Batang babae nagkaroon ng sepsis dahil sa bagong sapatos

lead image

Sinong mag-aakala na magkakaroon ng seryosong komplikasyon ang paltos sa paa?

Bilang magulang, inaaalala natin parati ang kalusugan ng ating mga supling—mula sa kanilang mga pangangailangan na nutrisyon araw-araw hanggang sa oras ng kanilang pagtulog. Ngunit may isang bagay na karamihan sa atin ay hindi masyadong iniintindi—ang paltos sa paa.

Kadalasan pinapagsawalang bahala lamang ito dahil normal itong nangyayari kapag malayo ang nilakad o di kaya'y bago ang sapatos ng bata. Karaniwang nawawala na lang ang mga ito ng kusa, ngunit sa kaso ng isang bata, naging seryoso ang komplikasyon ng isang simpleng paltos sa paa.

Bagong sapatos

Excited na excited ang isang apat na taong batang babae na si Sienna Rasul nang makuha niya ang bago niyang sapatos. Sinuot niya agad ito. Kinabukasan, bigla na lang siyang nagkaroon ng mataas na lagnat at umiiyak sa sakit.

Nang dinala siya ng kaniyang nanay na si Jodie Thomas sa ospital, mayroon ng sepsis ang bata. Ang sepsis o septicaemia ay isang nakakamatay na kundisyon kung saan nag-o-overreact ang immune system upang kalabanan ang impeksyon sa katawan.

Ayon kay Jodie, nang nagsusukat daw si Sienna ng sapatos, hindi raw ito nakasuot ng medyas. Sabi ng mga duktor, malamang daw ay nakuha niya ang impeksyon dahil dito dahil baka mayroong ibang bata na sinukat ang sapatos na may impeksyon. Baka nahawa daw si Sienna nang magkaroon ito ng sugat sa pagsuot ng bagong sapatos—kung saan nakapasok ang impeksyon.

Para gamutin si Sienna kinailangang tanggalin ang impeksyon mula sa paltos sa paa.

Paltos sa paa

Bukod sa mga sugat at paltos sa paa, maraming puwedeng mangyari kapag hindi nagsusuot ng medyas. Ayon sa College of Podiatry, kailangan talagang magsuot ng medyas ang mga bata dahil mas malakiang chance na magkaroon ng fungal issues o impeksyon.

Ayon kay Emma Stevenson, isang podiatrist galing sa College Podiatry, nagpapawis daw ang paa kapag gumagalaw daw tayo. Kaya naman nagkakaroon ng fungal infection tulad ng athlete's foot.

Kailangan din daw tinitignan kung nakakahinga ang paa kapag naka-sapatos para daw hindi ma-trap ang bacteria at init sa loob ng sapatos.

Ito ang mga puwedeng kunsiderasyon kapag bumibili ng sapatos.

 

References: USA Today, netdoctor.co.uk

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!