#FirstAid: Mga dapat gawin kapag may sinat

#FirstAid: Mga dapat gawin kapag may sinat

Pakiramdam mo ba na parang nilalagnat ka pero mababa naman ang temperature mo? Alamin kung ano ang puwedeng gawin kapag may sinat ka.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang lagnat at sinat ay hindi sakit. Sa halip, ito ay sintomas ng isang sakit at nagiging senyales ito na may nilalabanan ang iyong immune system. Ganunpaman, may mga gamot na pilit nagpapababa ng temperatura pabalik sa normal na init. Imbes na dumiretso sa mga butika at medicine cabinets sa susunod na magka-sinat, maaaring subukan ang mga natural na remedyo.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Mga dapat gawin kapag may sinat
Echinacea

Ang echinacea ay isang halamang gamot na ilang siglo nang ginagamit mula pa sa mga katutubong amerikano. Ngayon, makikita ito sa ilang mga tsaa na mabibili sa mga tindahan. Pinaniniwalaang nakakatulong ito sa katawan na labanan ang impeksiyon kaya madali ring nawawala ang sinat. Ayon sa mga pag-aaral, napapalakas nito ang immune system kaya magandang inumin sa simula pa lamang ng pagtaas ng temperatura ng katawan.

Luya

Ang anti-bacterial na katangian ng luya ay ang dahilan kung bakit ito magandang panlaban sa sinat. Epektibo rin ito sa ilan pang mga sintomas tulad ng ubo, sipon, at iba pa. Tulad ng echinacea, maaari itong makuha sa mga tsaa. Maaari rin bumili sa tindahan at gumawa ng sariling inumin nito gamit ang mga hiniwang luya.

Maraming tubig

Kung tila mayroong lagnat, uminom ng maraming tubig at iba pang inumin. Ang mga inumin ay nakakapag regulate sa init ng katawan. Natutulak din nito palabas ng katawan ang mga germs na nagdudulot ng impeksiyon na nilalabanan ng katawan.

Tulog at pahinga

Ang sinat ay isang paraan ng katawan para sabihin sa iyo na may nilalabanan ito para hindi ka lalong magkasakit. Para matulungan ang sariling paggaling, hayaan na magpahinga ang sarili. Ito ang pinakamabisang natural na remedyo sa pagkakaroon ng sinat. Bigyan ang katawan ng sapat na tulog at pahinga habang nilalabanan nito ang germs.

Ang normal na init ng katawan ay nasa 37 degrees Celsius. Ang pagtaas ng 1 hanggang 5 degrees ay hindi kailangang alalahanin. Subalit, para sa mga sanggol na wala pang 3 buwang gulang, ang pagkakaroon ng sinat ay delikado sa kalusugan. Dalhin agad siya sa ospital kung ang kanyang temperatura ay umabot ng 38 degrees Celsius.

 

Source: Healthline

Basahin: Batang may mataas na lagnat ngunit negatibo umano sa dengue sabi ng doktor, nasawi kinalaunan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner