X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sikreto ng hindi pagkakaroon ng materyosong anak ayon kay momshie Melai

4 min read
Sikreto ng hindi pagkakaroon ng materyosong anak ayon kay momshie MelaiSikreto ng hindi pagkakaroon ng materyosong anak ayon kay momshie Melai

Paano mo nga ba masisiguradong hindi spoiled o hindi maging materyosong anak ang iyong chikiting? Alamin ang sikreto ni momshie Melai!

Noong nakaraang Enero 21, 2020, inimbitahan ang the Asian Parent upang maging parte ng official opening ng first-ever Adobo Connection franchise ni momshie Melai Cantiveros. Ang event na ito ay ginanap sa mismong branch na nasa SM Annex, North EDSA. Dahil dito, naka-kwentuhan namin siya at ibinahagi na rin niya sa amin ang kanyang solusyon para hindi magkaroon ng materyosong anak.

Nagpahayag ang dating Pinoy Big Brother housemate tungkol sa mga happenings ngayon sa buhay mag-asawa nila ni Jason Francisco. Matatandaan na mula pa lamang PBB days nila, hindi na maitatanggi ang natural na chemistry ng dalawa. 

Kaya naman paglabas ng bahay, nagpatuloy ang kanilang romansa hanggang sa magkaroon ng dalawang anak na sila Mela at Stela. 

“Lagi nga kaming may realizations pag nagda-drive kapag kami lang ang magkasama,” sabi ni pa ni Melai. “Grabe noh, ang bilis ng panahon. Dati nasa PBB lang tayo, ngayon, dalawa na anak natin…” 

sikreto-ng-hindi-pagkakaroon-ng-materyosong-anak-ayon-kay-melai

Image from Melai Cantiveros

Hindi rin maiwasan ng mag-asawa na isipin ang nalalapit na pagdadalaga ng kanilang mga anak lalo na’t nasa grade 1 na ang kanilang panganay! 

Baby Boy Naman?!

Tinanong din ng media kung nais ba nilang sundan si Mela at Stela. Hindi naman itinanggi ng day-time host na napag-uusapan din nilang mag-asawa ang bagay na ito. 

“Kasi gusto ni Jason, meron siyang buddy,” sabi ni Melai. “Kasi dalawang babae na yung anak namin. So, gusto naman niya ng isa namang lalaki.” 

Ayon kay Melai, hinihiling ni Jason na magkaroon ng baby boy para maaari nilang gawin ang mga father-and-son bonding na hindi niya masyadong nagagawa kasama ang kanilang dalawang anak na babae dahil sa pagkakaiba ng hilig. 

“Siyempre tingnan natin kung pagdating ng panahon, ibe-bless kami. Pero ngayon, sobrang happy na namin sa dalawang mga anak namin,” dagdag pa niya.

Nakakatuwa rin ang pagkwento ni Melai tungkol sa pagkahilig ng kanyang anak na si Mela sa pag you-YouTube! Nabanggit pa nga na idol daw ng kanyang anak si Alex Gonzaga at laging pinapanuod ang mga videos nito. 

Ngunit kahit na nahihilig sila sa mga ganitong klase ng entertainment, sinisiguro pa rin nilang balanse ang kanilang panahon sa paglalaro at pag-aaral. 

sikreto-ng-hindi-pagkakaroon-ng-materyosong-anak-ayon-kay-melai

Image from Melai Cantiveros

Paano Natutukan sa Pag-aaral sina Mela at Stela?

Proud si momshie Melai na all-out support siya pagdating sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Sa katunayan nga, tumutulong din ang kanyang former co-housemate sa Pinoy Big Brother: Double Up na si Carol Batay. 

Aminado raw siya na hindi siya magaling mag-tutor kaya naman pinapasalamat niyang andyan si Carol upang tulungan siya sa pagmomotivate kay Mela sa pag-aaral.

“Si Carol, kasama ko sa PBB dati. Siya nagtu-tutor kay Mela. Doon minomonitor niya, tinuturuan nya na ‘ganito’ talaga dapat. Dahan-dahan na kasi siyang natututong magbasa.”

Isa pang malaking pinasasalamat ni Melai ay ang paglaking maayos ng kanilang dalawang anak. Kahit na nakaaangat na sila sa buhay, sinisigurado niyang hindi sila lumalaking “spoiled”. 

Paano nga ba magkaroon ng hindi materyosong anak? Ayon kay momshie Melai, ang pagpapakilala ng buhay nila noon. 

Nai-kwento niya rin na hindi nila gawain ang mag-hotel kapag Christmas at New Year. Ginagawa pa rin nila kung ano ang nakagawian nila — ang pagbisita sa kanilang probinsya. Dahil dito, nagpapasalamat si Melai na hindi lumaking materyoso ang kanilang dalawang anak. 

sikreto-ng-hindi-pagkakaroon-ng-materyosong-anak-ayon-kay-melai

Image from Melai Cantiveros

“Dun ko nakita na mas masaya sila kasama mga pinsan nila kaysa sa mga material things. Kaya, thank you, Lord at I’m in the right track of my role bilang mama!”

Gusto rin nilang lumaking laging handa ang kanilang anak. Kaya naman ginagawa niya ang kanyang makakaya upang ipa-intindi ang totoong buhay kina Mela at Stela. 

“‘Yun ‘yung sinasabi ko na hindi ka na masha-shock sa buhay kung ano mang dadating sa future. Always ready ka at immune sa mga pangyayari sa buhay kaya ginagawa namin.”

Para sa kanya, importante ang pagmumulat sa kanilang nakasanayan upang magkaroon ng mas malalim na pag-iintindi ang kanilang dalawang anak na babae sa bawat aspeto ng buhay.

Para kay momshie Melai, ang tanging hiling na lamang niya ay ang lumaking maayos ang kanyang dalawang anak. 

“Ang pangarap ko sa mga anak ko is syempre lumaki sila na mabubuting bata mabait na bata… Kasi ‘pag mabuti ka at mabait kang bata sunod-sunod na ‘yung mga blessings na dadating.”

Partner Stories
5 Japanese lessons the kids can learn at Make Your Own Havaianas 2016 this weekend
5 Japanese lessons the kids can learn at Make Your Own Havaianas 2016 this weekend
Metro goes ALL OUT with P39 deals, up to 70% off for its 39th Anniversary Sale
Metro goes ALL OUT with P39 deals, up to 70% off for its 39th Anniversary Sale
3 Things Every Pinay Woman Needs to Know About Red Days
3 Things Every Pinay Woman Needs to Know About Red Days
Give the gift of healthy and delicious homemade meals this Father’s Day!
Give the gift of healthy and delicious homemade meals this Father’s Day!

 

Basahin: Jolina, nagbigay ng tips sa pag-iwas sa depression at bullying sa mga kabataan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Audrey Torres

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Sikreto ng hindi pagkakaroon ng materyosong anak ayon kay momshie Melai
Share:
  • LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

    LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

  • Melai Cantiveros, ibinahagi ang paraan niya ng pagdidisiplina sa mga anak

    Melai Cantiveros, ibinahagi ang paraan niya ng pagdidisiplina sa mga anak

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

app info
get app banner
  • LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

    LOOK: Melai Cantiveros at Jason Francisco nag-celebrate ng 10th anniversary

  • Melai Cantiveros, ibinahagi ang paraan niya ng pagdidisiplina sa mga anak

    Melai Cantiveros, ibinahagi ang paraan niya ng pagdidisiplina sa mga anak

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.