X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Viy Cortez ipinasilip ang itsura ni baby Kidlat sa ultrasound scan: “Anak ko asan po leeg natin.”

4 min read
Viy Cortez ipinasilip ang itsura ni baby Kidlat sa ultrasound scan: “Anak ko asan po leeg natin.”

Sino kaya ang kamukha ng baby nila Cong at Viy?

Viy Cortez ibinahagi ang pinakabagong ultrasound scan ng kaniyang baby Kidlat. Viy binago ng eating habits para sa kaniyang baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Update sa pagbubuntis ni Viy Cortez kay baby Kidlat
  • Mga pagbabago sa buhay ni Cong at Viy Cortez ngayong sila ay magkakaanak na

Update sa pagbubuntis ni Viy Cortez kay baby Kidlat

cong tv and viy cortez baby

Image from Viy Cortez’s Facebook account

Nalalapit na ang panganganak ng vlogger at miyembro ng Team Payaman group na si Viy Cortez. Sa kaniyang Instagram kahapon ay nag-share nga siya ng pinaka-bagong ultrasound scan ng kaniyang baby boy.

Sa naturang ultrasound scan ay makikitang very healthy ang anak ni Viy at kilalang vlogger rin na si Cong TV o Lincoln Velasquez sa totoong buhay.

“Anak ko asan po leeg natin. I love you anak ko hindi maitatanggi ang taba mo din.”

Ito ang caption ng post ni Viy.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Viycortez (@viycortez)

Marami ang natuwa sa post na ito ni Viy at iba-iba ang opinyon kung sino ang kamukha ng kaniyang baby.

“Wow little viy.”

“Kamukha mo ate.”

“Nagiging kamuka na ni cong”

“Kamukha talaga si cong. Napaka-cuteee!!”

Habang ang iba naman ay concern at may payo kay Viy para hindi siya mahirapan sa kaniyang pagbubuntis at nalalapit na panganganak.

“Wag po masyado palakihin si kidlat mahirap umire.”

Samantala, nitong nakaraang buwan sa kaniyang vlog ay ibinahagi ni Viy na siya ay nagbabago ng kaniyang eating habits. Mula sa dating hilig at nakasanayan niyang pagkain ay napagdesisyunan niyang mag-change sa mas healthy choices.

“Ako ay magbo-brown rice na. Mayroon akong nakitang TikTok na siya ay buntis ngayon at diabetic na siya. Ako wala pa akong diabetes. Pero ang hilig ko kasi sa matamis kaya ako naiis-stress.”

Maliban sa pagpapalit ng uri ng kanin na kakainin ay susubukan daw ni Viy na kumain ng prutas kapalit sa mga hilig niyang matatamis na pagkain.

“Ta-try kong maging healthy kasi natatakot talaga ako. Kaya kailangan kong mag-ingat talaga sa buhay ko. Syempre ang tagal namin tong hinintay.”

Ito ang sabi ni Viy tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Ang dinadala ni Viy ay ang pangalawang anak na sana nila ni Cong. Si Viy ay nakunan sa una nilang anak ni Cong noong 2020 ilang araw matapos nilang malaman na siya ay nagdadalang-tao.

viy cortez baby

Image from Viy Cortez’s Facebook account

BASAHIN:

It’s a boy! Cong TV at Viy Cortez nalaman na ang gender ng kanilang baby

LOOK: Team Payaman vloggers Pat Velasquez at Boss Keng, ikinasal na

Elisse Joson hindi mapigilang mai-stress: “There’s a lot more pressure when you’re a mom.”

Excited na sa pagdating ng kanilang anak

Matatandaang nitong nakaraang taon ng Disyembre nang sorpresahin ni Viy si Cong tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Noong una ayon kay Viy kahit siya ay hindi makapaniwala sa panibagong blessing na dumating sa pagsasama nila ni Cong. Naka-ilang PT nga daw siya para lang malaman kung talagang buntis nga ba siya.

Mixed emotions nga daw siya ng mga panahong iyon. Masaya siya sa bagong blessing na dumating sa buhay nila ni Cong at natatakot na baka ito ay agad ring mawala.

“Hindi ko alam, halo halo yung emosyon ko. Naiiyak ako sa saya. Naiiyak ako kasi nalulungkot ako. Kasi paano kung mawala na naman or paano kung hindi pala talaga.”

Nang malaman ni Cong ang pagbubuntis ni Viy, kahit ito ay hindi rin makapaniwala. Bagamat labis ang saya sa nalaman niya.

“Totoo ba? Totoo? Baka kay Patpat ito, ha? Hindi umiiyak ka, e. Totoo? Matulog ka na doon, bawal kang gumalaw.”

“Sana ito na ‘yun! Ito na ‘yun! Sana! Sana talaga! Kahit umiyak siya maghapon, magdamag babantayan ko siya.”

Ito ang sabi noon ni Cong ng malamang buntis si Viy.

Viy Cortez ipinasilip ang itsura ni baby Kidlat sa ultrasound scan: Anak ko asan po leeg natin.

Abraham Kidlat ang ipapangalan nila Cong at Viy sa kanilang baby

Sa ngayon, marami ang nag-aabang sa pagsilang ng anak nina Cong at Viy. Ito ay isang baby boy na papangalanan nilang Abraham Kidlat.

Sa gender reveal party na ginawa ni Cong at Viy para sa anak ay sinabi ng vlogger at Team Payaman leader na mukhang babaguhin ng anak ang buhay nila sa oras na isilang na ito. Dahil kung sa ngayon pa nga lang ay bumabaha na ang pagmamahal sa paligid nito kahit ito ay nasa sinapupunan pa.

“Kidlat, nakikita mo naman siguro anak napaka-espesyal mo kasi mapapanuod mo ‘to 10 years or 15 years, 20 years. Hindi ko alam from now, makikita mo tong video na ito at makikita mo kung paano namin ipinagdiwang ikaw.”

“Hindi ka pa lumalabas makikita mo na kung gaano ka namin kamahal. Maraming salamat kasi dumating ka. Mukhang babaguhin mo ang buhay namin. I love you, Kidlat. Power sayo, peace.”

Si Viy ay nakatakdang manganak ngayong darating na Hulyo. Ang hiling niya sana ay maging kamukha ni Cong ang magiging anak nila.

Instagram

Partner Stories
Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Viy Cortez ipinasilip ang itsura ni baby Kidlat sa ultrasound scan: “Anak ko asan po leeg natin.”
Share:
  • Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
    Partner Stories

    Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair

  • This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

    This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

  • Big Memories, Small Budget – Plan Your Next Family Trip

    Big Memories, Small Budget – Plan Your Next Family Trip

  • Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair
    Partner Stories

    Simple and Safe Care for the Whole Family: Meet Moringa-O2’s All-in-One Herbal Oil for Skin and Hair

  • This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

    This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

  • Big Memories, Small Budget – Plan Your Next Family Trip

    Big Memories, Small Budget – Plan Your Next Family Trip

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko