Home remedy para sa kabag ba ang hanap mo? Narito ang ilang tips na maari mong gawin kay baby!
Matanda man o bata ay maaaring makaranas ng kabag. Karaniwan ding struggle ng mga bagong magulang kapag ang anak ay nagkaroon ng kabag. Isa-isahin natin sa article na ito ang mabisang gamot sa kabag ng matanda at ng bata.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang kabag at mga karaniwang sintomas nito?
- Mga home remedy para sa kabag ng baby
- Mabisang gamot sa kabag ng matanda
- Kailan dapat pumunta sa doktor pag may kabag ang iyong anak?
Ano ang kabag at mga karaniwang sintomas nito?
Naaalala mo pa ba ang unang beses na hindi mo mapatahan ang iyong baby?
Para sa mga bagong magulang, nakakataranta kapag walang tigil ang pag-iyak ng kanilang sanggol. Lalo na hindi mo alam kung ano ang dahilan ng kaniyang pag-iyak. Kailangan ba siyang palitan ng lampin? Nagugutom ba siya o inaantok?
Home remedy para sa kabag | Image from Shutterstock
Isa sa mga posibleng dahilan ng pag-iyak ni baby ay ang kabag. Ito ang tawag kung mayroong gas o hangin sa tiyan na ng isang sanggol na nagdudulot ng pagkabalisa hanggang sa malunasan at maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman.
Maaaring magsimula ang kabag ni baby pagkapanganak sa kaniya, o matapos ng ilang araw o isang linggo. Kadalasan lumilipas din naman ito o nakakalakihan ng sanggol sa loob ng 4 hanggang 6 na buwan.
On the other hand, ang kabag naman ng matanda ay dahil sa build up ng gas sa intestines. Normal part ng digestion process ang gas. However, kapag naipon ang gas sa iyong intestines at hindi mo ito mailabas, magdudulot ito ng pain at discomfort.
Maaaring mapalala ng anomang nagdudulot ng diarrhea o constipation ang kabag. Ito ay pwedeng dulot ng mga sumusunod:
- labis na pagkain
- paglunok ng hangin habang umiinom o kumakain
- pagnguya ng chewing gum
- paninigarilyo
- pagkain ng certain food na nagdudulot ng kabag
Mayroon din namang mga health condition na maaaring magdulot ng kabag sa matanda tulad ng:
- gastroenteritis
- lactose intolerance
- celiac disease
- crohn’s disease
- diabetes
- peptic ulcer
- irritable bowel syndrome
Kinakabag na ba si baby?
Sa umpisa ay mahirap talagang malaman ang dahilan ng pag-iyak ng isang sanggol. Kung ito ba ay may kinalaman sa antok, gutom o kung masama ang pakiramdam niya.
Pero pansinin ang iyak ng iyong anak, at alamin kung ito ay ordinaryong pag-iyak o dala na ito ng kabag:
|
Umiiyak lang |
May kabag na |
- Anumang oras sa maghapon.
- Paminsan-minsan lang, at hindi nagtatagal ng ilang minuto; tumatahan din agad.
- Kahit anong edad ay nangyayari ito.
- Sanhi ng gutom, pagod, antok, sobrang basang diaper, at tumatahan din kapag naasikaso na ang problema.
|
- Kadalasan ay parehong oras, lalo na sa gabi.
- Tumatagal ng ilang oras (minsan hanggang tatlong oras pa).
- Nagsisimula ng 2 hanggang 3 linggo pagkapanganak, hanggang 4-6 na buwan.
- Pinadede, kinarga at pinalitan na ng lampin, pero hindi pa rin tumatahan.
|
Sanhi ng kabag
Ayon kay Dr. Maria Belen Vitug Sales, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, ang kabag ng baby ay maituturing na parte ng kanilang development. Katanggap-tanggap ito hanggang sila ay mag 5-month-old.
Bagama’t minsan pakiramdam natin ay umiiyak lang sila nang walang dahilan, laging mayroong dahilan ang pag-iyak ni baby, at minsan kabag nga ang salarin. Isa sa nakasanayan ng mga magulang na hindi dapat gawin ay ang pag-assume na kapag umiiyak ang isang bata ay may kabag agad ito. Dagdag ni Dr. Sales, baka ang pag-iyak nila ay dahil sa ibang rason at hindi laging kabag lamang.
“Baka naman sometimes kaya sila umiiyak ay baka basa, baka gutom. Hindi lahat ng iyak ay kabag. Pero it is acceptable naman for babies to have kabag until they are around 4-5 months kasi hindi pa rin naman fully develop iyong gut nila. Usually as long as they are gaining weight and they are feeding well it is within the norm and it is acceptable.”
Pero paano ba nakakapasok ang hangin sa tiyan ng ating sanggol? Narito ang ilang posibleng sanhi ng kabag sa mga sanggol:
- Kapag nakakalunok sila ng hangin kapag nagdedede o kaya umiiyak.
- Hindi pa fully-developed ang kanilang digestive system at nahihirapan pa itong tunawin ang kanilang nakakain o nadedede.
- Sensitibo ang tiyan ng sanggol sa gatas (formula) o kaya sa mga nakain ng kaniyang ina (breastfeeding)
Pagdighay ng baby
Upang maiwasan ng tuluyan ang pagkakaroon ng kabag ng sanggol at ang nangungunang home remedy para sa kabag, kinakailangan mong padighayin sila lagi. Ayon kay Dr. Sales, maaari rin itong gawin habang pinapadede. “You have to burp the baby often. Sometimes even it between feeds baka kailangan mong i-burp.”
Maraming paraan para mapadighay si baby. Pwedeng ilagay sa may balikat, sa mga braso o kaya naman sa iyong mga hita para tuluyang mawala ang hangin sa loob ng tiyan nila. Isa pang mahalagang impormasyon na ibinigay ni Dr. Sales, ang burp o dighay ng mga sanggol ay hindi laging maingay.
“Maririnig mo pero hindi siya iyong sobrang lakas. Basically it is just excess air coming out. It is fine basta ang danger mo lang kasi kapag nag-feed iyong baby tapos tulog hindi nag-burp tapos inihiga mo.”
Isa pang myth na pinaniniwalan ng mga magulang, totoo bang kapag na-expose ang pusod ng bata ay nagkakakabag? Ang sagot ni Dr. Sales, ito ay walang katotohanan.
“Actually wala naman butas iyong pusod, sarado na iyon. So that’s really a myth hindi po totoo iyon. Basta if a toddler always complains kabag and tummy aches I suggest you go to your pedia to have it examine. Because it is not normal kumbaga may hangin lang iyan kailangan niya lang iutot, its ok.”
Kaya kinakailangan talagan padighayin ang isang bata bago ito ibaba at patulugin.
Home remedy para sa kabag ng baby
May mga home remedy para sa kabag ng baby. Para maibsan ang kabag ni baby, makakatulong ang hot compress sa kanila. Puwede rin naman ang masahe sa baby para tuluyang makalabas ang hangin sa kanilang tiyan. Payo ni Dr. Sales, iwasan ang paggamit ng manzanilla.
“Ang sa akin lang kapag hinilot natin, puwedeng gumamit ng ordinary oil. Kasi minsan kapag ginamitan natin ng manzanilla, masyadong mainit, matapang, they get allergy. Their skin gets so red and they get allergic reaction sa manzanilla.”
Para naman sa mga older kids, ang home remedy para sa kabag o para ito ay maiwasan ay kung papanatilihin nilang maging aktibo. Kung maghapong naka-upo ang bata, ang kanilang bituka ay hindi gumagalaw.
Dagdag pa ni Dr. Sales, “I always tell parents, you know its the healthy lifestyle. Let them play, let them run around. Kasi if you run around, move around o you exercise, it will move your gut. It will move your intestine, hindi constant iyong hangin doon.”
Ayon din kay Dr. Barbara Ann Manio, isang pediatrician, para maibsan ang kabag ng isang sanggol, dapat ay mawala ang nakapasok na hangin sa loob kaniyang tiyan. Nailalabas ito ni baby sa pamamagitan ng pagdighay o pag-utot.
Makakatulong ang pag-apply ng banayad na pressure at warmth o kaunting init sa kanilang tiyan para malabas niya ito. Maaari rin ang pagpapalit ng pwesto o posisyon para makagalaw ang tiyan ni baby at mailabas ang hangin.
Subukan ang mga sumusunod na home remedy para sa kabag ni baby:
1. Kumot o swaddling
Kapag binabalot ng kumot ang katawan ni baby, nakakatulong ito para sumikip at malagyan ng init ang kaniyang tiyan kaya nailalabas ang hangin. Siguruhin lang na tama ang pag-swaddle sa sanggol – hindi masyadong masikip at hindi rin sobrang luwag.
2. Basang tuwalya
Maglagay ng tuwalya (ibinabad sa maligamgam na tubig) at ilapat sa tiyan ng sanggol. Maaari ring gumamit ng boteng may laman na mainit-init na tubig bilang home remedy para sa kabag.
3. Iduyan si baby
Dahil “gas” ang pangunahing sanhi ng kabag, ang pag-ugoy o pagduyan sa sanggol ay isang paraan para magpalit ng posisyon at nakakatulong na mailabas niya ang kabag sa tiyan. Kumanta din ng mahina o magpatugtog ng musikang nakakapagpakalma.
4. Mag-ingat sa mga kinakain
Kung ikaw ay nagpapadede, kailangan mo ring bantayan ang iyong kinakain.
Ayon kay Dr. Manio, ang mga gulay tulad ng cabbage at cauliflower, maaanghang na pagkain at mga pagkaing may caffeine gaya ng tsokolate ay maaring makadagdag para magkakabag si baby, kaya iwasan muna ang mga ito.
Gayundin, siguruhin na tama ang posisyon ni baby kapag nagdedede para hindi makapasok ang hangin sa kaniyang tiyan.
5. Pumili ng tamang bottle teats o tsupon para sa bote
Kung gumagamit naman ng bote para sa gatas ni baby, piliin ang mga bottle teats na akma sa edad ng iyong anak. Dapat tama lang ang flow ng gatas para hindi makapasok ang hangin sa sistema ni baby. Subukan ang mga anti-colic bottles.
Iwasan din ang masyadong pag-shake ng bote kapag tinitimpla ang gatas ni baby para hindi makapasok ang air bubbles.
Kailangan ng konting tulong ng sanggol para ma-digest niya ng maayos ang gatas na kaniyang nainom.
Pagkadede, paupuin sa kanlungan, o kargahin ng patayo ang sanggol, habang isinasandal ang ulo ni niya sa iyong balikat at sinusuportahan ang kaniyang leeg. Tapikin nang marahan o hagudin ang likod ng bata, hanggang marinig ang dighay.
7. Isakay sa stroller o sa kotse ang bata
Paano nakakatulong ang pagsakay sa stroller at kotse sa pag-ibsan ng kabag? Maaaring mas mailabas ang hangin sa tiyan kapag nagpalit ng posisyon o naiduyan si baby, at mabaling ang kaniyang atensyon sa ibang bagay kaya titigil siya sa pag-iyak.
Maaari ring dahil ang tunog ng makina ng kotse ay parang white noise na nakakapagpakalma sa mga sanggol.
8. Pagmasahe sa tiyan ni baby
Isa sa mga home remedy para sa kabag at pinakasikat na paraan para maibsan ang kabag ng isang sanggol ay ang pagpahid ng mansanilla sa kaniyang tiyan.
Pero hindi naman mismong ang langis na ipinapahid ang nag-aalis ng kabag, kundi ang dahan-dahang paghagod o pagmasahe sa tiyan ni baby. Nakakatulong kasi ito para makagalaw ang air bubbles sa tiyan at mailabas ng sanggol.
Gayundin, nagbibigay ng karagdagang init sa tiyan ang mga oil tulad ng mansanilla. Pero ayon kay Dr. Manio, bago ipahid ito sa iyong anak, siguruhin na wala siyang allergy rito.
9. Baby bicycle exercise
Habang nakahiga si baby, kunin ang kaniyang mga paa at dahan-dahang itaas sa kanyang tiyan at galawin ang mga ito na parang nagpi-pedal ng bisikleta.
Bukod sa tinutulungan nitong makawala ang hangin sa tiyan, pwede na rin itong ehersisyo para tumibay ang kaniyang mga binti.
Mga maling paraan para gamutin ang kabag
Tayong mga nanay, kapag nakita nating umiiyak o may kakaiba sa ating mga anak, ang agad nating ginagawa ay ang pitik-pitikin ang kanilang tiyan upang pakinggan kung sila ay may nararanasang kabag. Ngunit payo ni Dr. Sales, kailangang iwasan ang nakasanayan na ito. “I actually tell my patients to stop doing that. Kasi lagi ka naman may maririnig e. Kumbaga you will always feel gas sa tiyan.”
Dagdag pa ni Dr. Sales,
“Kung hindi naman bothered iyong baby, pabayaan mo. Minsan kasi the baby is fine but its the parents that were so worried. If the baby is not bothered by it, if its not causing pain then leave it. The important thing is that the baby is feeding well and the baby is growing.”
Wala ring kinalaman ang ginagamit na bote ng sanggol sa pagkakaroon ng kabag. Kaya naman wala dapat ritong ikabahala.
Binabalaan naman ang mga magulang sa mga sinasabing paraan para maibsan ang kabag dahil bukod sa hindi napatunayan ang bisa nito, maaari itong makasama sa iyong anak.
1. Rice cereal na inihahalo sa gatas
Isa itong choking hazard, at napatunayan nang walang maidudulot na anumang kabutihan sa kondisyon ng bata.
Bukod dito, ipinapayo ng mga eksperto na huwag bibigyan ng solid na pagkain ang isang sanggol kapag wala pa siyang 6 na buwan.
2. Herbal remedies tulad ng chamomile at gripe water
Wala pang aprubadong herbal remedy para sa mga sanggol, pati mga gamot na nabibili ng over-the-counter o walang reseta ng doktor.
Tandaan na ang mga sanggol, lalo kung wala pang isang taon, ay sensitibo sa maraming bagay o sangkap na maaaring nakahalo sa mga herbal medicine na ito, tulad ng alcohol at opiates. Maaari ring magkaroon ng allergic reaction ang sanggol dito.
Home remeby para sa kabag ng matanda
May mga home remedy para sa kabag rin ng matatanda. Karaniwang dahilan ng kabag ng matanda ay ang mga kinakain. Para sa ilan, ang pagpapalit ng dietary habits ay sapat na para maiwasan ang kabag at iba pang accompanying symptoms. Isa sa mga paraan para malaman kung ano ang mga pagkain na nagdudulot sa iyo ng kabag, ay ang paggawa ng food diary. Ilista ang mga kinakain sa loob ng bawat araw. Ang mga common food na nagdudulot ng gas pain o kabag ay ang mga sumusunod:
- pagkaing mayaman sa fiber
- pagkaing may mataas na fat content
- maaanghang at pritong pagkain
- carbonated beverages
- artificial ingredients na madalas matatagpuan sa low-carbohydrate at sugar-free products
- beans at lentils
- cruciferous vegetables tulad ng broccoli at cauliflower
- prune o prune juice
- mga pagkaing mayroong lactose tulad ng gatas, cheese, at iba pang dairy products.
- over-the-counter fiber drinks at supplements
Kapag nalaman mo na kung anong pagkain ang nagdudulot sa iyo ng kabag, maaaring baguhin ang nakasanayang diet. Kung hindi pa rin umubra ang change diet, narito ang iba pang option na maaari mong subukan bilang gamot sa kabag ng matanda.
- Peppermint – ayon sa mga pag-aaral ang peppermint tea o supplements ay maaaring makatulong sa pag-reduce ng sintomas ng irritable bowel syndrome kabilang na ang kabag. Ngunit tiyaking kumonsulta muna sa iyong doktor bago gumamit ng peppermint. Maaari kasi itong maka-interfere sa iron absorption at certain medications. Nagdudulot din ito ng heartburn sa ilan.
- Chamomile tea – ang pag-inom nito bago kumain at matulog ay maaaring makagamot sa kabag ng matanda.
- Apple Cider Vinegar – ihalo ang isang kutsarang apple cider vinegar sa inumin tulad ng tubig o tea. Inumin ito bago kumain o up to three times daily. Gawin ito hangga’t kailangan bilang gamot sa kabag ng matanda.
- Physical activity – makatutulong ang ehersisyo para ma-release ang na-trap na gas sa intestine na nagdudulot ng kabag. Subukang maglakad-lakad pagkatapos kumain. Maaari ding makatulong ang jumping rope, running, o walking para i-expel ang gas na nagdudulot ng kabag.
- Lactase supplements – ito ay enzyme na ginagamit ng katawan para ma-break down ang lactose. Available ito over the counter at maaari nitong matulunagn ang iyong katawan na ma-digest ang lactose.
- Cloves – ito ay uri ng herb na ginagamit sa pagluluto. Makatutulong ang clove oil bilang gamot sa kabag ng matanda. Nagproproduce kasi ito ng digestive enzyme. Maglagay ng five drops ng clove oil sa 8-ounce glass of water at inumin pagkatapos kumain.
Kung walang certain medical condition, maaaring makatulong ang maayos na lifestyle habit at diet upang makaiwas na magkaroon ng kabag.
- umupo tuwing kumakain at kumain nang dahan-dahan
- subukang iwasang makalunok ng hangin tuwing kumakain at umiinom
- huwag ngumuya ng chewing gum
- iwasan ang pag-inom ng soda at iba pang carbonated beverages
- iwasan ang paninigarilyo
- maglaan ng oras para makapag-ehersisyo
- iwasang kumain ng food na nagdudulot ng kabag
- iwasang uminom gamit ang straw
Kailan dapat pumunta sa doktor
Bagama’t nakakatulong naman ang mga home remedy para sa kabag, may mga sitwasyong nangangailangan pa rin ng medikal na atensiyon.
Kumonsulta sa pediatrician ni baby kapag napansin ang mga sumusunod:
- Hindi nadadagdagan ng timbang ang iyong anak sa kanyang mga checkup.
- Ayaw dumede o kaya naman ay laging isinusuka ang gatas.
- Nahihirapan umutot o tumae si baby.
- Nagkaroon ang sanggol ng allergic reaction sa mga sinubukang home remedy para sa kabag.
Kapag nasubukan na ang mga ligtas na paraan para maibsan ang kabag pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak o hindi pa rin gumaganda ang pakiramdam ng iyong anak, mas mabuting sumangguni ka na sa iyong doktor.
Napaka-importante ng mga unang buwan ng iyong sanggol kaya kung meron kang katanungan o ikinakabahala sa kaniyang ikinikilos, huwang mag-alinlangan na kumonsulta sa inyong pediatrician.
Para naman sa kabag ng matanda, kumunsulta sa iyong doktor kung ang iyong kabag ay nagdudulot ng distress. O kaya naman ay kaugnay ito ng constipation, diarrhea, o weight loss.
Matutulungan ka ng iyong doktor na malaman ang underlying cause ng iyong kabag. Bumisita rin sa iyong doktor kung nasubukan na ang diet at lifestyle changes ngunit tuloy pa rin ang pagkakaroon ng kabag. Maaari silang mag run ng tests para malaman kung ang iyo bang kabag ay sanhi ng certain medical condition.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!