X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Alice Dixson: “Babae po ang anak ko. Her name is Aura.”

5 min read

Alice Dixson baby girl ipinakilala na ng aktres sa publiko!

Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:

  • Experience ng aktres na si Alice Dixson bilang isang first-time mom.
  • Pagbabago sa buhay ng aktres nang dumating na ang kaniyang baby.

Alice Dixson baby girl ipinakilala na ng aktres sa publiko

Nitong Sabado, May 8, ay ipinakilala na ng aktres na si Alice Dixson ang baby girl niyang nagngangalang Aura. Ito ay kaniyang ginawa ng siya ay mag-guest sa noon time show na Eat Bulaga bilang isa sa mga first-time mom na nag-cecelebrate ng kanilang unang Mother’s day.

Habang ini-interview ng mga Eat bulaga host na sina Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo ay ito ang rebelasyon ng aktres. Pahayag ni Alice,

“Babae po ang anak ko. Her name is Aura.”

Kitang-kita sa mukha ng aktres ang saya sa pagiging ganap ng isang ina. Sa katunayan, nasabi pa ng aktres na sana ay noon pa siya nag-desisyon na subukan ang surrogacy para magkaanak. Dahil sa edad na 51-anyos ay hindi niya inakala na very amazing experience pala ang pagiging isang ina.

“It’s an amazing experience. I wish that I knew about it earlier. and I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier. Pero ito na siya dumating na siya this year when I just turned 51. I’m gonna be turning 52 this coming July.”

Alice Dixson: Babae po ang anak ko. Her name is Aura.

Image screenshot from Alice Dixson’s Instagram account

Pakiramdam at experience ni Alice Dixson bilang isang first-time mom

Pagsasalarawan ng aktres, sa ngayon ay mixed emotions ang nararamdaman niya. Dahil very happy man daw siya sa pagdating ng anak, nangangamba naman siya sa health at safety nito dahil sa nararanasang pandemya.

Pahayag pa ng aktres,

“It was a feeling of halo-halong emotions of being a sigh of relief, nerbyos na am I gonna be a good mom, happiness, merong ding kaunting fears kasi siyempre there’s a lot of negative things going on in the world right now.”

alice dixson baby

Image screenshot from Alice Dixson’s Instagram account

Isang wish come true ang pagiging isang ina ayon kay Alice Dixson

Matatandaang nitong April 2 ipinaalam ni Alice na siya ay magiging isang ina na. Ito ay sa pamamagitan ng isang Instagram post na kung saan makikita siyang may hawak hawak na papel na may foot print ng isang baby. Ayon sa aktres, isa ito sa hinihiling niya taon-taon para sa kaniyang birthday.

Base sa caption ng naturang post ni Alice Dixson ay narito ang mga sinabi niya.

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle… For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles 🎂 So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true 🥰 Our newest little family member has arrived ❤️”

 
View this post on Instagram
  A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

BASAHIN:

LIST: Top 12 comfortable at affordable baru-baruan para kay baby

Para sa mga first-time parent na may pangamba, hindi kayo nag-iisa

STUDY: First-time moms, hindi natatapos ang pagpupuyat hanggang mag-6 years old si baby

Alice Dixson baby girl ipinagbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Ayon kay Alice, ang kaniyang anak ay ipinagbuntis at ipinganak ng isang surrogate mother mula sa USA. Kaya naman personal siyang lumipad doon para hintayin ang panganganak nito sa kaniyang Baby Aura.

Taong 2019 ng unang aminin ng aktres na siya at kaniyang partner ay nasa proseso ng surrogacy para sila ay magkaanak. Ito ay matapos siyang sumubok ng maraming beses para magbuntis. Nito nga lang taon, ilang buwan bago ang 52nd na kaarawan ng aktres ay nabigyan na ito ng katuparan.

Pagbabahagi ng aktres, habang siya ay nasa Amerika ay mas nabigyan siya ng chance na kilalanin at mapalapit sa baby niya. Sapagkat kasi noong lockdown at hindi makalabas ang family niya ay solo niyang inaalagaan ang anak niya.

Alice Dixson enjoy sa pagiging first-time mommy

alice dixson baby

Image screenshot from Alice Dixson’s Instagram account

Hanggang ngayon, ayon parin sa aktres ay puyat parin siya pero hindi siya nagrereklamo at sa halip ay ini-enjoy pa ito. Pagkukuwento niya,

“When I was abroad, dahil nga sa lockdown at tsaka ‘ypng travel restrictions, hindi ko nakasama ang pamilya ko nung nanganak ang surrogate ko. So, dahil hindi pa sila vaccinated hindi pa sila maka-travel. Paglabas ng baby sa hospital ako na ang lahat.”

“Ako ‘yong nag-asikaso ng passport niya, ako ‘yong nag-asikaso ng visa niya, ako ‘yong nag-asikaso ng pagpapakain sa kaniya.”

“Kumbaga I didn’t have a driver, a maid, a nanny, anything. It was all me for the first and a half so, ang hirap. Hanggang ngayon puyat ako but I’m not complaining. I’m really enjoying every moment.” “Hindi naman ako nag-panic na ako lang mag-asikaso mag-isa ng baby ko. In fact, I embraced ‘yung experience dahil para makilala ko nang mabuti ang aking anak at para magkaroon din kami ng bonding time.”

Hanggang ngayon ay pinapanatili paring pribado ng aktres ang identity ng kaniyang long-time partner. Ngunit sa isa niyang interview ay sinabi nitong matapos ang ilang taon ay hindi ito sumuko na magkaanak sila na sa ngayon ay naisakatuparan na.

Source:

Inquirer, ABS-CBN News

 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Alice Dixson: “Babae po ang anak ko. Her name is Aura.”
Share:
  • Neri Naig, preggy na sa uli sa baby nila ni Chito!

    Neri Naig, preggy na sa uli sa baby nila ni Chito!

  • Ano ang gestational surrogacy? Ang lahat ng dapat mong malaman

    Ano ang gestational surrogacy? Ang lahat ng dapat mong malaman

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Neri Naig, preggy na sa uli sa baby nila ni Chito!

    Neri Naig, preggy na sa uli sa baby nila ni Chito!

  • Ano ang gestational surrogacy? Ang lahat ng dapat mong malaman

    Ano ang gestational surrogacy? Ang lahat ng dapat mong malaman

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.