puwedeng kainin para maging maganda o guwapo si baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!