5 uri ng pagtatalik na makapagpapabalik ng init sa inyong pagsasama

lead image

Paulit ulit na lamang ba ang nangyayari sa inyo ng iyong asawa sa kama? Subukan ang mga uri ng pagtatalik na ito na aprubado ng mga eksperto!

Kung nung minsan na kayong naghanap ng mga tips kung paano pagbubutihin ang inyong sex life na mag-asawa, maaaring ang mga nakita ninyo ay iba’t ibang sex positions o uri ng pagtatalik na anila ay makapagpapa-enjoy sa inyong dalawa.

Pero kung nasubukan na ninyo ang mga ito at wala paring pinagbago, panahon na sigurong subukan ang mga uri ng pakikipagtalik na ito para maibalik ang init sa inyong pagsasama ng iyong asawa.

Mga uri ng pakikipagtalik

Narito ang ilang payo mula kay Dr, Tina Tessinal, isang lisensiyadong psychotherapist at manunulat para sa Huffington Post.

Dating Sex o yung paikikipagtalik na kunwari ay hindi pa kayo kasal

Balikan ang panahon kung saan nagde-date pa lamang kayo. Ayon kay Dr Tessina, makatutulong ito na ulitin ang dating pananabik ninyo sa isa’t isa. Maari itong simulant sa aktuwal na date kung saan magkikita kayo sa labas, kakain at pasimpleng maglalandian.

Ayon sa Men’s Health, ang mga mag-asawa na labis ang oras na magkasama ay minsan nakakaramdam ng pagkasawa o kaya naman pagka-bored. Kaya naman sa pamamagitan nitong dating sex, maaaring manumbalik ang pananabik ninyong mag-asawa sa isa’t isa na makakagarantiya ng mainit na aksyon sa iyong kama.

Make-up sex o ang pakikipagtalik matapos ang isang pagtatalo o away.

Ayon sa isang doctor, si Dr. Lisa Neff, sa gitna ng pagtatalo, madalas na sinisisi ng isa ang kanyang asawa para sa mga maling kilos o salita at sa paglipas ng panahon, ang pattern na ito ay nauulit at lumalala.

Kaya naman ayon sa kaniya, dapat itong pigialan at siguraduhing kayong mag-asawa ay mapagang-unawa sa isa’t isa. Matapos ang pagpapatawad, manabik sa isang mainit na make-up sex para makabawi sa inyong pagkakamali sa inyong asawa. After all, maraming mga mag-asawa ang naniniwala na ito ang the best na uri ng pakikipagtalik.

sex in every part of the house intro 1 5 uri ng pagtatalik na makapagpapabalik ng init sa inyong pagsasama

photo: dreamstime

Wooing sex

Ito ang romantukong uri ng pakikipagtalik kung saan ang isa ay kumikilos ng parang sinusubukang kuhanin ang loob ng kanyang asawa—minsan, parang nagpapasikat. Dahil gusto n’yong i-win over ang inyong asawa, maaaring magcheck-in sa magandang hotel, o kaya naman ay mag-book ng weekend getaway.

Comfort sex

Kung hindi naging maganda ang araw ng iyong asawa o kaya naman ay meron s’yang pinoproblema, ang comfort sex ay makakatulong na map£abuti ang kanilang pakiramdam. Sa panayam sa Men’s Health ni Dr. Gian Gonzaga,maiiwasang makaapekto ang stress sa inyong pagsasama sa papamigitan nito.

Fantasy sex

Iparamdam sa iyong asawa na sila ay ninanais parin sa kama sa pamamagitan pagiging bukas na subukan ang role playing o kaya naman iba pang karanasan na gusto nilang subukan. Ibahagi n’yo rin sa kanila ang inyong sariling mga pantasiya.

Maaaring gumamit ng sex toys o kaya naman mga costumes para mas magmukha itong kapanipaniwala. Ang mahalaga ay matugunan ninyo ang pantasiya ng isa’t isa.

Ang article na ito ay unang isinulat ni Bianchi Mendoza

READ: Study finds that it’s cuddling, not sex that makes couples happier