X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Public school teacher by day, online seller sa gabi dahil "bills are always waving!"

4 min read
Public school teacher by day, online seller sa gabi dahil "bills are always waving!"

"Huwag kang matakot lumabas sa comfort zone mo, baka kasi ang kinakatatakutan mong gawin, iyon pala ang sagot sa matagal mo ng panalangin."

Lahat ng tao kahit sino gustong gusto magkaroon ng magandang buhay para sa pamilya. Ito naman talaga pinakarason bakit tayo nagtratrabaho di ba? Ako ay ilam sa mga gurong nakikipagsapalaran sa karera at unos ng buhay.

Ako po nga pala si Mary Nelfa Recopuerto isang Public Secondary School Teacher at halos nasa 8 taon na po akong na sa industriya ng pagtuturo at nakapangasawa din po ako ng kagaya ko ding guro.

Hindi lingid sa ating kaalaman na talagang pagsinabing guro, LOAN DITO, LOAN DOON. Saan pa nga ba kakapit? Halos naturingan breadwinner ng family ang GURO sa pamilya.

negosyo online

Pareho kameng nabaon sa utang dahil na rin sa kaliwa’t kanang emergencies na di mabilang. Nagkasakit ang Nanay ko ng Cervical Cancer 2years ago, at 3 beses ako na CS. Walang akong ibang nagging katuwang sa gastusin panghospital kundi ang asawa ko lamang.

Halos lahat ng bilihin ngayon ay talagang nagsitaasan na. Kaya naman sinisigaw ng mga public teachers na taasan ang sahod dahil kulang na kulang ito sa pangangailangan ng isang pamilya. Lahat na yata ng strategies at tips sa pagtitipid ay nagawa ko na.

Ang negosyo namin online

Hanggang sa dumating sa buhay namin ang isang negosyo online na unti-unting bumangon at tumutulong sa buhay naming mag-asawa. Nagbebenta kami ng mga beauty, health and wellness products.

Marami ang ayaw, maraming galit at ayaw sumporta pero kabila ng lahat, natutunan namin na kapag magsipag ka lang sa isang business, willing mapag-aralan ang pasikot-sikot at pagkatiwalaan lahat ng prosesong napagdaanan ay tiyak na makukuha mo ang minimithi sa buhay.

Nakabili kame ng lupa at sasakyan na hindi nanggaling sa loan o pangungutang kundi nakuha sa katas at sipag sa online business. Lahat ng tao at kahit kame ay naapektuhang lubos sa pandemyang ito pero hindi naman pupuwede na walang gagawin kasi “Bills are always waving.”

Pagsubok na pinagdaanan namin sa aming negosyo online

Sa puntong iyon, nakilala namin ang tunay na mga tao sa paligid namin. Ganun talaga, marami ang maiinis, marami ang magagalit at maninira kahit wala ka namang ginagawang kasalan.

Ikaw ba ay nakaranas din ng ganito? Nature yata ito ng Pinoy ang pagkakaroon ng ganitong minsdset “Crab Mentality”. Yung hindi sila natutuwa kapag alam nila na unti-unti kang tinataas ni Lord.

Sabi nga, masusuri mo ang gawa ng tao according to their fruits. Ibig sabihin kapag binabato ka ng tao nasa sa paligid mo, dahil na rin sa taglay na tamis ng bunga ng puno mo.

negosyo online

BASAHIN:

Mommy vlogger, nakapagpatayo ng bahay mula sa katas ng online business at Youtube

5 important steps in building an online business from home

Naghahanap ng dagdag na kita? 6 Online business na madali lang umpisahan

Iiwasan ka ng mga taong akala mo ay kaibagan mo. Lalayuan ka ng mga taong nasa paligid mo na para bang may sakit ka na nakakadiri o nakakahawa sa lahat. Takot sila bumili at pumasok sa business mo kasi baka ikayaman mo raw pagbili at pagsuporta nila sa business mo.

Naging “Talk of the Town” kame pero mas pinilit naming maging bingi, pepe at bulag sa mga taong nasa paligid naming. Ganun talaga kapag nasa ibang level ng mindset ka na. Sabi nga, dont be afraid to be different.

Mahalaga may goal ka at may vision ka para sa pamilya

Ang importante lang naman kasi sa buhay ay ang VISION na pinanghahawakan mo. Ang vision na ito ang siyang maging motivation at inspiration mo araw-araw kung paano mo makukuha ang pangarap mo.

Ngayon habang may negosyo kami online ay patuloy pa rin akong nagtuturo. Maganda na rin na marami kang pagkukunan ng panggastos. Hindi na kasi biro talaga ang gastusin ngayon lalo na ngayong pandemya.

negosyo online

We don’t grow when things are easy, we grow when we face challenges. Basta focus ka lang sa goal mo. Kailangan maging bulag, pipi at bingi ka sa sinasabi ng iba, kasi at the end of the day, ikaw naman aani ng lahat ng matamis na bunga ng iyong tagumpay.

Sa mga gaya kong guro, ‘di ka masamang guro kung naghahangad ka ng mas magandang buhay para sa pamilya mo. Tayo ay tao lamang na mas priority ang kalagayan at sitwasyon ng ating pamilya.

Huwag kang matakot lumabas sa comfort zone mo, baka kasi ang kinakatatakutan mong gawin, iyon pala ang sagot sa matagal mo ng panalangin.

Teachers deserve good life after all. We serve our countrymen but we should not be slaves in our own land.

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.
img
Sinulat ni

Mary Nelfa Recopuerto

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • Public school teacher by day, online seller sa gabi dahil "bills are always waving!"
Share:
  • Amy Perez ng magpaalam ang 21-anyos na anak na gusto na nitong magsolo: "Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin i-respeto yung gusto nung anak ko."

    Amy Perez ng magpaalam ang 21-anyos na anak na gusto na nitong magsolo: "Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin i-respeto yung gusto nung anak ko."

  • Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

    Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

  • Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

    Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

  • Amy Perez ng magpaalam ang 21-anyos na anak na gusto na nitong magsolo: "Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin i-respeto yung gusto nung anak ko."

    Amy Perez ng magpaalam ang 21-anyos na anak na gusto na nitong magsolo: "Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin i-respeto yung gusto nung anak ko."

  • Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

    Sofia Andres hindi pinagsisihan na nabuntis at naging ina sa edad na 21-anyos: “Becoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated.”

  • Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

    Luis Manzano as first-time dad: “I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko