X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#AskDok: Lalago ba ang buhok ni baby kapag kinalbo siya?

7 min read
#AskDok: Lalago ba ang buhok ni baby kapag kinalbo siya?

Narito ang ilan sa mga paraan na maari mong gawin para tumubong makapal at healthy ang buhok ni baby.

Paano kakapal ang buhok ng baby? Totoo bang kakapal ito kapag kinalbo siya? Alamin ang kasagutan rito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kakapal ba ang buhok ni baby kapag kinalbo siya?
  • Mga bagay na may kinalaman sa pagkapal ng buhok ng sanggol
  • Paano kakapal ang buhok ng baby? Mga paraang pwede mong subukan

Halos pare-pareho naman ang hitsura ng mga sanggol kapag sila’y ipinapanganak. Pero habang tumatagal, matapos ang ilang ligo, napapansin na natin kung ano talaga ang hitsura ni baby. Pati na rin ang kaniyang buhok.

May mga sanggol na ipinapanganak na marami na agad buhok, mayroon rin namang mga kalbo o may manipis na buhok. Makalipas ang ilang buwan, maaring mapansin mo na manipis at tila matagal humaba ang buhok ng iyong anak.

Bagamat ang pagkakaroon ng manipis na buhok ng baby ay hindi naman isang seryosong kondisyon na dapat ipag-alala, bilang magulang, nag-isiip ka pa rin kung paano kakapal ang buhok ng iyong anak. Sa puntong ito ay hindi ka nag-iisa! Dahil marami sa atin na ninanais rin ito para sa baby nila.

Paano kakapal ang buhok ng baby

Image from Freepik

Kakapal ba ang buhok ng bata kapag kinalbo?

Paniniwala ng matatanda, kapag kinalbo mo ang bata, kakapal ang tubo ng buhok nito. Kaya naman ito ay naging kaugalian na ng mga magulang dito sa atin.

Pero ayon kay Dr. Jennifer Tiglao, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, walang katotohanan ang paniniwalang ito, dahil ang pagiging manipis o makapal ng buhok ng isang tao ay base sa genetics o namamana, at hindi makakatulong ang pagkalbo sa bata para kumapal ito.

“Walang medical explanation na kapag kinalbo ka kakapal ang buhok mo. Hindi totoo iyon. Kasi ang hair, genetic. Kung ipinanganak ka na makapal ang buhok ng parents mo, ng ancestors mo, kakapal ang buhok mo.” paliwanag ni Dr. Tiglao.

Kadalasan, ipipilit ng mga matatanda ang pagsunod sa ganitong paniniwala dahil “Wala namang mawawala.” Subalit ayon rin kay Dr. Tiglao, maari mo palang mailapit sa sakit ang iyong anak kapag kinalbo mo ang buhok niya, lalo na kung siya ay sanggol pa at hindi pa malakas ang kaniyang immune system.

“Ang mahirap pa nga kapag kinakalbo is infection. Kasi tinanggal mo iyong nagproprotect ng scalp ng baby, so ‘yong follicles niya mai-irritate. Imagine mo magkakaroon pa yan ng folliculitis, iyong maliliit na sugat, so it’s a source of infection pa.” aniya.

paano kakapal ang buhok ng baby

Larawan mula sa Freepik

Mga mabisang pampakapal ng buhok ni baby

Bagamat ang pagkapal pala ng buhok ng isang bata ay base sa kaniyang genes, mayroon namang mga paraan na pwede mong subukan para masiguro ang magandang tubo ng buhok ni baby. Narito ang ilan sa kanila:

Oil massage

Ang pagmamasahe sa katawan ni baby ay nakakatulong upang tumibay ang kaniyang mga buto. Ganoon rin upang magkaroon ng maayos na sirkulasyon ang kaniyang dugo.

Kung ang masahe ay gagawin naman sa kaniyang ulo, nahihikayat nito ang mabilis na pagtubo ng buhok. Lalo na kung ang pagmamasahe ay gagamitan ng mga oils gaya ng virgin coconut oil na hindi lang nagmomoisturize ng buhok ni baby kundi pinoprotektahan din ito mula sa mga harmful bacteria.

Panatiliing malinis ang buhok at ulo ni baby

Para ma-promote ang hair growth sa ulo ni baby mainam rin na panatiliing laging malinis ito. Ito ay upang matanggal ang mga dumi na maaring bumara o tumakip sa pores ng scalp o anit ni baby na pumipigil sa mga follicles ng buhok na tumubo.

Paalala rin ni Dr. Tiglao, pumili ng mga produktong angkop para sa mga bata at walang matatapang na chemicals. Paano mo malalaman kung banayad ito? Amuyin mo. Aniya,

“Kapag alam niyong manipis ang buhok ni baby, huwag ninyo nang ibibili ng shampoo na matapang. Ito ang tandaan niyo – kapag ang shampoo mas mabango, mas matapang iyan. Kapag walang amoy, mas gentle ang shampoo, less chemicals iyon.” 

Gumamit o bigyan ng vitamin D si baby

Ang pagbibigay ng vitamin D ay isa ring mabisang pampakapal ng buhok ni baby. Ito ay maaring ipainom sa kaniya o kaya naman ay idagdag sa mga ikinakain niya.

Maari ring ihalo ang vitamin D supplement sa isang carrier oil at saka imasahe sa kaniyang ulo. Sa ganitong paraan ay hindi lang tutubong makapal ang kaniyang buhok. Ito rin ay magiging healthy at shiny.

BASAHIN:

#AskDok: Magkakasakit ba si baby kapag nahamugan?

Baby’s first haircut: Kailan dapat gawin at paano ito paghahandaan?

LIST: Best baby wash for newborns in the Philippines at kung magkano ito

Pakainin si baby ng mga pagkaing mayaman sa iron

Maliban sa vitamin D, ang isa pang nutrient na nakakatulong sa mas mabilis na pagtubo ng buhok ni baby ay ang iron. Mas pinapatibay rin nito ang buhok at sinisigurong ito ay tutubo ng makapal.

Ang mga pagkaing mayaman sa iron na maaring ihalo sa diet ni baby ay mga green leafy vegetables, beans, pumpkin at marami pang iba.

Pakainin ng almonds kay baby

Ang almonds ay mayaman sa amino acid, proteins at omega 3 fatty acids na makakatulong sa magandang pagtubo ng buhok ni baby. Para makuha niya ang mga nutrients na ito, mainam na ihalo ito sa kaniyang diet o pagkain.

Gumamit ng aloe vera sa buhok ni baby

Ang aloe vera ay hindi lang maganda sa ating balat. Nakakatulong rin ito sa mas mabilis na pagtubo ng buhok. Ang kailangan lang gawin ay imasahe sa ulo ni baby ang katas nito o kaya naman ay ihalo sa shampoo para sa mas magandang resulta.

Gumamit ng malambot na brush sa pagsusuklay ng buhok ni baby

Paano kakapal ang buhok ng baby

Image from Freepik

Napakasensitibo ng anit at bunbunan ng mga sanggol, kaya naman gumamit ng malambot na brush sa pagsusuklay ng kaniyang buhok. Sa ganitong paraan, hindi lang naalagaan na huwag maputol ang kaniya pang manipis at marupok na buhok, kundi namamasahe rin nito ang kaniyang ulo na nag-iimprove ng blood circulation at nagpropromote ng hair growth.

Gumamit ng malambot ng towel sa pagpupunas ng buhok ni baby

Sa pagpapatuyo ng buhok ni baby, dapat gumamit ng malambot na towel. Ito ay upang masiguro na hindi ma-dadamage ang follicles ng kaniyang buhok, Dahil kapag ito ay nangyari ang kaniyang buhok ay malalagas o tutubong manipis.

Iba pang tips kung paano kakapal ang buhok ng baby

Maliban sa mga nabanggit ay may iba ka pang maaring gawin upang masigurong tutubo ng healthy at makapal ang buhok ni baby. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
  • Kung itatali ang buhok ni baby, siguraduhing hindi ito mahigpit. Dahil ang pagtatali ng mahigpit sa buhok ni baby ay maaring maka-damage rito. Kung maari ay iwasan ring gumamit ng mga rubber o goma sa kaniyang buhok. Dahil maaring dumikit dito ang kaniyang manipis na buhok at agad na maputol.
  • Siguraduhing properly hydrated lagi si baby. Painumin siya ng maraming tubig o padedehin nang madalas. Sa ganitong paraan, gaganda ang sirkulasyon ng kaniyang dugo na mahalaga sa pagtubo ng kaniyang buhok.
  • Kung lalabas at mainit ang panahon, suotan ng sombrero o takpan ang ulo ni baby. Ito ay upang maprotektahan ang kaniyang buhok mula sa damage na maaring maidulot ng init ng sikat ng araw.

Huwag kang masyadong mabahala sa manipis na buhok ni baby. Tutubo at kakapal rin ‘yan sa tamang panahon. Kung mayroon kang katanungan tungkol sa paglaki at kalusugan ng iyong anak, huwag mahiyang kumonsulta sa kaniyang pediatrician.

Source:

Super Baby, What To Expect, Comb and Scissor

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • #AskDok: Lalago ba ang buhok ni baby kapag kinalbo siya?
Share:
  • Newborn Guide: 7 na dapat mong malaman tungkol sa buhok ni baby

    Newborn Guide: 7 na dapat mong malaman tungkol sa buhok ni baby

  • Tanong ng mga nagbubuntis: Bakit nalalagas ang buhok ko?

    Tanong ng mga nagbubuntis: Bakit nalalagas ang buhok ko?

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Newborn Guide: 7 na dapat mong malaman tungkol sa buhok ni baby

    Newborn Guide: 7 na dapat mong malaman tungkol sa buhok ni baby

  • Tanong ng mga nagbubuntis: Bakit nalalagas ang buhok ko?

    Tanong ng mga nagbubuntis: Bakit nalalagas ang buhok ko?

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.