Ayon kay Shamcey Supsup, hindi niya akalain na magiging ina siya sa dalawang mirakulo ng kanyang buhay—ang panganay na babaeng si Nyke at ang bunsong lalake na si Peter Nathan.
Aniya nga, “Before I thought I was just going to have one baby, but siyempre I have two now. It’s all worth it. I never thought I’d be able to really, like, add more happiness in my life. When the new baby came, talagang iba yung saya din sa family.”
Halos bagong dating lang sa buhay ni Shamcey at asawang si Lloyd Lee ang kanilang pangalawang anak at bunsong lalake na si Nathan noong ika-30 ng Setyembre noong nakaraang taon.
Nagseselos raw ang panganay niyang anak
Nakwento rin ng Miss Universe 2011 third runner-up ang pinakamahirap na parte bilang maging mom of two.
Paglalahad ni Shamcey, “Siguro the hardest part lang of adding a new member of the family, siyempre yung may konting selos dun sa first baby.”
Ang kanyang panganay na babae na tatlong taong gulang na si Nyke ay nagsisimula na ngang di-umano’y magselos sa kanyang baby brother na 7-month old palang. At para nga daw matulungan ang kanyang panganay na ma-overcome ang kanyang nararamdamang pagseselos, sinisigurado ng former beauty queen na naggugugol siya ng mas marami pang oras sa panganay niya.
Pagpapatuloy ni Shamcey, “Kapag kasama ko silang dalawa, I give more attention to my eldest kasi siyempre siya pa yung nakakaalala, e. Siya pa yung parang, kumbaga, yung baby hindi pa naman nakaka-feel ng selos or anything. So, I give attention to the eldest para hindi naman niya nafi-feel na she’s being left out. And pag may bonding kami with baby, sinasama ko siya parati para ma-feel na she’s part of it.”
Masaya nga raw ang former beauty queen dahil si Nyke di-umano’y gusto ang pagiging ate sa kanyang Baby Nathan.
Dagdag ni Shamcey, “She likes to take care of the baby, so yun naman yung masaya. At least, parang nagkaroon siya ng responsibility agad na parang, ‘Oh, I have to take care of my brother.'”
Mas madali raw ang pangalawang panganganak
Para kay Shamcey Supsup, ang pagiging ina daw sa pangalawang pagkakataon sa kanyang bunso ay mas madali raw di-umano kaysa noong first-time Mom palang siya sa kanilang panganay ni Lloyd.
Kwento nga ni Shamcey, “Ewan ko lang, ha, it’s not for everyone. But for me, I felt that the second baby was easier? The birth, taking care of the baby, kasi nga, yung first kasi medyo you don’t know what to expect, e. Pero sa second, at least you know—mas hindi na ako paranoid. Mas may experience na kumbaga. I don’t know, mas madali for me yung second one.”
Mabilis na sambit ni Shamcey, “For now, huwag muna. We’re happy kasi it’s a boy and a girl, so no pressure. But we’re not saying no, pero for now, we’re happy as is.”
Source: PEP.ph
Basahin: Shamcey Supsup on motherhood: “Lahat ng pagod, sacrifices, it’s all worth it when I see my baby”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!