X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

11-taong gulang na bata, nalunod habang lumalangoy sa Manila Bay

6 Feb, 2019
11-taong gulang na bata, nalunod habang lumalangoy sa Manila Bay

Kasama raw ng 11-taong gulang na batang babaeng nalunod sa Manila Bay ang kaniyang mga kaklase nang mangyari ang aksidente.

Kamakailan lang ay naibalita na nilinis na ng ating gobyerno ang tambak-tambak na basura sa Manila Bay. Mabilis na nag-viral ang balita, at ilang araw lang ay dinadagsa na ng mga tao ang Manila Bay. At kahit na mahigpit na ipinagbabawal ang paglangoy dito, mayroon pa ring ilang mga mamamayan na lumalangoy sa dagat. Kabilang na rito ang isang 11-taong gulang na batang babae, na nalunod at muntik nang mamatay habang lumalangoy.

Batang babae, nalunod sa Manila Bay

Ayon sa ina ng batang si Rhianne Janiel Soriano, isang grade-6 student, nag-aya raw ang mga kaibigan ng kaniyang anak na lumangoy sa bagong linis na Manila Bay. Hinayaan lang ng ina ang kaniyang anak na lumakad ang mga kabarkada, ngunit hindi niya lubos akalain ang sakunang mangyayari sa anak.

Mga bandang alas-singko raw ng hapon ay lumalangoy ang mga magkakaibigan sa dagat. Ngunit sa kasamaang palad, nalunod daw si Rhianne at nakalunok ng maraming tubig-dagat. Sa kabutihang palad, agad namang nai-rescue ang bata ng tauhan ng MMDA. Ngunit nang mailabas raw ito sa dagat ay nagsimula raw itong magsuka, at nanigas ang kaniyang katawan. Ang mga tauhan rin ng MMDA ang nagdala ng bata sa ospital.

Bagama’t nailigtas ang bata, naka-confine pa rin ito sa ICU at inoobserbahan ang kaniyang kalagayan. Umaasa naman ang kaniyang ina na gagaling si Rhianne, at sana raw ay may tumulong sa kanila ukol sa pagpapagamot ng kaniyang anak.

Hindi pa rin ligtas lumangoy sa Manila Bay

Bukod sa posibilidad ng pagkalunod, maraming panganib ang kinakaharap ng mga taong lumalangoy sa Manila Bay. Ito ay dahil bagama’t nilinis na ang dalampasigan, madumi pa rin ang tubig na nasa Manila Bay.

Mataas ang levels nito ng coliform at iba pang mga bacteria na puwedeng maging sanhi ng sakit sa tao. Puwede itong magdulot ng iba’t-ibang mga impeksyon at sakit sa balat, pati na rin ang pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagtatae.

Kaya nga hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Maynila na huwag lumangoy ang mga tao sa Manila Bay. Nagpaplano na silang maglagay ng harang at mga babala upang umiwas ang mga tao sa paglangoy dito.

Paano makakaiwas sa pagkalunod

Kapag nagbabakasyon ang mga pamilya, normal na ang pumupunta sa beach o kaya sa swimming pool. Bagama’t masaya ang lumangoy at magtampisaw sa tubig, mahalaga pa rin na mag-ingat ang mga bata upang hindi sila malunod habang lumalangoy.

Kahit nga ang mga taong marunong lumangoy ay posible pa ring malunod, kaya importante ang pag-iingat. Heto ang ilang mga tips para maging safe habang lumalangoy.

  • Huwag lumangoy sa malalim, o kaya sa mga lugar kung saan kakaunti lamang ang mga tao
  • Magsuot ng salbabida o kaya floaters kapag hindi sanay lumangoy
  • Wag masyadong lumangoy sa malayo, dahil kung ikaw ay malunod, mahirap ang magiging pag-rescue
  • Turuan ang mga bata na sa dalampasigan lang maglaro, at umiwas na pumunta sa malalalim na bahagi ng dagat
  • Bago lumangoy, alamin muna kung gaano kalalim ang dagat o pool upang masiguradong ligtas lumangoy dito
  • Hangga’t-maaari lumangoy lamang sa mga lugar kung saan mayroong lifeguard na puwedeng magligtas sa mga nalulunod

 

Source: Radyo Inquirer

Basahin: 14-buwang gulang na sanggol, nalunod sa timba

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • News
  • /
  • 11-taong gulang na bata, nalunod habang lumalangoy sa Manila Bay
Share:
  • Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

    Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

    Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko