Migraine: Sintomas at lunas para sa matinding sakit ng ulo

lead image

Alamin ang mga kailangang malaman tungkol sa malubhang pagsakit ng ulo at mga sintomas ng migraine. Alamin kung kailan kailangan magpa-konsulta.

Ang migraine ay hindi lang simpleng sakit ng ulo. Ang malalang sakit na dulot nito ay maaaring maging sobrang lubha at makasagabal na sa mga aktibidad. Para sa ilang tao, isang sintomas ng migraine ang tinatawag na aura bago o habang nararamdaman ang sakit ng ulo. Kasama sa aura na ito ang pagkita ng mga flash ng liwanag o blind spots. Ang ilan naman ay nakakaranas ng pagkilabot sa braso o hita, at hirap sa pagsasalita.

Ang migraine ay ang malubhang sakit o tila tumitibok na pakiramdam na kadalasang nararamdaman sa isang bahagi ng ulo. Kadalasan itong may kasamang pagkahilo, pagsusuka, at matinding pagkasensitibo sa ilaw at tunog. Maaari itong tumagal nang ilang oras lamang ngunit maaari ring abutin ng ilang araw.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sintomas ng migraine

Ang migraines ay kadalasang nagsisimulang maramdaman mula sa pagkabata, adolescence o simula ng pagtanda. Maaari itong dumaan sa apat na bahagi. Ganunpaman, hindi lahat ay nararanasan ang apat na bahaging ito. Ang mga bahaging ito at ang kanilang mga sintomas ay:

Prodrome

May mga mararamdamang kaunting pagbabago isa o dalawang araw bago ang migraine. Ang mga ito ay:

  • Constipation
  • Pagbago ng mood
  • Paghahangad ng pagkain
  • Paninigas ng leeg
  • Pagka-uhaw at pagiihi
  • Madalas na paghikab

Aura

Kadalasang biswal na sintomas ngunit ay maaari ring may kasamang iba pang maramdaman. Kapag nagsimulang maramdaman ang mga ito, unti-unti itong lumalala nang ilang minuto. Maaaring tumagal ang mga sintomas mula 20 hanggang 60 minuto. Ang mga maaaring maramdaman ay:

  • Pagkita ng iba’t ibang hugis, bright spots, o mga flash ng liwanag
  • Pagkawala ng paningin
  • Pakiramdam na may tumutusok sa braso o hita
  • Hirap sa pagsasalita
  • Nakakarinig ng ingay o tugtog
  • Hindi mapigilang biglaang paggalaw

Attack

Ang kadalasan ng pagkakaroon ng migraine ay iba-iba kada tao. Maaaring bihira itong maranasan o kaya naman ay ilang beses kada buwan. Ngunit, ang migraine na hindi magamot ay maaaring umabot nang 72 oras. Habang nakakaranas ng migraine attack, maaaring magkaroon ng:

  • Pananakit ng isang bahagi ng ulo o parehong bahagi
  • Sakit na tila tumitibok
  • Pagiging sensitibo sa liwanag, ingay, at minsan, amoy at gaspang.
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka

Post-drome

Matapos ang migraine attack, ang mga biglaang pag-galaw ng ulo ay maaaring magdulot ng pagbalik ng pananakit. Maaari ring maramdaman na nanghihina, nalilito at pagod na pagod.

sintomas ng migraine

Photo by Aiony Haust on Unsplash

Kailan magpapa-konsulta sa duktor

Kadalasan ay hindi pinapasuri o ginagamot ang migraine. Kung napapansin na madalas ang pagkakaroon nito, makakabuting i-record ang tagal at kung kailan naramdaman, ipakita ang record sa iyong duktor. Kahit pa dati nang madalas makaramdam ng pananakit ng ulo, magpakonsulta kung tila may pagbabago dito.

Agad na tumungo sa iyong duktor o sa emergency room kung maramdaman ang mga sumusunod:

  • Biglaang pagsakit ng ulo na maihahalintulad sa biglaang pagkulog
  • Pagsakit ng ulo na may kasamang lagnat, paninigas ng leeg, pagkalito, kombulsiyon, dobleng paningin, pagkahina, pagkamanhid, o hirap sa pagsasalita
  • Sakit ng ulo matapos ang head injury
  • Pabalik balik na pagsakit ng ulo na lumalala kapag may kasamang pag-ubo, pagkapagod, o biglaang paggalaw
  • Bagong pagsakit ng ulo matapos ang 50 taong gulang

 

Source: Mayo Clinic
Photo by Carolina Heza on Unsplash

Basahin: Netizen urges people not to take headaches for granted

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner