10 tips upang mabigyan si misis ng multiple orgasms

lead image

Paano nga ba mabibigyan ng mga mister ng multiple orgasms ang kanilang mga misis? Heto ang 10 tips na siguradong makakatulong.

Pagdating sa sex, isa sa mga tinatawag na "holy grail" ng mga babae ay ang pagkakaroon ng multiple orgasms. Syempre, kung ang pagkakaroon ng isang orgasm ay masarap, lalo na siguro ang pagkakaroon ng maraming orgasms.

Ngunit hindi ito palaging madaling magawa, minsan nangyayari lang ito ng kusa, pero mayroon din namang mga paraan upang madagdagan ang posibilidad na maranasan ito.

Tips para bigyan ng multiple orgasms si misis

Heto ang ilan sa mga tips na mahalagang tandaan ng mga mister pagdating sa multiple orgasms ni misis.

1. Mag-focus sa paghinga ng iyong misis

Alam mo ba na sa pamamagitan ng pag-unawa ng paghinga ng iyong misis, ay malalaman mo kung malapit na siyang magkaroon ng orgasm?  

Kapag nalaman mo na ang mga signs na malapit nang magkaroon ng orgams ang iyong misis ay lalong mapapadali ang pagkakaroon niya ng orgasm. Kaya't magandang mag-focus sa kaniyang paghinga.

2. Sumubok ng vibrator

Malaki ang naitutulong ng paggamit ng vibrator para mabigyan ng multiple orgasm ang iyong misis. Ito ay dahil mas intense ang naibibigay na sensation kapag gumagamit ng vibrator.

Hindi naman ito kabawasan sa iyong pagkalalaki, dahil ang goal naman rito ay paligayahin ang iyong asawa.

3. Alamin ang kaniyang "cues"

Bukod sa paghinga, mayroon ding mga "cues" o senyales na dapat mong malaman. Nagbabago ang galaw ng iyong misis kapag malapit na siyang magkaroon ng orgasm, at kung alam mo ang mga cues na ito, mas mabibigyan mo siya ng stimulation.

4. Mag-focus sa clitoris

Ang isa pang mahalagang tip ay ang pag-focus sa clitoris. Ito ay ang pinakasensitibong bahagi ng vagina, dahil punong-puno ito ng mga nerve endings. Kaya kung gusto mong magkaroon ng multiple orgasm ang iyong asawa, dapat ay magfocus ka sa clitoris dahil ito ang pinakamadaling paraan upan magawa ito.

5. Gumamit ng lubrication

Masakit makipag-sex kapag dry at walang lubrication. Posible pa nga itong maging sanhi ng mga rashes, sugat, at infection. Kaya't mahalagang gumamit ng lubricant upang mapadali ang sex ninyong mag-asawa. Nakakatulong ito para mabawasan ang irritation sa sex, at upang maging mas masarap ang pagsasama ninyong dalawa.

6. Subukang i-stimulate ang mga erogenous zones

Hindi lang dapat sa vagina nakafocus ang mga mister pagdating sa sex. Ang leeg, batok, hita, nipples, at iba pang bahagi ng katawan ay mga erogenous zones na nagbibigay ng masarap na sensation kapag iyong na-stimulate. Kaya't huwag kalimutang bigyang-pansin ang mga zones na ito.

7. Huwag kalimutan ang foreplay

Mahalaga rin ang foreplay bago kayo mag-sex ng iyong misis. Maikukumpara ito sa pag "preheat" ng oven. Sa pamamagitan ng foreplay, mas tumataas ang arousal ninyong dalawa, at magiging mas masarap ang sex dahil "ready to go" na kayong dalawa.

8. Paghusayan ang oral sex

Malaki ang papel ng oral sex pagdating sa pagkakaroon ng multiple orgasms ng mga babae. Madalas nga ay mas nagkakaroon pa sila ng multiple orgasm sa pamamagitan ng oral sex kaysa sa regular sex!

Ito ay dahil enjoyable ang oral sex para sa mga babae, dahil direktang nagkakaroon ng stimulation sa clitoris. Kapag nagkakaroon ng stimulation sa clitoris ay mas madali silang magkaroon ng orgasm.

9. Hayaang siya ang masunod sa kama

Ang isa pang magandang tip ay hayaang ang misis mo ang masunod kapag nagsesex kayong dalawa. Siyempre, alam niya kung anu-anong mga posisyon ang masarap, dahil kabisado niya ang kaniyang katawan.

Mahalagang makinig sa iyong asawa upang masiguradong masaya kayong dalawa sa kama.

10. Huwag mawalan ng loob kung hindi mo agad magawa

Huwag mong isipin na porke't hindi nagkakaroon ng multiple orgasm ang iyong misis ay hindi mo na siya napapaligaya. Posible rin namang maging masarap ang sex kahit na hindi nagkakaroon ng orgasm.

Ang mahalaga ay ginagawa mo ang iyong makakaya upang mapaligaya ang iyong asawa.

 

Source: Men's Health

Basahin: 5 sex positions upang magkaroon ng multiple orgasms

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!