X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

C-Section Mom Confession: "Hindi ko maramdaman at makontrol ang sarili ko sa pag-ihi at pagdumi."

4 min read

Preeclampsia story

As a first time mom, hindi ko pa alam kung ano ang experience nang manganganak o kaya makita for the first time ang magiging anak ko.

Parating na ng parating ang araw ng aking due date. Ngunit sa huli ng check up ko sa doktor may napansin siya na hindi tama sa aking pangangatawan at blood pressure.

preeclampsia story

Preeclampsia story | Image from Unsplash

Hindi inaasahang preeclampsia

Nagmamanas ang aking mga paa at tumaas ng sobra ang blood pressure ko. Preeclampsia na raw ito kaya dali dali niya akong pina-ultrasound para malaman ang kalagayan ni baby sa tiyan. Kapag mataas ang blood pressure ng isang nagbubuntis, maaari makaapekto ito sa baby na nasa sinapupunan.

At ito ang naging findings, masyado daw maliit si baby sa actual gestational age ng pagbubuntis ko. 38 weeks na si baby sa tiyan ko pero ‘yung laki ni baby ay pang 34 weeks lang.

Sobrang nalungkot ako at kinabahan para kay baby. Sinisisi ko rin ang sarili ko dahil hindi ako nag-iingat sa mga kinakain ko kaya hindi lumaki ng maayos si baby sa tiyan ko.

BASAHIN:

YES! I’m Pregnant… OH NO! Its Pandemic!

Becoming a Parent Unexpectedly, the story of Shanina Villegas

Ang kwento sa likod ng aking PCOS baby “Your time will come, magiging mommy ka rin.”

Sa totoo lang ayoko talaga mag-cesarian. Gusto ko maranasan manganak ng normal at maramdaman ang sakit ng panganganak. Gusto ko rin na maka menos sa gastos. Wala pa kami sapat na pera ng aking asawa para sa cesarean delivery. Ngunit wala kaming choice. Kailangan ko na raw ilabas si baby dahil manganganib na ang kaniyang buhay kung magpapatuloy ang pagtaas ng blood pressure ko.

Wala akong choice kung hindi manghiram ng pera sa aking ina. Nahihiya ako sa mama ko pero kailangan kong gawin lahat para sa anak ko.

preeclampsia story

Preeclampsia story

Isinailalim ako sa cesarean delivery

Kinabukasan, pina-schedule na ako via cs ng OB ko sa isang private hospital. Napakabilis ng pangyayari ng aking labor. Noong tinurukan ako ng anesthesia, nakaramdam ako ng kirot sa likod ko hanggang sa mahilo ako. Hindi ako nakatulog at hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam na sinisimulan na pala nila ang operasyon.

Ilang saglit may narinig na ako pag iyak ng bata. At nilapit na sa akin ang isang baby. Sabi ko sa sarili ko “Baby ko na ito? Nandito na siya at ang healthy niya. Thank you God.”

Hanggang ako ay nawalan na malay at nakatulog.

Mahirap pala ang CS. Hindi ko maramdaman at makontrol ay sarili ko pag ihi at pagdumi. Pati paa ko hindi ko rin maramdaman. Nahihilo ako. Hindi rin ako pwedeng kumain hanggang ‘di pa nakakadumi.

Grabe higit isang araw na ko hindi kumakain. Dahil sa nakakabit sa akin, hindi ako nakakaramdam ng gutom. ‘Di rin binigay sa amin agad si baby dahil nasa ward ako naka stay. May iba akong kasama doon. Hindi pwede ipadala ang baby sa ward. Kaya ‘yung mga araw namin na nasa ospital kami, formula milk ang iniinom niya.

preeclampsia story

Preeclampsia story

Breastfeeding

Niresetahan ako ng OB ko ng gamot pampababa ng blood pressure. Dahil riyan, hindi ako makapag-breastfeed kay baby. Lumabas na ‘yung colostrum ko pero hindi ko mabigay kay baby.

Sobrang nalulungkot ako. Kung kailan namang kailangan ni baby ko ang breastmilk ko, hindi ko pa siya mabigyan.

After ng dalawang linggo, naging normal na ulit ang aking blood pressure kaya nabibigyan ko na siya ng breastmilk. Hanggang ngayon ay nag a-adjust pa rin ako sa mga pagbabago sa buhay ko at sa pag aalaga kay baby. Buti na lang kasama ko sa bahay ang aking ina at ang asawa ko para tulungan ako.

Masaya ako para sa aking anak na si Sofia dahil patuloy ang kaniyang pagtaba at nabubuhay ng malusog.

Share your stories with us! Be a contributor theAsianparent Philippines, i-click here

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.
img
Sinulat ni

Nina Pauline Gersan Sarmiento

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • C-Section Mom Confession: "Hindi ko maramdaman at makontrol ang sarili ko sa pag-ihi at pagdumi."
Share:
  • First-time mom nasawi dahil sa preeclampsia

    First-time mom nasawi dahil sa preeclampsia

  • Bianca Lapus, nanganak ng premature dahil sa preeclampsia

    Bianca Lapus, nanganak ng premature dahil sa preeclampsia

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • First-time mom nasawi dahil sa preeclampsia

    First-time mom nasawi dahil sa preeclampsia

  • Bianca Lapus, nanganak ng premature dahil sa preeclampsia

    Bianca Lapus, nanganak ng premature dahil sa preeclampsia

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.