X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Vloggers Cong TV at Viy Cortez, magkaka-baby na!

4 min read
LOOK: Vloggers Cong TV at Viy Cortez, magkaka-baby na!

Hiling ni Viy, sana daw ay maging kamukha ni Cong ang kanilang baby!

Viy Cortez, buntis! Ito ang panibago at magandang balitang hatid ng Team Payaman sa kanilang followers.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Viy Cortez buntis muli.
  • Reaksyon ni Cong TV sa pagbubuntis ni Viy.

Team Payaman vlogger na si Viy Cortez buntis!

Viy Cortez buntis

Image from Viy Cortez Facebook account

Matapos ang pagpapakasal ng Team Payaman members na sina Pat Velasquez at Boss Keng nitong nakaraang linggo ay may may panibagong muling ipinagdidiwang ang kanilang grupo ngayon.

Ito ay ang pagbubuntis ni Viy Cortez, ang girlfriend ng lider ng Team Payaman na si Cong TV o Lincoln Velasquez sa totoo niyang pangalan.

Ang kaniyang pagbubuntis ay ibinahagi ni Viy sa kaniyang YouTube channel na pinamagatang “Plaswan”. Sa pagsisimula ng vlog ay nakasaad dito na ito ay nai-record noong November 27.

Una ngang maririnig dito ang pagsasalita ni Viy na tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Matapos ang ilang sandali ay ipinakita niya sa camera ang hawak niya.

Ito pala ay pregnancy test na may positive na resulta. Si Viy napapa-oh my god nalang at maluha-luha dahil sa pagkabigla sa kaniyang nakikita.

Kuwento ni Viy, ay nakadalawang pregnancy test na siya at parehong positive ang resulta. Pero nag-aalangan pa rin siya na baka ito ay false positive pa lang. Lalo pa’t kagagaling niya lang sa pagpapa-opera nitong nakaraang dalawang linggo para maalis ang gallstones niya.

“Nakadalawang PT ako, dalawang may linya pero naiiyak ako kasi natatakot ako kasi ‘di ba kakaaopera ko lang at negative ako nu’n.

Ano ‘yon, two weeks ago. So kung negative ako baka false positive rin ngayon, so naiiyak ako kasi baka umasa lang ako tapos hindi naman pala.”

Ito ang sabi ni Viy.

Dagdag niya pa ay mixed emotions siya sa nalaman. Dahil masaya siya sa nalaman at natatakot rin na baka tulad ng nauna niyang pagbubuntis ay mawala agad ito sa kanila ni Cong.

“Hindi ko alam, halo halo ‘yong emosyon ko. Naiiyak ako sa saya. Naiiyak ako kasi nalulungkot ako. Kasi paano kung mawala na naman or paano kung hindi pala talaga,”  sabi pa ni Viy.

Reaksyon ni Cong sa pagbubuntis ni Viy

viy cortez buntis

Image screenshot from YouTube video

Pero siyempre hindi pinalampas ni Viy na agad na ipaalam kay Cong ang kaniyang natuklasan.

Sa video ay makikitang noong una ay ayaw sanang magpa-istobo ni Cong sa paglalaro. Pero ng makita niya ang pregnancy test result na dala ni Viy ay nagbago ang itsura nito. Tulad ni Viy ay hindi ito makapaniwala at iniisip pa ngang pinagtritripan lang siya ni Viy.

“Totoo ba? Totoo? Baka kay Patpat ito, ha? Hindi umiiyak ka, e. Totoo? Matulog ka na doon, bawal kang gumalaw.”

Ito ang maluha-luha na sabi ni Cong kay Viy na napatayo at napasigaw sa kaniyang kinauupuan dahil sa nalaman. Sinabihan niya rin si Viy na agad ng magpacheck-up at kung maaari ay matulog lang at magpahinga para maging ligtas ang pagbubuntis nito. Dahil sigaw ni Cong gustong-gusto niya na daw na maging ama.

Pinakita rin sa vlog na nagpunta sa doktor at nagpacheckup si Viy. Doon nalaman na siya nga ay buntis at 6 weeks na sa kaniyang tiyan ang kanilang baby.

BASAHIN:

LOOK: Team Payaman vloggers Pat Velasquez at Boss Keng, ikinasal na

Vicki Belo ayaw maging spoiled si Scarlet—”Ayoko ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga”

LOOK: Sam Pinto at Anthony Semerad, ipinagdiwang ang 3rd month ni Baby Mia

Viy to Cong: “Sana kamukha mo. Sana kamukhang kamukha mo.”

Viy Cortez buntis

Image from Viy Cortez Facebook account

Nang makumpirma ngang buntis si Viy ay saka nila ibinalita sa iba pang members ng Team Payaman ang magandang balita. At tulad ng kanilang reaksyon, ang mga ito ay tuwang-tuwa rin.

Ang bagong kasal na sila Boss Keng at Pat ay napayakap kanila Cong at Viy. Si Pat ay naiyak dahil alam niyang matagal ng hinihiling ng kaniyang kuya na magkaanak na.

“Sana ito na ‘yon! Ito na ‘yon!”

Ito ang masayang sigaw ni Cong TV. Dagdag pa niya, paglabas ng kanilang baby ay siya ang mag-aalaga dito kahit maghapon pa at magdamag.

“Sana! Sana talaga! Kahit umiyak siya maghapon, magdamag babatayan ko siya.”

Ito ang masayang sabi pa ni Cong na nagmumuwestra pa kung paano maghele ng bata.

Sa huli ay makikitang bumisita rin sina Cong at Viy sa kanilang pamilya para ipaalam ang magandang balita. Doon ibinahagi ni Viy na sa July 24 next year ang due date niya sa panganganak. May isa rin siyang hiling at paulit-ulit na sinasabi kay Cong. Ito ay sana maging kamukha ng kasintahan ang magiging anak nila.

Source:

Viy Cortez YouTube Channel

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Vloggers Cong TV at Viy Cortez, magkaka-baby na!
Share:
  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko