Sa ating kultura, ang pagmumura ay karaniwang nangyayari kahit marami parin ang hindi maganda ang tingin dito. Halos lahat ng bata ay tinuturuan na masama ang magmura.
Sa kabila nito, walang makapag-sabi kung bakit masamang gawain ito. At kahit na marami ang hindi maganda ang tingin sa pagmumura, marami parin ang gumagawa nito.
Ayon sa isang bagong pag-aaral nailathala sa journal na NeuroReport, ang pagmumura ay isang natural na reaksyon sa sakit na mayroon sigurong rason sa likod nito. Ito ay ayon sa psychologist na namuno ng pagsasaliksik na si Richard Stephens ng Keele University sa England. Kanyang inirerekomenda ang pagmumura kapag naka-ramdam ng sakit.
Epekto ng pagmumura
67 na estudyante ang nag-boluntaryo para sa pagsasaliksik ang hinati sa dalawang grupo. Pinalubog sa kanila ang kanilang mga kamay sa nag-yeyelong tubig.
Ang isang grupo ay maaaring magbigkas ng kahit anong salita maliban sa pagmumura habang ang kabilang grupo ay maaaring magmura. Natuklasan na ang mga maaaring magmura ay mas tumatagal na gawin ang test nang 40 segundo.
Ayon sa Scientific American, hindi malinaw ang pisikal na epektong ito ng pagmumura ngunit hinala ng mga nagsasaliksik na may kinalaman dito ang koneksyon ng brain circuitry at emosyon.
Ayon sa mga dating pag-aaral, ang natural na pagsasalita ay nakaasa sa ilang milimetro sa ikaliwang hemisphere ng utak. Ang pagmumura naman ay sa sinaunang structures na gawa ng ebolusyon sa kanang hemisphere ng utak.
Isa sa mga structures na ito ang tinatawag na amygdala. Ito ay maliit na grupo ng neurons na nagbibigay ng fight-or-flight response na nagpapabilis ng pagtibok ng puso at nagpapababa ng pagiging sensitibo sa sakit.
Nakita ang koneksyon nito sa pagsasaliksik sa pagbilis ng tibok ng puso ng mga nasa grupo na maaaring magmura. Dahil dito, pinaniniwalaan na gumana ang amygdala sa mga panahon na iyon. Ang paliwanag na ito ay sinuportahan ng iba pang mga eksperto.
Ayon sa psychologist na si Steven Pinker ng Harvard University, maaaring ang pagmumura ay nagpapagana ng defensive reflex. Makikita ito sa mga hayop na nasaktan o nahuli na biglang lumalaban o magpipiglas sa malupit na paraan. Kasabay nito ang galit na tunog para gulatin at sindakin ang nakapanakit o nanghuhuli dito.
Hindi lahat ng pagmumura
Nais idagdag ni Richard Stephens na hindi laging epektibo pampawala ng sakit ang pagmumura. Habang dumadalas ang pagmumura ng isang tao, lalong humihina ang ganitong epekto nito. Sa madaling salita, ang mga pagmumura na madalas gamitin ay walang epektong magpa-wala ng sakit sa oras na masaktan ang isang tao.
Source: Mentalfloss
Basahin: Mag-asawang palaging nag-aaway, bihira raw magkasakit at mas mahaba ang buhay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!