X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ryza Cenon kinabahan sa first amusement park ride ni Baby Night: "Grabe 'yong takot niya."

5 min read

Ryza Cenon nag-share sa first time experience ni Baby Night sa amusement park. Ito ang kaniyang naging realization sa naging karanasan ng anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Ryza Cenon sa first time experience ni Baby Night sa amusement park.
  • Iba’t-ibang reaksyon ng mga netizens.

Ryza Cenon sa first time experience ni Baby Night sa amusement park

ryza cenon with baby night

Larawan mula sa Instagram account ni Ryza Cenon

Hands-on mama, ganito kung maisasalarawan si Ryza Cenon sa pagiging ina niya sa anak na si Night. Dahil sa mga social media post ni Ryza ay laging ipinapakita ng aktres ang mga milestones ni Night na kasama siya.

Kamakailan nga lang ay ibinahagi ng aktres ang naging first time experience ni Night sa amusement park. Gamit ang Instagram ay ibinahagi niya ang maikling video kung saan yakap-yakap niya ang anak habang nakasakay sa first ride nito. Pag-amin ng aktres ay kinabahan siya para sa anak niya.

“First time ni Night pumunta sa amusement park. Ito ‘yong unang ride na sinakyan namin. Sa totoo lang kinakabahan ako para sa anak ko.”

Pero sa video ay makikitang natatakot rin si Night sa first ride niya. Kaya si Ryza yinakap ang anak at hinawakan ng mahigpit para lang pakalmahin ito.

“Yong napanood ko ‘yong video grabe ‘yong takot niya pero alam niya na safe siya kasi katabi niya si Mommy. At syempre pinaramdam ko kay Night na ‘wag matakot nasa tabi lang nya si Mommy.”

 
View this post on Instagram
  A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)

Sabi pa ni Ryza, ang sarap sa pakiramdam na kumakalma ang anak niya habang yakap-yakap niya. Pati na ang bawat pagsigaw nito ng mommy na nakakawala ng pagod niya at masarap sa pakiramdam.

“Buong ride namin naka-hug lang siya sa’kin, tapos kapag natatakot siya sumisigaw siya ng mommy. Hihihi the best yung feeling kapag tinatawag ka ng anak tapos ganito. Haaay nakakawala ng pagod mga mommies!!! Kahit na saan talaga ang mga anak natin kapag natakot sila or nasaktan ang unang maiisip nilang tawagin ay “Mommy”. Sarap sa pakiramdam ‘di ba mga mommies? #izaymoment #relate”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Habol pa niya, ang pagkatakot ni Night sa naturang ride ay sa simula lang. Habang tumatagal ay kumalma na ito at nakatulog na.

“Nagulat lang po sya sa simula then ok na po sya after. Nakakatulog na nga po sya sa ride.”

Ito ang dagdag pang pagbabahagi ni Ryza sa naging first time experience ni baby Night sa amusement park.

Si Night ay isang taong gulang na sa ngayon at nakatakdang mag-celebrate ng kaniyang 2nd birthday sa parating na Oktubre.

ryza cenon with baby night

Larawan mula sa Instagram account ni Ryza Cenon

BASAHIN:

Kyla muling nakunan sa ikaapat na beses: “I can’t even put my feelings into words.”

Idinawit sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, nagsalita na: “Umiwas tayo sa mga speculations.”

Kris Aquino sisimulan na ang mahabang gamutan sa America: “Time is now my enemy.”

Iba’t-ibang reaksyon ng mga netizens

May mga netizens ang nagpuntong napaka-bata pa ni Night para sumakay sa ganoong rides. Pero pagpapaliwanag ni Ryza nasunod naman nila ang guidelines na itinakda para sa mga pagsakay sa rides ng mga batang kasing edad ni Night. Higit sa lahat ay naipaliwanag rin daw naman nila dito ang mga nangyayari sa paligid niya.

“May guidelines naman. Basta ‘wag iiwan mag isa. And explain sa bata kung anong nangyayari.”

Ang ibang mommies to the rescue naman para ipagtanggol si Ryza. Sabi nila wala naman daw ina na ipapahamak ang anak niya at makakatulong ang experience na tulad nito sa development nila.

“Her child, her rules. Hindi susubukin ng isang magulang ang mga bagay na makakasama sa kanyang anak.”

“Never ako pumuna sa way ng ibang mga magulang kung paano mag alaga kung ano way para mapasaya anak nila. Kasi ako ayaw ko din na may pupuna sa akin. Dahil naniniwala ako na walang gagawin ang magulang na ikakasama ng mga anak nya, kanya kanya tayo ng diskarte.”

Ang ilang mommies naman naka-relate sa sarap feeling ni Ryza sa tuwing tinatawag siya ni Night sa mga oras na natatakot ito at mayroong kailangan.

“So agree. Kahit sa lahat ng bagay, paggising sa umaga sisigaw ng “Mommy” pag may kailangan sila “Mommy” ang sarap marinig ng tiny little voice nila na sinasabi yung word na Mommy. Kilig.”

“True. ‘Yong feeling na Ikaw ang safe place nila.”

“True. Sobrang sarap sa pakiramdam.”

“There is no better and safe place in the arms of nanay! Ganyan na ganyan din ako sa mga anak ko. Maganda talaga na maliit pa lang sila naranasan na nila mag adventures.”

“Ang takot ng anak o ano mang maramdaman nya nawawala kapag yakap ng ina.”

Ito ang ilang reaksyon pa ng mga netizens.

ryza cenon

Kuha mula sa Instagram account ni Ryza Cenon

Kamakailan lang ay naging viral rin ang isang post ni Ryza tungkol sa reality ng pagiging ina. Ito ay matapos magpost ang aktres ng itsura niya matapos asikasuhin ang anak niyang si Night.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

“After mo mag pakain, magpaligo, saka patulog ng anak mo… may moment talaga na mapapaupo ka tapos matutulala ka nalang sa pagod then sabay hingang malalim then game na ulit. ☺️”

Ito ang sabi ng aktres kalakip ang pagod ngunit pretty paring face niya.

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ryza Cenon kinabahan sa first amusement park ride ni Baby Night: "Grabe 'yong takot niya."
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.