Unang-una sa lahat, pinapalaki ko mga anak kong malalambing at may galang para kahit saan man kami magpunta, dala-dala nila ang respeto sa nakakatanda, tulad ng pagmano. Tradisyon ‘yon na kinalakihan ko, lalo na ang Pagsagot ng ‘po’ at ‘opo’.
Nakakatuwa lang sa mga anak ko nakikita ko silang may galang sa lahat ng tao. Kahit minsan nakakalimot sila, pero always kong pinapaalala sa kanila ‘yon.
‘Di biro talaga magpalaki ng bata, kaya andito akong magulang, always naka-support sa aking mga anak.
Isa din sa i-share ko ‘yong paglalambing ng mga anak ko. Madalas kasi akong umiyak. ‘Pag nakikita nila umiiyak ako, lalapit sila, titingin sa’kin at yayakapin ako, hahalikan. Nakakawala sila ng pagod. Kahit minsan ubos na ubos ka na at nawawalan ka ng gana sa buhay, tingin ka lang sa mga anak mo, napapawi na.
Grabe din sila magmahalan. Kahit minsan, hindi maiwasan mapikon ang isa ‘pag nag-aasaran pero always naman may nagpapakumbaba sa kanilang magkakapatid.
Mahalaga talaga sa’tin mga magulang na lagi tayong nakaagapay habang maliit pa mga bata kasi tayong mga magulang ang nagsisilbing guro nila sa ating tahanan.
Tinuturuan ko din sila pano maging malakas kapag nadadapa sila isa yan sa gusto kong matutunan nila para para kahit mawala man ako sa mundo, pagdating ng panahon, hindi ako mag-aalala dahil alam kong marunong ang aking mga anak na tumayo sa sarili nilang mga paa.
Ako kasi ‘yong tipong magulang na iniisip agad ‘yong magiging future nila. Ayokong dumanas sila ng mga napagdaanan ko lalo na sa hirap ng buhay. Gusto ko habang bata sila ay mamulat sila sa kahirapan ng buhay. Gusto ko balanse lang ang lahat, ayokong lumaki silang madamot at higit sa lahat gusto kong lumaki silang may takot sa Diyos.
Isa sa nakaka-proud na i-share sa inyo sa murang edad ng aking mga anak may alam na sila sa gawain bahay. Hindi dahil sa nakikita nila araw-araw yun. Gusto ko din kase lumaki silang masisipag, walang masama habang bata natuturuan na sila kahit paunti-unti.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!