TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Olygohydramnios sequence: Sanhi, sintomas, at epekto sa pagbubuntis

4 min read
Olygohydramnios sequence: Sanhi, sintomas, at epekto sa pagbubuntis

Ang amniotic fluid ang bumabalot at pumoprotekta sa iyong anak habang ito ay nasa loob pa ng iyong bahay-bata. Alamin ang panganib ng olygohydramnios.

Habang nagdadalang tao ang isang babae, ang fetus ay nababalot ng amniotic fluid sa bahay-bata nito. Mahalaga ang amniotic fluid dahil tinutulungan nito na madevelop ang fetus nang maayos. Kapag hindi sapat ang amniotic fluid, ang tawag dito ay olygohydramnios.

Ano ang olygohydramnios?

Ang kondisyong ito ay itinuturong dahilan sa iba’t ibang kondisyon na nakakaapekto sa organs ng fetus.

Olygohydamnios sequence ang tawag sa kondisyon na nagreresulta sa pagkakaroon ng olygohydramnios.

Tinatawag ding Potter’s syndrome, ito ay iba’t ibang pangyayaring magkakaugnay na nagdudulot ng malalang abnormalities sa fetus. Ito ay ipinangalan kay Dr. Edith Potter, na siyang naklarawan sa pisikal na itsura ng fetuses na may ganitong kondisyon.

Hindi porke mababa ang amniotic fluid ng fetus ay magkakaroon na ito ng abnormalidad. Ang pagkakaroon ng olygohydramnios sequence ay ayon sa iba’t ibang dahilan: yugto ng pagbubuntis at dami ng amniotic fluid.

Ang huling yugto ng pagbubuntis ang pinakakritikal. Kung nangyri ang olygohydramnios sequence sa panahong ito, maaaring maging mas malala ito.

Ayon sa Journal of Clinical Neurology, isa sa bawat 4,000 ipinapanganak ang nagkakaroon ng oligohydramnios sequence.

Bakit mahalaga ang amniotic fluid?

Kabilang sa mga ginagawa ng amniotic fluid ay:

  • Tumutulong sa paglaki at pag-develop ng lungs ni baby
  • Pinoprotektahan si baby
  • Tumutulong sa pagdevelop ng laman at buto ni baby
  • Tumutulong upang hindi ma-compress ang umbilical cord, na nakakaapekto sa daloy ng dugo at sustansya kay baby
  • Pinapanatili ang tamang temperature
  • Pinapanatiling madulas ang parte ng katawan ni baby upang hindi ito magdikit-dikit
  • Ang amniotic fluid ay mayroon ding iba’t ibang sustansya, hormones, at antibodies na nakakatulong sa paglaban sa impeksyon. Sa ika-36 linggo ng pagbubuntis, ang ina ay mayroong nasa isang litro ng amniotic fluid sa bahay-bata, ayon sa March of Dimes.

Sanhi ng olygohydramnios sequence

Hindi laging nalalaman kung ano ang sanhi ng mababang level ng amniotic fluid. Isang maaaring dahilan ay ang pagtulo ng amniotic fluid dahil pumutok na ang amniotic membranes.

Paglagpas ng ika-20 week ng pagbubuntis, ang karamihan sa komposisyon ng amniotic fluid ay ihi na ng fetus. Ang kidneys ang responsable sa pagsala ng fluids at paggawa ng ihi. Kung hindi gumagana nang tama ang kidneys, hindi ito makagagawa ng sapat na ihi. Magdudulot ito ng kakulangan sa amniotic fluid.

Ang chain of events na dulot ng hindi paggana ng kidneys (tulad ng malformation o failure) ay maaaring mauwi sa olygohydramnios sequence.

Minsan ay nakakaapekto rin ang genetic mutations sa pag-develop ng kidney. Kabilang sa abnormalities na ito ang:

  • autosomal dominant polycystic kidney disease
  • autosomal recessive polycystic kidney disease
  • hereditary renal adysplasia

Ang pagkakaroon ng high blood pressure o diabetes bago mabuntis ang isang babae ay maaari ring makaapekto sa pagkakaroon ng olygohydramnios sequence.

Kadalasan ay mga lalaking sanggol ang nagkakaroon ng kondisyong ito.

Ang family history ng renal diseases ay nakakadagdag din sa tiyansa ng babaeng buntis ng pagkakaroon nito.

Sintomas ng olygohydramnios

Kung kaunti lamang ang amniotic fluid, nagiging maliit ang amniotic cavity kaysa normal. Naiipit nito ang fetus, at nahahadlangan ang paglaki at pag-develop nito.

Ilan sa mga sintomas ay facial abnormalities katulad ng:

  • malapad na nasal bridge
  • malapad na pagitan ng mga mata
  • mababang posisyon ng tenga

Paano ito nada-diagnose?

Ang ultrasound ay kayang madetect ang mababang levels ng amniotic fluid at hindi normal na development ng kidney ng fetus.

Isang senyales din ang tumutulong amniotic fluid, ngunit hindi ito laging nangyayari.

Kapag napanganak na ang sanggol, makikita sa X-ray ng baga at at bato kung may abnormal development.

May lunas ba ito?

Sa ngayon ay wala pang lunas sa olygohydraomnios sequence.

Minsan ay nag-i-infuse ng fluid sa bahay-bata, o amnoinfusion. Ngunit ang fluid na ito ay hindi nagtataglay ng kaparehong sustansya at antibodies gaya ng sa amniotic fluid ng ina. Nakakatulong lang ito na bigyan ng oras ang fetus na mag-develop.

Sa kabilang banda, maaari naman tumaas ang tiyansa ng impeksyon kung gagawin ito, at hindi rin ito sapat upang ma-develop ang baga.

Maaari ring magdulot ng miscarriage ang pagkakaroon ng ganitong kondisyon. Sa ilang kaso, ang bata ay stillborn at pumapanaw rin matapos ang ilang oras.

Ang iba pang epekto ng olygohydramnios sequence ay:

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Best Time to Drink Maternity Milk: A Complete Guide for Expecting Mothers
The Best Time to Drink Maternity Milk: A Complete Guide for Expecting Mothers
  • birth defects, gaya ng hindi maayos na paggana ng kidneys
  • miscarriage, o fetal death bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis
  • premature birth, or panganganak bago ang ika-37 linggo
  • stillbirth, kung saan namamatay ang sanggol sa bahay-bata bago ang ika-20 linggo

Sa ngayon ay wala pa ring paraan upang maiwasan ang kondisyon na ito.

 

Source: Healthline 

Basahin: Panubigan ng buntis: Paano malaman kung may tagas ang iyong amniotic fluid?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Romy Peña Cruz

Maging Contributor

Inedit ni:

Candice Lim Venturanza

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • Olygohydramnios sequence: Sanhi, sintomas, at epekto sa pagbubuntis
Share:
  • Anong Best na Gatas para sa mga Buntis? Cows Milk, Goats Milk, o Plant-Based Milk?

    Anong Best na Gatas para sa mga Buntis? Cows Milk, Goats Milk, o Plant-Based Milk?

  • Maari Bang Magdulot ng Masama ang Labis na Pag-inom ng Gatas sa Pagbubuntis?

    Maari Bang Magdulot ng Masama ang Labis na Pag-inom ng Gatas sa Pagbubuntis?

  • Makakatulong ba ang Gatas ng Buntis sa Sinisikmura?

    Makakatulong ba ang Gatas ng Buntis sa Sinisikmura?

  • Anong Best na Gatas para sa mga Buntis? Cows Milk, Goats Milk, o Plant-Based Milk?

    Anong Best na Gatas para sa mga Buntis? Cows Milk, Goats Milk, o Plant-Based Milk?

  • Maari Bang Magdulot ng Masama ang Labis na Pag-inom ng Gatas sa Pagbubuntis?

    Maari Bang Magdulot ng Masama ang Labis na Pag-inom ng Gatas sa Pagbubuntis?

  • Makakatulong ba ang Gatas ng Buntis sa Sinisikmura?

    Makakatulong ba ang Gatas ng Buntis sa Sinisikmura?

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko