Ang pagkakaroon ng bagong sanggol sa kabahayan ay isang masayang bagay katulad ng pagkakaroon ng bagong kapatid. Ngunit, ang pagaalaga sa isang toddler at newborn ay nakakapagod na gawain. Para sa mga magulang, lalo na ang mga nanay, ito ang ilang mga tips sa pagaalaga ng toddler at newborn.
I-enroll ang toddler sa preschool program
Ang pagdating ng bagong kapatid sa isang bahay ay maaaring hudyat upang ipasok na sa preschool program ang isang toddler kahit pa panandalian lamang. Sa ganitong paraan, mabibigyan ang newborn ng sariling oras sa mga magulang. Mabibigyan din nito ang toddler ng isang gawain na alam niyang para sa kanya lamang. Gawing malaking bagay ang pagsundo dito, tanungin ang bata tungkol sa araw niya at mag-display ng kanyang mga gawa upang mapakita kung gaano ka-ispesyal ang pagaaral nito sa preschool.
Magtakda ng sariling lugar para sa toddler
Sa pagaalaga ng toddler at newborn, maganda na magtakda ng lugar kung saan maaaring maglaro ang toddler mag-isa. Maaari itong magkaroon ng mga shelves kung saan makakapili ang toddler ng laruan. Pumili ng mga laruan na naghihikayat ng paglalaro mag-isa tulad ng mga think blocks, art supplies, laruang pagkain, at mga simpleng pala-isipan. Maaari rin maglagay ng upuan at mesa na sukat para sa toddler.
Pagtugmain ang oras ng pagtulog
Mahirap na bagay ngunit ang pagtugma ng mga oras ng pagtulog ng toddler at newborn ay malaki ang maitutulong sa pagiisip ng mga magulang. Ang oras ng pagtulog ng toddler ay masmadaling alamin ang oras at mas malalim. Subukan patulugin din ang newborn sa mga oras na ito.
Magkwento ng mga bagay sa toddler
Mahirap gawin ang pagbabasa ng libro sa toddler habang may buhat na newborn. Imbes na basahan ng libro ang toddler, maaaring gumawa ng sariling kwento tungkol sa kung ano ang pumupukaw ng kanyang interes. Maaari rin kwentuhan ang toddler ng mga bagay nung siya ay newborn pa tulad ng bagong kapatid. Maaari rin isalaysay ang pagaalaga sa newborn at ikumpara sa pagaalaga sakanya nung siya ay newborn pa.
Maghanda ng mga busy bags
Ang pagkakaroon ng newborn sa kabahayan ay nangangahulugan na mahirap ang maging hands-on sa pagaalaga sa toddler. Isang paraan upang hindi masira ang pagiisip ay ang paghanda ng mga busy bags. Ang busy bags ay magiging lalagyan ng mga simpleng laruan, pala-isipan, at iba pang bagay na makakapag-aliw sa toddler.
Isuot ang newborn
Hindi maiiwasan ang paghingi ng atensyon ng isang toddler. Kung sa mga oras na ito ay hindi mabababa ang newborn, isuot ang baby kung nasa tamang edad na ito. Gamit ang baby carrier, sling man o wrap, mananatiling nakadikit sa magulang ang newborn habang ang mga kamay ng magulang ay libre para makipaglaro sa toddler.
Tanggapin ang pagkatalo at humingi ng tulong
Minsan, ang paghingi ng tulong ay kailangan kahit gaano pa kahirap gawin. Ito ay nabibigyang importansya sa sabay na pagaalaga ng newborn at toddler. Tanggapin ang alok ng mga magulang, kamag-anak o kaibigan na pagbabantay sa toddler para mabigyan ng sariling oras ang newborn. Maaari rin kumuha ng magaalaga as newborn upang mabigyan ang toddler ng ispesyal na oras para sa kanya. Ang pagbibigay ng oras para sa bawat isa sa mga anak ay importanteng bagay.
Ang pagiging magulang sa dalawang bata ay mahirap na bagay. Panatilihin sa pagiisip na ang ganitong mga parte ng buhay ng mga toddler at newborn ay nagbabago rin. Gawin ang makakaya upang tanggapin ang hirap na nararamdaman sa kaalaman na hindi ito magtatagal.
Source: VeryWell Family, The Military Wife and Mom
Basahin: 7 benepisyo ng pagkakaroon ng kapatid na babae
Image: Freepik
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!