World Health Organization (WHO) inanunsyo ang update sa kahulugan ng burnout sa bagong bersyon nito ng International Classification of Diseases. Ang bagong kahulugan nga ay tinawag na isang “syndrome” at may kinalaman di-umano ito sa burnout o ang pakiramdam na walang gana magtrabaho ng isang tao.
Ano nga ba ang burnout?
Sa lumang bersyon ng disease handbook ng WHO, ang burnout dinefine bilang isang simpleng pagkapagod lamang ng isang tao. Ngunit ngayon, sa bagong bersyon, mas detalyado raw ang kahulugan nito. At ang mga taong nakakaramdam nga ng burnout ay mas nakikitaan na bilang isang malubhang isyu ang kanilang dinaramdam.
Ayon sa WHO, hindi naman daw isang medical na kondisyon ang burnout. Ito ay isang “occupational phenomenon” at maaaring magkaroon ito ng impluwensiya sa health status ng isang tao.
Ang sintomas ng burnout ay ang sumusunod:
- walang gana magtrabaho
- walang energy o matinding pagkapagod sa trabaho
- walang focus sa ginagawa
- hindi nagagawa ang trabaho nang tama
- negatibo ang pakiramdam kapag nasa trabaho
Nagkakaroon daw ng pakiramdam ng pagka-burnout ang isang tao kapag hindi na-manage nang maayos ang stress sa trabaho.
Ang burnout ay iba sa depresyon
Ang burnout di-umano ay ibang-iba sa depresyon sapagkat ang burnout ay nakakabit na sa trabaho at relasyon ng isang tao sa trabaho nito.
Dapat nga raw na maintindihan ang kaibahan ng dalawa upang magkaroon ng mas karagdagan pa na pagsasaliksik ukol dito—kung paano ito maiiwasan at kung paano ito masosolusyunan.
Ang bagong kahulugan nga ng burnout ay maaari ring makatulong sa mga mental health na doktor upang ma-diagnose ito—ang pagkabalisa ng tao, ang mood nito, at iba pang mga stress-related na disorder.
Dahil nga sa bagong kahulugan, maaari ring magkaroon ng malawakang diskusyon ukol dito ang mga tao at kung paano nga ba makikilala ang naturang kondisyon. Itong bagong kahulugan nga ay maaari rin di-umanong magkalat ng kamalayan sa mga tao, lalo na sa mga nagta-trabaho.
Inanunsyo rin ng WHO ang mga plano nila upang magkaroon ng mas marami pang ebidensya sa mental well-being ng isang tao sa kanilang mga trabaho.
Source: NPR
Photo by Hutomo Abrianto on Unsplash
Basahin: Lunod ka na ba sa parenting stress? Ito ang iyong dapat gawin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!