X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Grade 1 student, nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa simpleng paraan

4 min read

Paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan? Tila mahirap gawin pero para sa isang batang tulad ni Jerick Caminero mula sa Argao, Cebu, ito ay maipapakita sa simpleng paraan.

Si Jerick ay isang Grade 1 student mula sa Bogo Elementary School na gumising sa makabayang puso ng mga netizens ng kumalat ang larawan nito sa social media habang nakatayo at nakalagay ang kanang kamay sa kaniyang kaliwang dibdib.

Ito ay tanda ng kaniyang pagrespeto sa pambansang awit ng Pilipinas na kasalukuyang tumutugtog ng makunan ang kaniyang litrato.

Paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan?

Image from Glynis Amazona’s Facebook account

Ayon sa photo uploader na si Glynis Amazona, nakasakay siya sa bus at papasok diumano sa kaniyang trabaho nang matigil ang sinasakyan niyang bus sa kinatatayuan ni Jerick. Agad niyang inupload ito sa kaniyang Facebook account na kung saan sinabi niya na isa siyang inspirasyon at sana lahat ay maging tulad niya.

Ang post na ito ni Glynis ay umani ng comments at ishinare ng mga netizens na natouch sa simpleng gawing ito ni Jerick.

Sa ngayon ay may lagpas na itong 5,000 shares at nag-simula ng maifeature sa pambansang pahayagan gaya ng Philippine Daily Inquirer.

Sa isang interview ng Inquirer kay Amazona ay ikinuwento nito na ang tagpo kung saan nakunan niya ng litrato ang 9 years old na si Jerick Caminero bandang alas-siyete ng umaga nitong February 12.

Tumigil daw ito sa paglalakad at inilagay ang kanang kamay agad sa kaniyang kaliwang dibdib ng marinig na tumugtog ang Philippine National Anthem sa kanilang flag ceremony.

Dagdag ni Amazona ay tila nahiya ito ng makitang maraming sasakyan ang huminto sa harap niya pero hindi ito nagpatinag sa kaniyang hiya at nanatili sa kaniyang puwesto hanggang matapos ang kanta.

Naawa din daw si Amazona kay Jerick na naka-tsinelas lang at hindi naka-uniform ng araw na iyon.

Ngunit sa kabila ng kalagayan nito ay pinakita nito kung paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagbigay galang nito sa pambansang awit ng Pilipinas—hindi tulad ng ibang estudyante na nakauniporme na hindi man lamang huminto habang tumutugtog ang pambansang awit.

Na-inspire nga ang mga netizens sa post na ito ni Amazona na patuloy na ishine-share ito sa social media na may kaniya-kaniya ring comment sa litrato ni Jerick.

“A young hero of the modern-day. SALUTE!”

“A child worthy of every education you students on rally is asking of. A patriot child. A true Filipino. This is a perfect example of a good citizen of the Philippines. I hope every Filipino is like you little one. The flag will wave higher for people like you. Mabuhay ang Pilipinas!”

“Salute to this kid. Eto gawin nyo mga kambalan ko everytime na may flag raising ceremony kayo madadaanan. Stop what you do and sing our national anthem. Alam ko konti na lng gumagawa nito pero that doesnt mean na di na dapat gawin.”#raiseyourflag

“Such a patriotic! kids plss emulate this child.” ❤

“Some heroes don’t wear capes. Some simply respect the flag.”

“During the 80s, students and people from all walks of life were so respectful of our flag. Now, it’s seldom to see people even students to see honoring our flag during flag ceremony and flag retreat.”

Dahil sa patriotic act o makabayang gawi na ito ni Jerick ay maraming Pilipino ang na-inspire niya.

Isa na nga rito ay ang Regional Mobile Force Battalion o RMFB 7 ng Cebu na inimbitahan siya ngayong araw upang umattend ng kanilang Monday flag raising ceremony.

Binigyan din siya ng grupo sa pamumuno nito Force Commander Police Supt Hector Grijaldo ng mga regalo at groceries para sa kaniyang pamilya.

Paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan?

Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan ay ang simpleng pagbibigay respeto sa watawat at pambansang awit na sumasagisag rito gaya ng ginawa ni Jerick Caminero.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Ito ay nakasaad sa batas ng Pilipinas na makikita sa Section 21 ng Republic Act 8491 o kilala sa tawag na The Flag and Heraldic Code of the Philippines na kung saan ayon sa batas ay dapat gawin ang sumusunod:

Ang sinumang Pilipino na makakarinig ng pagtugtog ng Pambansang awit ng Pilipinas mula sa unang nota nito ay dapat tumigil o huminto sa kung ano man kaniyang ginagawa at dapat ilagay ang kaniyang kanang kamay sa kaliwa niyang dibdib bilang pagbibigay respeto sa pambansang awit ng Pilipinas.

Ang sinumang Pilipino na lumabag sa batas na ito ay maaring magmulta ng hindi bababa sa P5,000 at hindi tataas sa P20,000 na maari ring humantong sa pagkabilanggo na hindi naman lalagpas sa isang taon.

Sana nga ay maging inspirasyon si Jerick sa lahat ng mga Pilipino lalo na sa mga tulad niyang kabataan na pag-asa ng ating bayan.

 

Sources: Sun Star, Inquirer, Official Gazette

Basahin: 9-year-old, pinagsasabay ang pag-aaral ng Grade 4 at College

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Grade 1 student, nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa simpleng paraan
Share:
  • Wondering if you're doing enough? Here are the 11 signs of good parenting

    Wondering if you're doing enough? Here are the 11 signs of good parenting

  • Makabayan girl: Grade 7 na nagpakita ng pagmamahal sa bayan

    Makabayan girl: Grade 7 na nagpakita ng pagmamahal sa bayan

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Wondering if you're doing enough? Here are the 11 signs of good parenting

    Wondering if you're doing enough? Here are the 11 signs of good parenting

  • Makabayan girl: Grade 7 na nagpakita ng pagmamahal sa bayan

    Makabayan girl: Grade 7 na nagpakita ng pagmamahal sa bayan

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.