Paano magpatulog ng bata ng tama? Ito ang tanong ng marami sa ating mga magulang. Dahil maliban sa tuwing tulog lang ang ating anak tayo nakakagawa ng mga gawaing bahay, ito rin ay maganda para sa kanilang kalusugan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Two common mistakes sa pagpapatulog ng baby o bata
- Paano magpatulog ng bata ng tama?
- 8 tips para mapatulog ang bata nang maaga at mag-isa
Malamang ay may routine ka ng ginagawa sa pagpapatulog ng iyong anak? Ngunit, ayon sa isang sleep psychologist, maaring ang ginagawa mong routine ay mali. At mas nagpapahirap lang sa iyong anak na makatulog ng maayos lalo na sa gabi.
Two common mistakes sa pagpapatulog ng baby o bata
Ayon kay Dr. Lynelle Schneeberg, isang pediatric sleep psychologist at assistant professor sa Yale School of Medicine ay may dalawang common mistakes na ginagawa ang mga magulang sa tuwing magpapatulog ng anak. At imbis na matulungan ang mga batang makatulog ng maayos, ay mas pinapahirapan pa daw ng dalawang routine na ito na makakuha ng good night sleep ang mga bata.
Ang unang pagpapatulog mistake na tinutukoy ni Dr. Scheneeberg ay ang paghiga o pagtulog sa tabi ng iyong anak hanggang siya ay makatulog.
BASAHIN:
Benepisyo ng sapat na pagtulog sa panahon ng COVID-19
STUDY: Hindi pagtulog ng baby sa gabi, hindi dapat ikabahala
Pag-iyak at hirap sa pagtulog ni baby, maaaring sintomas na ng kondisyon na silent reflux
Isa ito sa mga style ng pagpapatulog ng karamihan sa ating mga magulang. Dahil sa ganitong paraan ay nasisiguro ng ating anak na hindi tayo aalis sa tabi nila. Ngunit, hindi mo ba napapansin na sa tuwing wala ka sa tabi niya ay nagigising agad siya at hindi na makakakuha ng maayos na tulog na kailangan niya?
Ayon kay Dr. Scheneeberg, ito daw ay dahil nasanay siya na nasa tabi ka niya tuwing siya ay natutulog. Kaya naman sa oras na wala ka na ay agad na hahanapin ka niya. O kaya naman kapag wala ka para tabihan siya ay mahihirapan na siyang makatulog ng mag-isa.
Ang pangalawang pagpapatulog mistake naman ay ang pagbibigay sa mga extra request ng iyong anak bago siya matulog. Tulad ng isang pang bedtime story, isang bedtime snack o kaya naman ay isang hug o kiss mula sa iyo bago niya ipikit ang kaniyang mata.
Ayon kay Dr. Scheneeberg, hindi daw tinuturuan ng pagpapatulog style na ito ang mga batang makatulog ng maaga at ng maayos. Sa halip ay mas nagigising at active pa sila. Ito ay dahil sa pag-iisip na makakakuha sila ng reward sa tuwing sila ay gising at hihirit ng extra request pa.
Paano magpatulog ng baby o bata ng tama
Malamang, ang susunod mong tanong e paano magpatulog ng baby ng tama? Narito ang mga sagot at pagtatama ni Dr. Scheneeberg sa dalawang pagpapatulog mistake na ito.
Una ay siguraduhin daw na may maayos, komportable at consistent na bedtime routine ang iyong anak. Bigyan din ng clear endpoint ang routine na ito tulad ng isang kiss sa kaniyang noo o cheek. At iwan siya habang siya ay gising pa o hayaan siyang makatulog ng mag-isa.
Puwede mo din siyang hayaang magbasa ng libro o maglaro hanggang siya ay antukin sa kaniyang kama.
Kung ang iyong anak naman ay nasanay na tatawagin ka o hihirit ng request bago matulog ay bigyan siya ng bedtime tickets. Ang mga bedtime tickets ay maari mong gawin bilang pamalit sa isa o dalawang final request ng iyong anak. Dapat ang mga tickets na ito ay quick request lang at nag-eexpire sa loob ng 5 minuto. Ipaliwanag sa kaniya na kapag naubos niya na ang tickets niya sa kada gabi ay dapat na siyang bumalik sa pagbabasa o paglalaro hanggang sa makatulog siya ng mag-isa.
At kung hindi naman magamit ang ticket ay ipaliwanag din sa kaniya na ito ay may kapalit na reward pagkagising niya sa umaga. Sa ganitong paraan ay gagawin niyang isang game ang pagtulog na makakatulong sa kaniya na pag-aralan itong gawin at makasanayan ng mag-isa.
8 tips kung paano mapatulog ng bata nang maaga at mag-isa
Kahit sa pagtatapos ng araw, nagiging challenging pa rin sa atin ang patulugin ng mag-isa ang ating mga anak. Ngunit paano nga ba ito magagawa ng tama? Paano makakatulog ang iyong anak ng mabilis at maaga?
Paano magpatulog ng bata? | Image from Freepik
1. Bedtime routine
Habang bata pa lamang ang ating mga anak, kailangan na natin silang sanayin sa wastong pagtulog ng maaga. Paano ito magagawa? Unang-una ay gumawa ng bedtime routine na kailangan niyang sundin.
Ang pagkakaroon ng bedtime routine ay nakakatulong para sa magandang sleeping pattern. Bukod dito, mas lalo silang mare-relax at magkakaroon ng malalim na pagtulog.
Maaaring bago patulugin ang iyong anak, kausapin muna siya sandali. Malaki rin ang maitutulong ng pagbabasa ng bedtime books!
2. Pag-idlip sa tanghali
Karamihan sa mga batang nasa edad 3-5 years old ay laging tulog sa tanghali. Sa ganitong sitwasyon, mas mabuting limitahan ang kanilang pagtulog sa araw para mahaba ang matitutulog nila sa gabi.
Iwasang patulugin sila na umaabot sa 20 minutes.
3. Iwasan ang kape
Ang kape ay mayroong caffeine. Kung nakasanayan na ng anak mong uminom ng kape, mas mabuting ‘wag itong dalasan. Malaki ang epekto nito sa pagtulog kinagabihan.
4. Mag-relax bago matulog
Pagkatapos kumain ng hapunan, abisuhan ang iyong mga anak na wala nang maglalaro. Mas mabuting i-relax ang kanilang katawan bago matulog.
Imbes na magtatakbo sa loob ng bahay ang iyong mga anak, mas mabuting sanayin sila na magbasa ng libro o makinig ng music bago matulog. Malaki ang maitutulong nito sa kanilang katawan bago humiga sa kama.
Paano magpatulog ng bata? | Image from Unsplash
5. Iwasan ang gadgets!
Payo ng mga eksperto, ‘wag sanayin o pahawakin muna na smartphone o anumang uri ng gadget ang ating mga anak lalo na kung sila ay bata pa lamang. Isa sa rason kung bakit hindi nakakatulog ang mga bata sa gabi ay dahil nawiwili silang gumamit ng gadget bago matulog.
6. Komportableng kwarto
Pagmasdan ang kwarto ng iyong anak, masyado bang madilim? Paano ang bintana? Baka naman takot siya rito?
Malaking factor na kailangang alalahanin ng mga magulang para magkaroon ng maginhawang tulog ang kanilang anak ay ang kwarto mismo na kanilang pagtutulugan. Likas na matatakutin ang mga bata. Kaya naman kailangang maayos o alam nilang safe sila sa kanilang kwarto.
Iwasan ang panonood ng nakakatakot na palabas bago matulog. Sawayin din ang mga nakakatandang kapatid na ‘wag takutin sila bago humiga sa kama.
7. Maingay o magulong kapaligiran
Baka naman kaya hindi nakakatulog ng mabilis ang iyong anak ay dahil maingay ang kaniyang electric fan o aircon? Maaari ring masyadong maliwanag at madilim sa kaniyang kwarto kaya matagal siyang makatulog.
Iwasan muna ang maglagay ng TV sa loob ng kanilang kwarto para mabawasan ang distraction. Ang blue light na nanggagaling dito ay nakakaapekto sa lebel ng melatonin na siyang responsable sa pagtulog ng isang tao. Bago matulog, gawin ang mga ito:
- I-check ang paligig kung may hindi kaaya-ayang tunog sa kwarto
- Patayin ang mga device sa loob na kwartong na siyang maaaring pagmulan ng distraction
- Mas magandang dim lights ang ilaw ng iyong anak
Paano magpatulog ng bata? | Image from Unsplash
8. Pagkain ng tama
Iwasang kumain ng madami tuwing gabi. Sanayin ang iyong anak na tama lang dapat ang kinakain nila pagsapit ng hapon. Hindi kasi komportable ang pagkain ng madami sa gabi at mahihirapan silang makatulog ng maayos.
Maaari namang kumain kinabusakan ng masustansyang pagkain para mapunan ang kanilang energy para sa buong araw.
Source:
Psychology Today
Photo:
Children’s Health
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!