Nahihirapan ka bang matulog simula noong ikaw ayy nag buntis? Kung ganoon ay ako rin. Tayo ay nasanay sa pag tulog ng mahimbing, dire-diretso ang tulog, mabilis makatulog na isang higa at pikit lamang ng mga mata ay tila tulog na tulog na.
Sa panahon nang pagbubuntis ay nakararanas tayo ng mga ilang bagay na hindi natin nararanasan noon. Pag sakit ng tiyan sa gabi, pag ihi maya't-maya, nahihirapan pumili ng puwesto ng pag higa, pag sakit ng ulo at iba pa. Ang mga ito ay normal lamang sa nagbubuntis na tao. Kaya't huwag masyadong mag alinlangan sa mga pagbabago sa ating nakagawian.
Huwag masyadong mabahala sa pagbabago, dahil kailangan talaga natin mag adjust para sa ating mga baby. Hindi man ganon kadali pero kailangan natin yakapin ang pagbabago na ito para sa ating mga anak. Dahil pag ito naman ay atin nang nakita ay tiyak akong maiibsan ang hirap na dinaranas ng mga mommy ngayon.
Kung ikaw naman ay nakakaranas ng mga grabeng pag sakit sa anumang parte ng iyong katawan ay better na mag pa consult sa OB GYNE because they know what causes of that pain and they will give you the right care and sometimes nag bibigay sila ng mga medicines. Kaya wag manghihinayang kung ikaw ay gumagastos ng pera dahil sa pag papa-check up. Mayroon din tayong mga center na libreng nagcoconsult sa mga preggy mommies.
Kapag ikaw ay nahihirapang matulog, hanapin mo lang kung anong pwesto ang para sa iyo. Kung ito ba ay sa kanan o sa kaliwa, dito ay mababawasan ang pag hirap natin sa pag tulog. Sa maya't-maya namang pag ihi ay normal lamang ito. Mas maganda rin ito dahil nalilinis ang ating katawan. Sa pag sakit ng ulo ay normal din, ang kailangan lang natin ay mahabang pasensya at malawak na pang-unawa.
Sa pag-aanak talaga ay isang sakripisyo lalo na sa mga mommies na syang may dala ng baby . Ngunit alam kong kayang-kaya niyo yan mga mommies! Magiging worth it lahat ng pagod, hirap, pagtitiis kapag nakita niyo na ang bunga ng pagsasakripisyo ninyo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!