Kapag kinuskos ng iyong anak ang kaniyang mga mata at nakita mo ang pamumula. Huwag kang magalala dahil nandito ang mga kailangan mong malaman tungkol dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sore Eyes ng Bata: Ano ang conjunctivitis?
- Sore Eyes ng Bata: Ano ang mga sanhi nito?
- 6 sintomas na maaaring may sore eyes ang bata
- Paano gamutin ang Sore Eyes ng bata at mawala ang sintomas ng sore eyes
Ang Sore Eyes ng bata, na kilala rin sa pangalang “pink eye” o conjunctivitis, ay madalas na nagmumukhang malala kaysa sa kung ano talaga ito. Kadalasan, dapat ito’y hindi na maging sanhi ng pag-aalala. At maaaring maagapan sa pamamagitan ng mga remedyong magagawa sa mga gamit na mayroon sa loob ng bahay.
Ngunit, mayroong mga okasyon na kung saan kakailanganin mong humingi ng opinyon ng mga doktor para sa conjunctivitis ng iyong anak – na aming ibabahagi sainyo sa artikulong ito.
Ang conjunctivitis ay ang pamamaga ng conjunctiva, na isang manipis na film na tumatakip sa eyeball at loob ng mga talukap.
Ang mata ay mayroong tear ducts at mucus glands upang manatili itong lubricated. Pero kapag ang sistema ay na-overwhelm, pwede itong maging mas aktibo.
Maaaring magsimula na maglabas ng protective tears o mucus ang mga mata, na ang siyang sanhi ng pamamaga. Ang mga ito ay ilang mga karaniwang palatandaan ng conjunctivitis.
Sore Eyes ng Bata: Ano ang mga sanhi nito?
Kung ang iyong anak ay nagrereklamo ng matinding sakit, magandang dalhin na agad siya sa isang doktor
- Impeksyon ay ang pinaka-karaniwang dahilan ng conjunctivitis. Ang nakakahawang uri na madalas kumakalat sa mga daycare centers at paaralan. Kadalasang sanhi ito ng bacterial o viral na impeksyon. Ito rin ay kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng pagbahing o pagubo ng mga droplets of infected mucus. Ayon sa mga eksperto, kung ang nana na nakapaligid sa mata ay kulay dilaw, ito ay marahil na sanhi ng bacteria. Tulad ng golden staph na maaaring magamot ng antibiotic. Kung ang nana naman ay kulay puti, maaaring cold virus naman ang sanhi ng sakit.
- Allergy ay isa pang karaniwang dahilan ng sore eyes. Maraming tao na mayroong allergy sa pollen ay maaaring magkaroon ng pamumula at pamamaga sa kanilang conjunctiva.
- Irritants tulad ng chlorine (sa mga swimming pools) o kaya shampoo ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng conjunctiva mo o ng iyong anak.
6 sintomas na maaaring may sore eyes ang bata
- Pamumula ng isa o parehong mata ng iyong anak
- Malagkit na talukap, lalo na sa paggising
- Madilaw na crust sa may pilikmata
- Madilaw o maputi na nilalabas ng mata
- Hindi komportable, makati o sensitibo sa liwanag
- Sinat o magang lymph nodes malapit sa mga tainga
Sintomas ng sore eyes sa bata. | Larawan mula sa iStock
Paano gamutin ang Sore Eyes ng bata at mawala ang sintomas ng sore eyes
Ang conjunctivitis ay bihira maging malala ngunit ito ay lubos na nakakahawa. Kung ang iyong anak ay mayroon nito, ang pinakamagandang paraan ay panatalihin siyang nasa bahay hanggang ang kaniyang sakit ay mawala.
Ayon sa ipinamahagi ni Dr Gerard Nah, ang Medical Director ng W Eye Clinic, ang sore eyes ay dahil sa viruses. Wala naman talagang treatment na kinakailangan dahil ang mismong immune system na din ang rumeresolba dito.
Ngunit mayroong tinatawag na artificial eye drops na maaaring maibsan and discomfort. Ang mga gamot para sa sipon, ubo, allergy tulad ng antihistamines ay makakatulong din. Pero importantent ikonsulta muna ito sa doktor.
Kung gusto mong sumubok ng mga natural remedies upang mapagaan ang pakiramdam ng iyong anak, iminumungkahi namin ang mga sumusunod:
Larawan mula sa iStock
-
Hayaan na matanggal ng kaniyang mga luha ang mga mikrobyo!
Ang mga luha ay naglalaman ng mga natural na kemikal na nilalabanan ang mga mikrobyo. Nang walang anumang paggamot, karamihan sa mga mayroong infective conjunctivitis ay nawawala nang kusa sa loob ng 2 hanggang 5 araw. Karaniwang hindi magtatagal ng lagpas 1 hanggang 2 linggo.
Ang mga ito ay maaaring ilagay sa labas ng mga nakasarang talukap ng iyong anak ng iilang beses na isang araw upang mapawi ang nararamdamang pananakit. Inirerekomenda ng mga eksperto na gumamit ng cold compresses para sa mga may allergen-related conjunctivitis at warm compresses para sa mga may impeksyon.
-
Linisin ang mata ng iyong anak.
Mula sa loob (malapit sa ilong) hanggang sa labas na sulok gamit ang basang twalya na binabad sa tubig o chamomile tea na pinakuluan at pinalamig.
-
Pakain siya ng mga pagkain na makakatulong mawala ang sore eyes
Magsama ng mga nakakagamot na pagkain tulad ng bawang, strawberries, oranges, cantaloupe, kiwi fruit at broccoli sa pagkain ng iyong anak. Siguraduhin lamang na wala siyang allergy sa mga ito.
-
Gumamit ng breastmilk para linisin ang mata ng iyong anak (kung ikaw ay may breastmilk pa)
Ang breastmilk ay hindi lamang nakakalusog para sa iyong anak, ngunit ito rin ay isang magandang home remedy para sa sore eyes. Magbabad ng malinis na twalya sa breastmilk at gamitin ito upang linisin and mata ng iyong anak tulad ng paraan na gamit ang tubig.
-
Paggamit ng Chinese medicine
Chinese medicine ay isang mahusay na paraan para gamutin ang sore eyes. Mayroon isang Traditional Chinese Medical (TCM) practitioner ang titingin at susuri sa iyong anak, gagawa ng diyagnosis at maghahanda ng angkop na halamang gamot.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor kapag nakakakita na ng sintomas ng sore eyes?
Larawan mula sa iStock
Ayon ulit kay Dr Nah,
“Red eyes in children is usually viral in nature, and often comes with symptoms of a cold or flu. Generally, parents should bring their children to see a doctor when the kids are not feeling well.
Or if they are not getting better after a few (3-5) days of rest. If, however, a child complains of eye pain, or poor or blur vision, then it becomes necessary to see a doctor quickly.”
Ngunit kapag ang iyong bagong silang na sanggol ay may conjunctivitis, dapat na agad na dalhin ito sa isang doktor.
May mga mikrobyo na nagngangalang chlamydia o gonorrhea na maaaring maging sanhi ng conjunctivitis ng mga bagong silang na sanggol. Ito ay mga malubhang sexually transmitted infections na maaaring maipasa sa mga sanggol mula sa kanilang mga ina kung ito ay mayroong isa sa mga impeksyon sa panahon ng panganganak (vaginal birth).
Ito ay iba sa mga karaniwang sticky eye ng mga bagong silang na sanggol na sanhi ng isang blocked tear duct. Sapagkat ito ay hindi magreresulta sa pamumula at pamamaga ng conjunctiva.
Karaniwan na gagamutin ng doktor ng iyong anak ang sore eyes gamit ang antibiotic eye drop o eye ointment. Maaaring magrekomenda ng ibang paraan ang doktor depende sa kalubhaan ng conjunctivitis.
Dapat tandaan ng mga magulang na kung mayroong conjunctivitis ang kanilang mga anak ay laging paalalahanang na maghugas ng kamay.
Dapat din na pakiusapan na huwag munang mamahagi ng pagkain o laruan sa ibang mga bat. Ppati rin ang mga kapatid niya. Upang hindi kumalat ang impeksyon sa ibang tao.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!