Paano ba ang tamang pag-inom ng pills? Ito ang dapat malaman ng bawat babaeng nagnanais subukan ang uri ng birth control method na ito. Dahil kung mali ang pag-inom o pag-gamit ng pills, mataas ang tiyansa ng pagbubuntis.
Mababasa sa artikulong ito:
- Iba't ibang klase ng contraceptive pills
- Mga pills na puwede sa nagpapasuso
- Kung paano ang tamang pag-inom ng pills
Pero paano ang tamang pag-inom ng pills? Narito kung paano at ang mga uri ng pills na dapat inumin ng bawat babae ayon sa isang doktor.
Tamang paraan sa pag-inom ng pills
Sa online kwentuhan ng theAsianparent Philippines na pinamagatang Family Planning: Doing it Right for the Future That’s Bright ay nagbahagi ng kaniyang knowledge at expertise ang OB-Gynecologist na si Dr. Raul Quillamor tungkol sa paggamit ng contraceptive pills.
Ayon kay Dr. Quillamor, ang contraceptive pills ang isa sa family planning method na ginagamit ng maraming pamilyang Pilipino. Ito ay may tatlong uri na tutugma sa pangangailangan at kalusugan ng babaeng gagamit nito.
Ang tatlong uri ng pills na maaaring gamitin ng mga babaeng nais makaiwas sa pagbubuntis ay ang sumusunod. Pati na ang paraan ng tamang pag-inom ng pills para masigurong ito ay epektibo.
Tatlong uri ng contraceptive pills
Progestin-only pills

Baby photo created by rawpixel.com - www.freepik.com
Ang unang uri ng pills na inirerekumenda para sa mga nagpapasusong ina ay ang mga progestin-only pills. Mula sa pangalan nito, ang pill na ito ay nagtataglay lamang ng hormones na progestin.
Ayon kay Dr. Quillamor, ito ang inirerekumendang gamitin ng mga nagpapasusong ina upang hindi maapektuhan ng pills ang supply ng gatas nila.
“Kung gusto niyang ituloy ang breastfeeding may appropriate na contraceptive method para sa kaniya. Gaya ng pagbibigay ng progesterone only pill. Ito ay binibigay sa mga nanay na nag-brebreastfeed para hindi tumigil ang produksyon ng kanilang breastmilk.”
Ayon naman sa Mayo Clinic at DOH, Ito rin ang inirerekumendang contraceptive pills para sa mga babaeng nakakaranas ng ilang health conditions.
Tulad ng pagkakaroon ng blood clot sa kanilang binti o kaya naman ay may mataas na blood pressure. Pati na rin ang mga babaeng mayroon o nagkaroon ng history ng breast cancer. Ganun din ang mga kasalukuyang gumagamit ng anti-convulsant at antiretroviral drugs.
Sa tulong ng progestin-only pills ay kumakapal ang cervical mucus habang numinipis ang lining ng uterus. Ito ang pumipigil para makarating ang sperm sa egg cells.
Pinipigilan din nito ang ovulation at para mas maging effective kailangang inumin ito ng pare-parehong oras araw-araw.
Ayon parin sa DOH, inirerekumendang gamitin ito ng mga nagpapasusong ina 6 na linggo matapos ang panganganak. Para sa mga hindi nagpapasusong ina, ito ay dapat simulan agad bago pa man makaalis ang ina sa pinag-anakan niyang pasilidad.
Dito sa Pilipinas, ang ilan sa mga progestin-only pill na available ay ang Daphne, Cerazette, at Exluton.
Combination pills

Woman photo created by jcomp - www.freepik.com
BASAHIN:
Kailan maaaring uminom ng pills pagkatapos manganak?
Birth Control Pills: Ang mga epekto kapag tumigil kang uminom nito
Anu-anong mga gamot ang nakakawala ng bisa ng birth control pills?
Ang combination pills naman ay ang uri ng pills na nagtataglay ng dalawang hormones na estrogen at progestin.
Ayon kay. Dr. Quillamor, ito ay hindi inirerekumendang gamitin ng mga nagpapasusong ina dahil sa maaari nito umanong mapatigil ang breast milk production.
“Kapag binigyan sila ng combination pill, titigil bigla 'yong breast milk production nila whether na-CS ang nanay o nag-normal delivery siya.”
Ang combination pills ay inirerekumenda ring gamitin ng mga babaeng mayroong sakit na PCOS o Polycystic ovary syndrome. Sapagkat ang mga hormones na taglay nito ay binabawasan ang androgen production ng katawan at nirer-egulate ang estrogen.
Sa pag-inom ng combination pills ay napipigilan nito ang iyong katawan sa pag-o-ovulate. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagpigil ng pills na mag-release ng egg ang iyong ovaries.
Pinapakapal rin dito ang iyong cervical mucus para mahirapan ang sperm na mag-travel sa iyong uterus at makapag-fertilize ng egg.
Tulad ng progestin-only pills, ang tamang pag-inom ng pills na ito ay dapat ding oras araw-araw ang combination pills para mas maging effective. Dapat ito rin ay maibigay matapos ang 6 na linggo ng panganganak ng isang babae kung hindi ito nagpapasuso.
Dito sa Pilipinas, ang ilan sa mga combination pills na available ay Trust, Yasmin, Lady, Yaz, Qlaira, Mercilon, Marvelon 28, Diane-35 at Althea.
Emergency contraceptive pills

Photo by Sophia Moss from Pexels
Samantala, may isa pang uri ng pills na ginagamit ng ilang babaeng Pilipino. Ito ay ang emergency contraceptive pills na iniinom matapos ang isang unprotected sex.
Para umepekto ay dapat inumin ang emergency contraceptive pills sa loob ng 120 hours matapos ang pagtatalik para ito ay umepekto. Isa itong uri ng emergency contraception na ayon kay Dr. Quillamor ay hindi niya inirerekumenda dahil sa mga sumusunod na dahilan,
“May certain period of time lang na puwede mong inumin. Ang problema pa high dose estrogen ang emergency contraceptive pills. Masakit sa tiyan, masakit sa ulo. Kung hypertensive ka mas tataas pa ang blood pressure po. Maraming side effects ito kaya naman dini-discourage namin ang ECP [emergency contraceptive pill].”
Dagdag pa niya, para mas malinawagan kung ano ang klase ng contraceptive pills na swak sa iyong pangangailangan ay dapat magpa-konsulta muna sa iyong doktor.
Ito ay upang masiguro na magiging effective ito sayo at maiiwasan ang anumang negatibong epekto nito sa kalusugan mo.
Si Dr. Raul Quillamor ay ang kasalukuyang presidente ng Academy of Medicine of the Philippines at co-host ng programang Pinoy MD sa GMA.
Panoorin ang Family Planning: Doing it Right for the Future That’s Bright dito:
Tamang pag-inom ng pills: Tips para maging epektibo ito
Iba't iba ang mga uri ng oral contraceptives na maaaring gamitin depende sa iyong sitwasyon. Narito ang mga dapat tandaan:
- Sa tamang pag-inom ng pills dapat parehong oras araw-araw ang pag-inom nito upang makasiguro sa effectivity ng pills.
- Huwag mag-skip ng araw, 21 or 28 man pills sa pack.
- Para sa progestin-only pills, simulan ang bagong pack kapag natapos ang huling pack. Maaaring dumating ang period sa ika-apat na linggo matapos simulan ang pack. Importanteng kumpirmahin ang tamang pag-inom ng oral contraceptives o pills sa iyong doktor.
- Para sa 28-pill combination pills, simulan ang bagong pack kapag natapos ang huling pack. Importanteng kumpirmahin ang tamang pag-inom ng oral contraceptives o pills sa iyong doktor.
- Para sa 21-pill combination pills, magkakaroon ng 7 araw na break mula sa huling pack at bagong pack. Importanteng kumpirmahin ang tamang pag-inom ng oral contraceptives o pills sa iyong doktor.
- Ang oral contraceptives ay kailangan ireseta ng iyong doktor bago ito simulang inumin. Huwag mag-atubili na magtanong.
Source: Kids Health, DOH, Healthline, Mayo Clinic
Photo: Hand photo created by jcomp - www.freepik.com
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!