X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Baby umiiyak ba sa sinapupunan? Heto ang sabi ng mga experts

4 min read
Baby umiiyak ba sa sinapupunan? Heto ang sabi ng mga experts

May tawag ang mga experts sa pag-iyak ng baby sa womb ng kaniyang mommy.

Pag-iyak ng baby sa womb ng mommy, nangyayari ba? Sinagot ng mga experts kung posible ba itong mangyari o kung normal ba ang pag-iyak ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Pag-iyak ng baby sa womb, posibleng mangyari ayon sa experts
  • What can you do when your baby cries?

Pag-iyak ng baby sa womb, posibleng mangyari ayon sa experts

One of the most exciting parts ng pregnancy ang magkaroon ng ‘sneak peek’ sa baby habang nasa sinapupunan pa. Matagal ang siyam na buwan para makita na kaagad si little one kaya mayroong pasilip muna sa kanya. Kakaibang saya na masilayan ang baby na gumagalaw sa loob ng womb ng kanyang ina.

Isang rason din kaya tinitignan ang baby ay para makita kung healthy at safe ba ang kanyang kalagayan. Ginagawa ang prosesong ito sa pamamagitan ng ultarasound.

Dahil sa pagiging advance ng technology, maraming mommies tuloy ang napapaisip kung umiiyak na ba ang bata kaagad kahit nasa loob pa lang ng kanilang sinapupunan. Ang sagot ng eksperto? Yes, umiiyak raw sila kahit wala pa sa outside world.

pag-iyak ng baby sa womb

Umiiyak na raw ang baby kahit nasa loob pa lang ng womb ni mommy ayon sa pag-aaral ng experts | Larawan mula sa Shutterstock

What is a neo-natal cry?

Sa ilang pag-aaral, sinubukan nilang alamin kung paano nagre-respond ang baby habang nasa womb pa ng kanilang mommy. Ang ilan sa kanilang napag-alaman ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng kakayahan na ma-recognize kaagad ang boses ng kanyang nanay.
  • May mga natututunan na kaagad na mga bagay ang baby.
  • Marunong na kaagad siyang mag-respond sa nangyayari sa paligid kahit hindi pa nade-develop ang kanyang pandinig.
  • Mas sumisipa at gumagalaw ang baby kung madalas silang kinakausap o hinahawakan habang ipinagbubuntis pa lamang.
ultrasound scan - pag-iyak ng baby sa womb

Pag-iyak ng baby sa womb posible raw mangyari ayon sa experts | Larawan mula sa Pexels

Para sa eksperto, hindi pa nila matukoy kung anong eksaktong degree umiiyak ang baby sa womb. Magkaibang-magkaiba raw kasi ang kanilang pag-iyak kung ikukumpara sa inside at outside ng uterus. Ang pangunahing difference? Ang pagbubuo ng sounds.

Hindi raw nakakabuo ang sanggol ng sounds ng pag-iyak habang nasa loob ng kanyang mommy. Samantalang ang mga sumusunod naman ang nalaman nilang pagkakapareho ng pag-iyak sa loob o labas ng sinapupunan:

  • Pag-execute ng parehong mga body movement
  • Pagbubuo ng expression of disapproval o frowning
  • Pag-express ng pagkainis
  • Pagkakapareho ng pattern sa pag-inhale at pag-eexhale
  • Iba pang physical components.

    Ang tawag ng researchers dito ay neonatal crying o iyong pag-iyak ng sanggol habang nasa womb pa lang ng kanilang nanay.

    What can you do when your baby cries?

    Crying is the main communication that babies use. Ginagamit nila ito para ipagbigay alam sa kanilang caregiver na mayroon silang pangangailangan. Kabilang na diyan ang pagkaramdam ng gutom, inaantok, may iniindang sakit, at iba pang nais nilang ipaalam.

    Nasa tinatayang tatlong oras ang tinatagal ng pag-iyak ng baby at nagpipeak ito once na tumuntong na siya ng six to eight weeks old. May iba pang baby na mas matagal pa ang iniiyak kaysa dito at nangyayari sa lahat ng oras sa isang araw. Ayon sa Raising Children iba-iba rin daw talaga ang baby kaya nakapedepende ang kanilang pag-iyak.

    “Babies are born with very different temperaments. Some are relaxed and easygoing, and others seem to be more intense, some seem to move constantly, and others are quieter. Some are cheerful most of the time, and others are more serious.”

    sanggol na umiiyak

    Pag-iyak ang main communication ng babies para ipaalam ang kanilang mga pangangailangan | Larawan mula sa Shutterstock

    Madalas na ito ang reason kung bakit naiistress ang mommies and daddies. Wala kasing pinipiling oras kung minsan ang kanilang pag-iyak kaya kahit sa madaling araw ay kinakailangan silang bantayan. Nagiging resulta tuloy ito para ma-stress nang sobra ang parents sa pag-aalaga ng kanilang anak.

    Habang tumatanda naman ay nagiging bihira na lang ang pag-iyak ng baby at unti-unti mo na ring malalaman kung ano ang kanyang partikular na pangangailangan. Kung ngayon ay nasa stage pa rin siya ng madalas na pag-iiyak, narito ang ilang ways na maaaring gawin:

    Partner Stories
    The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
    The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
    Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
    Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
    Celebrating Your Child’s Growth Milestones
    Celebrating Your Child’s Growth Milestones
    Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
    Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
    • Humanap ng peaceful na place kung saan mare-reduce ang stimulation sa kanyang paligid.
    • Subukang kantahan siya ng gentle at calming tune tulad ng lullabies upang marinig at malaman niya na nariyan ka sa kanyang tabi.
    • I-pat ang kanilang likod.
    • I-wrap o i-swaddle ang bata upang makaramdam siya ng security.
    • I-check ang temperature kung masyado bang mainit o malamig ang paligid.
    • Ipasyal o ilakad-lakad ang bata dahil maaaring ma-soothe si baby ng movements.
    • Subukang itutok ang nipple sa kanyang bibig upang malaman kung nagugutom ba siya.

    Very Well Family, Raising Children

    May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

    img
    Sinulat ni

    Ange Villanueva

    Maging Contributor

    • Home
    • /
    • Para Sa Magulang
    • /
    • Baby umiiyak ba sa sinapupunan? Heto ang sabi ng mga experts
    Share:
    • How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

      How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

    • Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

      Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

    • Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

      Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

    • How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

      How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

    • Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

      Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

    • Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

      Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

    Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
    • Pagbubuntis
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Relasyon
    • Pagpapasuso at formula
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Vietnam flag Vietnam
    © Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

    Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko