X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak

2 min read
9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak

Mga pang-asar sa anak na dapat mo ng tigilan.

Pang asar sa iyong anak, kailan na ba ito hindi na nagiging tama?

Tama at maling pang asar sa anak

Image from Istock

Ang pang-asar sa anak ng isang magulang ay isang uri ng bonding at paglalambing. Madalas itong nagiging simula ng katatawanan at kasiyahan ng isang pamilya.

Positibo man madalas ang nagiging epekto nito sa pagsasama ng isang pamilya, minsan ang maling pang asar ay may negatibong impact rin sa iyong anak.

Ilan nga sa mga subjects o topics na ginagamit ng pang asar ay maaring magdulot sa kaniya ng anxiety, depression, low self-esteem, at anger.

Ngunit, ano nga ba ang mga topics na ito? At kailan nga ba nagiging mali na ang pang-aasar ng isang magulang sa kaniyang anak.

Mga pang asar sa iyong anak na dapat mong tigilan

Ayon sa pag-aaral ang playful teasing o pang-aasar sa pagitan ng magulang at anak ay isang paraan para mas mapatibay ang kanilang relasyon. 9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak

Ang pang asar naman tungkol sa mga bagay na maari niyang baguhin o improve ay healthy at makakatulong sa kaniya gaya na lamang ng marumi niyang kuwarto na dapat linisin.

Ngunit kailangan ring maging sensitive ang mga magulang sa ginagamit na pang asar sa anak na maaring makasakit na sa kaniya.

Ayon kay Carol Bishop Mills, isang teasing and bullying researcher, ang pang-aasar ay dapat na-eenjoy ng parehong anak at magulang.

Ngunit dapat ay magbigay pansin ang mga magulang sa tuwing umiiwas na ng tingin ang anak o nagsisimula ng umiyak dahil sa pang-aasar. Ito ang oras na dapat ng itigil ang pang-aasar dahil hindi na nag-eenjoy ang iyong anak.

Kung sakali namang ang anak mo na sumobra sa pang-aasar sa iyo ay dapat mo itong sabihin siya at turuan siya ng boundaries sa mga dapat niyang sabihin at hindi sa isang adult na tulad mo.

Narito ang ilang topics na dapat iwasan:

1. Physical appearance

Ayon kay Mills, ang pang-aasar sa itsura o kaya naman ay weight na iyong anak ay hindi dapat at hindi katanggap-tanggap. Ito ay isang paraan para masaktan siya at mag-self-pity dahil sa itsura niya.

Ang parental teasing tungkol sa physical appearance ng anak ay maaring magdulot sa kaniya ng negative side effects at self-esteem issues na maaring makaapekto sa kaniya panghabang-buhay.

Kaya imbis na asarin sila sa itsura nila ay hayaan silang i-form ang kanilang self-image at turuan silang maging confident and proud sa kung ano at sino sila.

2. Sports performance

Ang pang asar tungkol sa sports performance ng iyong anak ay isa pang bagay na hindi din dapat ginagawa ng isang magulang.

Dahil ito daw ay maaring maging dahilan para mag-quit siya sa sport at madamage ang kaniyang self-esteem, ayon iyan kay Dr. Gabriel Kaplan, isang psychiatrist mula sa New Jersey.

Ito raw ay nagbibigay sa kaniya ng feeling na siya ay naiinsulto at mas pinapalungkot mo lang siya dahil sa pagpaparamdam mo ng disappointment sa performance niya.

Ayon parin kay Dr. Kaplan, imbis na asarin ang iyong anak sa kaniyang poor sport performance ay umisip ng paraan para matulungan siyang i-improve pa ang kaniyang sports technique.

3. Academics

Ang pang asar naman tungkol sa mababang grades ng iyong anak ay dapat gamitin bilang motivation para sa kaniya at hindi para kwestyunin ang kaniyang abilidad, ayon ulit iyan kay Carol Bishop Mills.

Dapat din daw tandaan ng mga magulang na ang pang-aasar ay dapat laging nakatutuwa at hindi nakakasakit sa feelings ng iyong anak.

Para naman kay Dr. Kaplan, hindi mali na sabihin sa iyong anak na disappointed ka sa mababang grades niya. Pero kailangan mong matutunan kung paano gagawing productive para sa kaniya ang nararamdaman mong disappointment.

Kailangan mo ring malaman at i-examine na baka may learning disability na ang iyong anak o baka naman siya ay depress o nabubully sa school kaya mababa ang grades niya.

4. Shyness

Ang pang-aasar tungkol sa pagiging mahiyain ng iyong anak ay mas magpapalala lang ng pagiging mahiyain niya.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Ayon kay Dr. Kaplan, ito daw ay may kaugnayan sa self-esteem niya.

Para daw ma-improve ang trait na ito ng anak ay maaring i-push siya na makipagkaibigan sa ibang bata.

Maaring gawin ito sa pamamagitan ng pag-iinvite sa ibang bata na maglaro sa bahay ninyo kasama ang iyong anak.

Ngunit kung ang iyong anak ay mahiyain parin, maaring may ibang dahilan na sa likod nito at kailangan mo ng mag-imbestiga para malaman ang puno’t-dulo nito.

5. Being smart

Ang pang asar sa isang bata tungkol sa pagiging napakatalino ay isang positive reinforcement. Pero ang pagkukumpara sa iyong anak sa ibang bata ay may negative na epekto sa kaniya, sabi ni Carol Bishop Mills.

Dapat din daw alahahanin ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay may sariling katawan at pag-iisip.9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak

Hindi kinakailangan na maging katulad sila ng kanillang magulang. Dapat lang ay maging masaya sila at laging well-grounded, ayon naman iyan kay Dr. Kaplan.

6. Weight

Ayon sa pag-aaral ang pang-aasar sa isang bata tungkol sa pagiging mataba niya ay maaring magdulot sa kaniyang ng pangmatagalang masamang epekto.

Ang pagtawag rin sa kaniya ng mataba habang siya ay bata pa ay mas nagpapataas tin ng tendency na maging obese siya sa kaniyang pagtanda.

7. Fear

Ang pang asar o mas pananakot pa sa isang bata tungkol sa kinatatakutan niya ay mas lalong nagpapalala lang ng trauma o problema niya, ayon kay Carol Bishop Mills.

Imbis na takutin siya ay umisip ng paraan para overcome na iyong anak ang takot niya na nararamdaman.

8. Choice of clothing

Ang mga bata ay natututong manamit kapag sila ay tatlong taong gulang na. Ito ay nagbibigay sa kanila ng feeling ng pagiging competent at confident.

Kapag ang isang magulang raw ay ginagamit ang pananamit ng kaniyang anak bilang pang asar sa kaniya ay binubuksan nito ang kanilang isip sa possibility na sila ay pwedeng mai-judge na nakakaaapekto sa self-esteem niya, ayon parin iyan kay Carol Bishop Mills.

9. Material things

Ang mga materyal na bagay ay hindi dapat ginagamit na pang asar sa mga bata.

Ang paggamit sa mga bagay na gaya ng cellphone, plays tation na wala sila bilang pang asar ay bubuo lang ng feeling ng envy, resentment at discontentment sa mga bata 9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak

Kailangang ipaintindi ng mga magulang sa anak na bagamat wala sila ng mga materyal na bagay gaya ng ibang bata, mayroon naman silang taglay na skills at talents na dapat nilang ipagmalaki, sabi ni Dr. Kaplan.

 

Source: Readers Digest

Basahin: Makalumang parenting advice na hindi na dapat sundin ng mga magulang

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak
Share:
  • 3 phrases o mga salita na dapat araw-araw mong sinasabi sa iyong anak

    3 phrases o mga salita na dapat araw-araw mong sinasabi sa iyong anak

  • TJ Manotoc shares how his mother helped him cope with depression

    TJ Manotoc shares how his mother helped him cope with depression

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 3 phrases o mga salita na dapat araw-araw mong sinasabi sa iyong anak

    3 phrases o mga salita na dapat araw-araw mong sinasabi sa iyong anak

  • TJ Manotoc shares how his mother helped him cope with depression

    TJ Manotoc shares how his mother helped him cope with depression

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.