Shinare ni Vina Morales ang achievement ng kanyang anak. Ito ay first honors sa kanyang section.
Vina Morales sobrang proud sa achievement ng anak na first honor
“As a single working mom, with so much pride, I congratulate my daughter @ceanaml for being one of the 1st honors in her section grade 7 last year.” caption ng aktres sa kanyang post.
Nagkwento rin niya na namimiss niya ang mga events sa school. Hindi daw kasi naranasan ito dahil nagtatrabaho na siya.
“When I was 9 years old, I was working professionally already so I missed school activity,” saad niya
Nasabi rin niya na sobrang proud siya sa report card ng anak at sa mga achievement nito. Dagdag pa niya na sobrang tuwa niya dahil kahit single parent siya ay responsible ito. Kwento pa niya,
“I am overjoyed knowing that she is growing up to be a responsible person [heart emoji].”
Natuwa rin ang mga ilang singers na katrabaho ni Vina dahil dito. Nag congratulation comment ang singer na si Pops Fernandez.
Napacomment rin si Pops Fernandez at Jessa Zaragoza. | Larawan mula sa Instagram ni Vina.
“Congratulations dear Ceana! so smart & pretty! ” bati ng singer na si Jessa Zaragoza
Si Ceana ay ang anak ni Vina sa dating karelasyon na si Cedric Lee. Ang swerte daw ng aktres sa kanyang anak dahil ito ay super responsible.
Proud na proud si Vina Morales sa kanyang anak sa achievement nito. |Larawan mula sa Instagram ni Vina Morales
“I am so proud and lucky to be able to call you my daughter,” mensahe ni Vina sa anak.
Pinagmamalaki niya dahil lumaking mabuti ang anak. Sobrang thankful niya dahil simple lang ang anak at hindi mareklamo.
Nabanggit ng aktres na nararamdaman naman ng anak ang pagmamahal kaya kuntento na ito. Nagpasalamat rin ito sa mga taong tumulong sa kanya sa pagpapalaki sa anak.
Hindi daw niya makakaya ang reponsiblity ng pagiging ina kung wala ang pamilya.
“I’m really grateful and thankful sa family ko na kapag may trabaho ako ay may napag-iiwanan ako kay Ceana.” pagpapasalamat ng aktres.
Congratulations Ceana!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!