-Anong oras kadalasang sumisipa si baby sa tiyan ni mommy?
Kabuwanan mo na ba mommy? Nararamdaman mo na ba ang madalas na pagsipa ni baby sa iyong tummy? Ang pagsipa ng baby sa tiyan ay mas madalas daw sa gabi at tuwing matutulog na si Mommy. Ayon ito sa isang pag-aaral.
Image from Suhyeon Choi on Unsplash
Pagsipa ng baby sa tiyan study
Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng Auckland University mas nagiging active daw ang baby sa loob ng tiyan. Lalo na kapag malapit na itong maipanganak. Mas malakas at madalas nga daw itong sumipa sa gabi o sa tuwing matutulog na ang kaniyang mommy.
Ito ay kanilang natuklasan matapos interviewhin ang mga babaeng buntis sa New Zealand. Sila ay nasa kanilang 3rd trimester tungkol sa dalas ng pagsipa ng baby sa kanilang tiyan.
Sa kanilang interview ay ito ang kanilang mga nalaman:
- Sa kabuuang bilang ng babaeng buntis na kanilang ininterview 59% ang nagsabing mas lumalakas ang pagsipa ng baby sa tiyan nila dalawang linggo bago manganak.
- 73% naman ng babaeng buntis ang nagsabing mas malakas ang nararamdaman nilang paggalaw ng baby sa kanilang tiyan sa gabi. Habang 79% ang nagsabing madalas ito kapag sila ay matutulog na.
- Mas nararamdaman nga nila ang pagsipa ng baby sa tiyan nila sa tuwing sila ay nakaupo o walang ginagawa kaysa kapag gumagawa ng ibang activities.
- Karamihan din sa mga babaeng buntis ang nagsabing nararamdaman rin nila ang pag-sinok ni baby sa loob ng kanilang tiyan.
Pattern at normal na pag-galaw ng baby sa tiyan
Una nang sinabi ng mga doktor na dapat bantayan ang paggalaw ng sanggol sa loob ng tiyan ng isang buntis. Dahil ang decrease in movements o kabawasan sa paggalaw ay maaring palatandaan na ng isang kondisyon na dapat mahalagang bigyang pansin.
“Even though there is a link between decreased movements and stillbirth, most women who report a drop in activity will go on to have a healthy baby. The problem is there is limited evidence about what normal patterns of movement look like. And around the world women are getting mixed advice. We thought this would be useful information. Particularly for first-time mothers who are getting to know what a normal pattern is for them.”
Kaya naman ayon sa practicing midwife at PhD student sa Aukland University na si Billie Bradford at lead author ng ginawang pag-aaral, ang kanilang findings ay makakapagpaliwanag sa mga buntis kung kailan nga ba normal ang pag-sipa ng baby sa tiyan na makikita sa pattern na lumabas base narin sa pahayag ng kanilang mga mommies na-interview.
Ngunit ang pagkaramdam ng mga buntis sa lakas ng sipa ni baby sa gabi ay hindi lang daw dahil sa wala ng ginagawa o hindi na busy sa mga oras na ito. Ito daw ay dahil may sinusundan ding pattern o body clock ang mga baby sa tiyan na una ng pinatunayan ng iba pang pag-aaral.
Image from Ateida Mjeshtri on Unsplash
“A number of ultrasound and animal studies have shown that the fetus has a circadian pattern. That involves increased movement in the evening. And this is likely to reflect normal development,” paliwanag pa ni Bradford.
Ang mga oras nga daw na very active si baby sa gabi ay mas kilala sa tawag na “witching hour” na mararanasan ng bawat magulang. Kaya naman paalala niya sa mga buntis ay magpahinga hanggang sa kaya nila lalo na sa gabi na makulit si baby. At kung makaramdam silang humina ang pag-galaw ni baby sa gabi o hindi tulad ng normal ay hindi na daw dapat maghintay na magpabukas pa para magpunta ng ospital.
Sa makatuwid, normal lang ang pag-sipa ni baby sa tiyan ni mommy. Ngunit kapag napansin mong ito ay minsan at mahina na itong sumipa, kailangan mo na ng agarang check-up.
“It may be an antisocial hour for adults. But is a social hour for the fetus and incidentally the newborn. Therefore, lack of movement at that time warrants an urgent check-up,” pahayag ni Bradford.
Ang mga sipa o pag-galaw ng isang baby sa tiyan mo ay makakatulong sa’yo. Ito ay para malaman mo kung gaano ba ito kalusog. Ngunit upang makasiguro, ugaliin ang monthly check up ni baby. Ito ay para masigurado at maging updated sa current health at situation ng iyong anak.
Source: Stuff
Basahin: Mga posisyon ng baby sa loob ng tiyan: Alamin kung ano ang ibig sabihin nito , Molar pregnancy: Sanhi, sintomas, at treatment , Polyhydramnios In Pregnancy: When There Is Too Much Amniotic Fluid
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!