X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Isang taong gulang na bata hindi na nagising sa pagkakatulog

4 min read
Isang taong gulang na bata hindi na nagising sa pagkakatulogIsang taong gulang na bata hindi na nagising sa pagkakatulog

Sudden Unexplained Death in Childhood o SUDC, ano nga ba ang dahilan at may paraan ba kung paano maiiwasan?

Sudden unexplained death in childhood stories o mga kaso ng SUDC hanggang ngayon ay hindi parin matukoy ang dahilan.

Sudden unexplained death in childhood stories

Image from Facebook

Batang hindi na nagising sa pagkakatulog

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng isang inang netizen ang kaniyang karanasan sa biglaang pagkawala ng isang taong gulang niyang anak.

Kwento ng inang si Pearl, noong araw na biglang nasawi ang kaniyang 13 months old na anak na si Ryan ay nagising ito ng isang oras na mas maaga sa nakagawian. Very active at tumatawa pa daw ito. Naghabol pa nga daw ito sa kaniya ng siya ay umalis na para pumasok sa trabaho. Matapos nito ay nakapasok pa ito sa daycare kasama ang kaniyang babysitter. Hanggang sa ito ay makatulog ng tulad ng ginagawa niya tuwing umaga. Pero noong araw na iyon ay hindi na ito nagising.

Nagulat nalang si Pearl ng nakatanggap siya ng tawag tungkol sa nangyari sa anak. Dali-dali siyang pumunta sa ospital na kung saan nakita niya ang anak na may tubo sa kaniyang bibig at wala ng buhay.

Ayon sa doktor na tumingin dito ay sinubukan nila ang lahat para mailigtas ito. Pero ang bata ay nasawi sa hindi pa malamang dahilan.

Nang lumabas ang autopsy result ng pagkamatay ng kaniyang anak, ang naging findings ay Sudden Unexplained Death in Childhood o SUDC. Ito ay ang biglaang pagkamatay ng batang higit isang taong gulang na kahit mga eksperto ay hindi pa maipaliwanag ang dahilan.

Sudden unexplained death in childhood stories

Ang nangyari sa anak ni Pearl ay isa lamang sa mga sudden unexplained death in childhood stories sa mundo na hanggang ngayon ay wala paring malinaw na pinag-ugatan.

Ang SUDC ay tulad din ng Sudden Infant Death Syndrome o SIDS na madalas na nararanasan sa pagtulog ng isang bata. Kinaibahan lang, ito ay nangyayari sa mga batang lagpas isang taong gulang. Habang ang SIDS naman ay nararanasan ng mga sanggol na isang taong gulang pababa ang edad.

Pagdating sa bilang ng sudden unexplained death in childhood stories, ito ay mas bibihira na may naitala lang na 1.0-1.4 deaths per 100,000 ng isang populasyon. Habang ang SIDS naman ay may death rate na 38.7 per 100,000 live births.

Ang SUDC ang itinuturong category ng pagkamatay ng isang bata kapag walang nakitang medikal na dahilan. Kahit matapos tingnan ang clinical history, autopsy result at iba pang death circumstances nito.

Dahil sa nadaragdagang kaso ng SUDC, nagtulong-tulong ang higit sa 100 pamilya sa US na nawalan ng kanilang mahal sa buhay dahil sa hindi maipaliwanag na kondisyon. Gamit ang mga blood samples at medical records ng mga batang nasawi dahil sa SUDC ay isang pag-aaral ang isinagawa para masagot ang mga katanungan tungkol dito.

Resulta ng pag-aaral

Matapos ang apat na taon ay nagbigay ng pahayag ang mga scientists at physicians na nakiisa sa pag-aaral.

Ayon kay Dr. Orrin Devinsky, isang neurologist sa Langone Medical Center sa New York University at principal investigator ng ginawang pag-aaral, natuklasan nilang halos lahat ng SUDC victim ay nasawi habang sila ay natutulog. Habang 30% sa mga ito ay may history ng febrile seizures. Ito ang seizure o kombulsyon dulot ng lagnat. At 8% naman sa mga ito ang nakaranas ng gene mutation na nakaapekto sa kanilang puso at utak. Ito ang naging dahilan ng kanilang pagkasawi. Ngunit ang natitirang bilang ng mga batang nasawi dahil sa kondisyon ay wala silang nakitang medikal na paliwanag.

Magpahanggang ngayon ay wala paring nakikitang paliwanag tungkol sa SUDC at paraan kung paano ito maiisawan. Ngunit patuloy na nagsasagawa ng mga pag-aaral upang ito ay mas maimbestigahan at malaman ang tunay na dahilan. Ang tanging malinaw lang na impormasyon tungkol sa kondisyon, ay ito ay nangyayari sa mga batang 1-18 gulang. Ito ay ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng mga batang malulusog at walang sakit. Wala rin itong ipinapakitang sintomas. Ang isa lang sa palatandaan nito ay ang hindi na paggising ng isang bata mula sa kaniyang pagkakatulog.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: SUDC, NCBI, Chicago Tribune

Photo: Pixabay

Basahin: What you need to know about SIDS and daycares

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Isang taong gulang na bata hindi na nagising sa pagkakatulog
Share:
  • Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Must-know information

    Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Must-know information

  • Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Mga dapat malaman

    Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Mga dapat malaman

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

app info
get app banner
  • Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Must-know information

    Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Must-know information

  • Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Mga dapat malaman

    Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Mga dapat malaman

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.