Mga moms! Kailangan nating mag triple ingat dahil laganap ang online scams sa Philippines lalo na sa panahon natin ngayon. Ano nga dapat ang mga dapat tandaan at paano natin maiiwasan ang maloko online?
Narito ang iba’t-ibang uri ng online scams sa Philippines na hindi mo namamalayan!
5 Online Scams Na Maaaring Mangyari Sayo At Paano Ito Maiiwasan
Dahil sa nararanasan nating pandemic ngayon, hindi lahat ay pinapayagang lumabas. Kaya naman apektado ang pagbabayad natin ng mga bayarin sa kuryente, tubig, internet, loan at iba pang mga bills na kailangang mabayaran agad.
Dahil dito, marami na ang pinipiling magbayad ng kanilang monthly bills thru online. Meron diyan ang iba’t-ibang online payment account katulad ng PayMaya, Gcash o kaya naman bank transfer katulad ng BPI online banking, Ngunit hindi pa rin talaga mawawala ang pagkalat ng mga scam lalo na sa panahon natin ngayon.
Online scams in Philippines | Image from Freepik
Anu-ano nga ba ang uri ng mga scam at paano malalaman kung naloloko na tayo online?
1. Pagpapadala ng email o text (Lottery scam)
Ang scam na ito ay kilala at laganap na sa Pilipinas. Simple lang ang technique ng mga scammer sa likod nito. Magpapadala sila sa’yo ng email, sulat o kaya naman text message na ikaw ay nanalo ng malaking pera o iba pang bagay. Kahit na wala ka namang sinalihan na contest o lottery.
Kadalasan nanghihingi sila ng halaga kapalit ng iyong ‘grand prize’ na para raw sa kailangang bayaran sa tax, bank fees o kaya naman sa courier na pagpapadalhan ng pera. Ito ay para magmukhang makatotohanan ang kanilang panloloko. Dito na sila magtatanong ng iyong personal information katulad ng buong pangalan, birthday, contact number, address o bank details.
Tandaan lamang na ‘wag ibigay ang iyong personal information lalo na sa mga ganito dahil maaari nilang nakawin ang iyong identity o magnakaw ng pera sa iyong bangko.
Minsan, ginagamit rin ng scammer ang mga pangalan ng legit na contest o lottery. Ito ay para magmukhang makatotohanan ang kanilang panloloko.
Online scams in Philippines | Image from Freepik
Paano makakaiwas?
- ‘WAG agad-agad maniwala sa mga text, email o letter na ipapadala sa’yo lalo na kung alam mong wala ka namang kaugnayan sa mga ito.
- ‘WAG magpapadala ng pera sa hindi siguradong tao para lang makuha ang iyong ‘prize’.
- Kung sakaling makatanggap ng email, text o sulat sa isang hindi kilalang tao, ‘wag itong pansinin at ‘wag buksan. Agad rin itong burahin.
- ‘WAG bubuksan ang mga links o files sa spam email.
- “WAG ibigay ang personal information sa iba katulad ng whole name, birthday, address, contact number at bank details. Madali lamang manakaw ng mga scammer ang iyong identity kapag alam niya ang basic personal information mo.
2. Pagnanakaw ng access sa banko (Card Skimming)
Ang Card Skimming ay illegal nag pagnanakaw ng iyong information mula sa magnetic strip sa iyong ATM o credit card. Kapag nalaman ng mga scammer ang iyong bank details, dito na sila gagawa ng pekeng card na nakalagay ang iyong details at magkakaroon na sila ng access sa iyong ATM card. May pagkakataon na silang makuha ang iyong pera sa nasabing bangko.
Isa rin itong paraan ng mga scammer para nakawin ang iyong identity at gamitin ito sa ibang kalokohan o illegal na gawain.
Paano makakaiwas?
- ‘WAG ibibigay sa iba ang iyong bank details pati na ang PIN number nito.
- Magpalit lagi ng PIN number.
- Pumili ng mahirap hulaan na PIN number.
- Bago gumamit ng ATM machine, i-check muna ito at tignan kung may kahina-hinalang bagay.
- Laging i-check ang iyong bank account o credit card. Kung may nakita kang kakaibang transaction na alam mong hindi ikaw ito, ipagbigay alam agad sa iyong bangko.
3. Pekeng website (Phishing)
Ang Phishing ay paggawa ng mga pekeng email o web page ng isang legit at kilalang business. Dito nila nakukuha ang mga personal o financial data na isinubmit ng taong nagbigay nito. Dito nila kinukuha ang details mula sa iyong credit card, banko, social insurance o kaya naman iba pang password na magagamit nila sa illegal na gawain.
Paano makakaiwas?
- ‘WAG pansinin ang mga pinapadalang spam messages o ‘yung kahina-hinalang sulat at email.
- Malalaman mo ang authenticity ng website sa “https:” sa unahan ng kanilang internet address.
Online scams in Philippines | Image from Freepik
4. Online shop scam
Laganap rin sa Pilipinas ang mga online shop na nangloloko ng kanilang mga customer. Dito sila gumagawa ng page sa social media at nagpopost ng mga kanilang paninda. Once na may isang sure buyer na bumili ng kanilang product, dito na magpapadala ng pera ang mga buyer ngunit walang item na mapapadala sa kanila.
Kadalasan, ang mga picture na pinopost o ipinapakita ng online seller sa’yo ay nakaw rin o hindi sa kanila.
Paano makakaiwas?
- Maghanap ng mga legitimate na feedback o response ng mga previous na buyer. Madalas na ipinopost ito ng mga online seller para rin malaman ng mga buyer na sila ay legit online shop.
- ‘WAG bumili online sa mga hindi siguradong shop.
- ‘WAG bumili online sa mga shop na walang proof of feedback.
5. Online Paluwagan Scams
Umuuso rin ang online paluwagan lalo na sa social media. Simple lang ang proseso ng scam na ito. Ang mga members ng isang paluwagan ay mag-i-invest ng pera sa kanilang paluwagan at magbibigay ng araw kung kailan makukuha ng isang miyembro nito ang perang ibinigay ng lahat. Iikot ito sa grupo hanggang sa lahat ay makakakuha ng perang ininvest ng lahat.
Mayroong iba rin na scammer ang nangangakong magkakaroon ng 10% hanggang 70% na kita ang sumali sa loob lamang ng ilang araw.
Paano makakaiwas?
- IWASAN ang pagsali sa mga online investment lalo na kung hindi ka sigurado o kilala ang mga taong miyembro rito.
- Sumali lamang sa mga registered at authorized na online investment.
- ‘WAG agad-agad magpadala o sumali sa online investment.
Source:
PNP
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!