Dingdong Dantes at Marian Rivera, ni-reveal na ang gender ng kanilang baby!

lead image

Ni-reveal na nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kanilang Team Dantes youtube channel na ang gender ng kanilang second baby!

Ang pinakahihintay na gender reveal ng second baby ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ay inilabas sa pamamagitan ng isang video mula sa kanilang Youtube channel na Team Dantes.

Ang video ay kuha mula sa ginanap ng Color Run 2018 noong November 18 na kung saan dumalo ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama ang kanilang unica hijang si Zia Dantes.

Ang gender reveal video ay may mga snippets din ng iba’t-ibang kuha ng Team Dantes mula sa kanilang mga trip abroad. May snippet din ng nakaraang birthday ni Zia na kung saan ang sinabi niyang birthday wish ay isang baby brother.

Nakunan din sa nasabing video ang pagtakbo ng Team Dantes sa finish line ng Color Run na kung saan sinabuyan sila ng blue powder na sinulatan ni Marian gamit ang kaniyang daliri ng salitang BOY.

Natapos ang video sa pamamagitan ng pagsigaw ni Zia na “I’m an Ate na!”

Kitang-kita ang happiness ng Team Dantes habang ineenjoy ang bagong balita ng dagdag na miyembro ng kanilang pamilya.

Ipinaaalam ni Marian ang kanilang gender reveal video sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post ilang minuto bago ito ishare sa Youtube kung saan ito ang sinabi niya.

Matatandaang inanunsiyo ni Marian Rivera ang kaniyang pagbubuntis sa kanilang pangalawang anak ni DingDong Dantes sa pamamagitan ng isa ring Instagram post noong nakaraang Setyembre.

Ang nasabing Instagram post ay ang litrato ng kaniyang ultrasound result na may hashtag na #YesAnotherDantes, #BigSisZia, #YESmayIsaNanamangDantes, #4DnaKami, #YesImBuntis.

Ito ay kinatuwa ng mga netizens at fans ng Team Dantes na talaga namang inaabangan ang pangalawang pagbubuntis ni Marian Rivera. Kayan naman labis din ang kaligayahan ng mga supporters ng Team Dantes ng inanunsiyo nila na isang baby boy ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Nitong nakaraang November 23 nga lamang ay nagcelebrate ng 3rd birthday si Zia Dantes na kung saan ang birthday wish niya ay nagkatotoo na.

Basahin: Marian Rivera buntis sa kaniyang pangalawang anak kay Dingdong Dantes!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!