Tulog na ang mga bata, naka-lock na ang pinto, ready na si mister—ngunit paano ito? May bisita pa si misis! Sex kahit may period? Pwede ba iputok kapag may regla? Mabubuntis ba ako?
Maraming nag-aatubiling makipagtalik dahil makalat, maaaring matagusan, at sa totoo lang, medyo kadiri talaga ang dugo. Ngunit huwag mag-alala, posible pa rin ang sex kahit may period!
Ayon sa isang survey noong 2016, 55% ng mga natanong na mga babae at lalaki ang nagsabi na normal lang magtalik kahit na may regla ang babae. Sa katunayan, may mga nagsabing nagustuhan nila ang experience na ito. Bukod sa karamihan ng mga babae ay mas nalilibugan talaga tuwing may period.
Nakakabuntis ba kapag ng may regla? | Image from Freepik
Sex kahit may period? Safe ba ito?
Ayon kay Dr. Mary Jane Minkin, propesor sa Yale University, kung kalusugan ang pag-uusapan, wala naman daw masamang mangyayari kung mag sex kahit may period. Ngunit, dagdag nito, mas madali lang kumalat ang bacteria na nagdadala ng chlamydia o gonorrhea (tulo). Ang solusyon? Condom!
Kung nais niyo pa rin mag sex kahit may period si misis, kailangan muna syempreng sabihin kay mister para alam niya na may dalaw ka. Isaisip lang din na may consequence ang sex kahit period dahil tataas ang risk factor na magkaroon ng impeksyon ang mag-asawa. Prone rin kasi ito na magkaroon ng STD (sexually transmitted diseases) at HIV (human immunodeficiency virus).
Pwede ba iputok kapag may regla? Mabubuntis ba ako?
Pwede ba iputok kapag may regla? Ayon sa mga eskperto, hindi rin ibig sabihin na kapag nag sex kahit may period, hindi na mabubuntis. “May mga babae na sa tingin nila hindi sila mabubuntis kapag nakipagtalik sila habang may period sila. Hindi ito totoo. Ang sperm ng lalaki ay maaaring manatili sa katawan ng babae ng ilang araw at kung maaga kang nag-ovulate sa buwang iyon, malaki ang tsansa na mabuntis kung walang contraception.”
So, paano nga magkaroon ng masarap na sex kahit na may period? Heto ang mga tips, ayon sa Women’s Health:
1. Gamitin ang extra dulas sa iyong advantage
Imbis na alalahanin ang mga lumalabas na dugo, isipin na advantage ito dahil nagiging parang lubricant ito. Nakakatulong ang pagtatalik para maibsan ng sakit ng ulo o puson habang may bisita ka.
2. Ihanda ang kama
Kung inaalala mo natagusan ang bedsheet habang kayo ay nagtatalik ni mister, maglagay ng dark-colored towel bilang sapin.
Nakakabuntis ba kapag ng may regla? | Image from Freepik
3. Dalihin ang pagtatalik sa banyo
Kung tamad kang maglaba ng natagusan na twalya, bakit hindi niyo dalihin ni mister ang sex sa shower? Mas magiging exciting din ang pagtatalik ninyo dahil wala kayo sa nakagawian na kama.
4. Planuhin mabuti
Tanggalin ang napkin o tampon, kapag magtatalik na. Sa totoo lang, hindi naman babaha ng dugo kapag tinanggal mo ito. Hindi naman lumalabas ang dugo nang tuloy-tuloy. Pabugso-bugso naman ito. Bukod pa rito, kung patapos na ang regla mo, mas hindi rin ito magiging makalat.
Nakakabuntis ba kapag ng may regla? | Image from Freepik
May mga mesntrual cup na hindi kailangan tanggalin habang nagse-sex—siguraduhin na basahin ang instructions na kalakip ng produkto. Nananatili ito sa loob upang saluhin ang dugo kahit nagtatalik kayo ni mister.
6. Sex position
Ang pinaka-mainam na posisyon para hindi makalat ay ang missionary o kung saan nasa tuktok si mister. Ito ang posisyon na pinaka-safe para hindi ka matagusan. Ngunit kung mas kumportable kayo sa ibang posisyon, gawin niyo iyon dahil ang pinaka-importante ay mag-enjoy kayo ni mister.
SOURCE: Women’s Health
BASAHIN: Bakit may buo-buong dugo sa menstruation?
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!