Kulang sa tulog o sleep deprived ang halos lahat ng mga nanay sa unang araw pa lang na ipinanganak si baby. Inaasahan na itong mangyari ng mga first time mom dahil sa halos buong araw na breastfeeding at paghele sa baby tuwing umiiyak.
Ang hindi nila inaasahan ay kung kailan ba darating ang panahon na hindi na sila kukulangin ng tulog dahil sa kanilang baby. Iniisip ng ilan na matatapos ito pagkatapos ng isa o tatlong taon ngunit para sa isang grupo ng mga researchers, tatagal pa ito hanggang anim na taon.
Kulang sa tulog ang mga mommy sa loob ng anim na taon
Lumabas sa pag-aaral na ginawa ng mga researchers sa University of Warwick na mas puyat at kulang sa tulog ang mga mommy kumpara sa mga daddy.
Ang mga first time moms ay may 22 minutong kulang sa tulog gabi-gabi, kahit hindi pa nagsisimulang mag-aral ang mga anak sa eskuwela. Samantalang ang mga daddy naman ay may 14 minutong kulang sa tulog.
Kahit hindi na umano gumigising at nang-iistorbo sa gabi ang mga bata ay hindi pa rin agad nakakatulog ang mga mommy dahil sa dami ng iniisip at ikinababahala.
Ang mga mommy kasi ang mas madalas na gumagawa ng mga gawain sa bahay at punong-abala sa pag-aalaga ng mga bata kaya madalas silang pagod at puyat sa gabi.
“While having children is a major source of joy for most parents, it can also bring worries, stress and strains which make it harder to sleep at night,” sabi ni Dr. Sakari Lemola, isa sa mga researchers sa unibersidad.
Hindi umano inasahan ng mga researcher na aabutin ng anim na taon ang mga mommy bago tuluyang makabawi sa mga oras na kulang sila sa tulog.
“We did not expect to see people sleeping less even when their children were six years old. Of course there are childcare demands, and children can become unwell at night.”
“However, it is also likely that there are long-term effects of having children related to increased responsibilities as a parent,” dagdag ni Dr. Lemola.
Paano nagiging kulang sa tulog ang mga mommies?
Nag-survey ang mga researchers ng 2,541 mommies at 2,119 daddies na may mga anak na ipinanganak ng pagitan ng taong 2008 hanggang 2015. Inalam nila ang sleeping patterns ng mga ito at narito ang naging resulta ng kanilang pag-aaral.
- 62 minutong kulang sa tulog gabi-gabi ang mga mommies sa unang tatlong buwan ni baby kumpara noong nagdadalantao pa lang sila. Ito kasi ang peak ng pagiging iyakin ng mga sanggol kaya tinaguriang “worst period” ang unang tatlong buwan.
(Ang mga daddies naman ay 13 minutong kulang sa tulog gabi-gabi sa unang tatlong buwan ni baby.)
- 14 minuto ang nawawala sa tulog ng mga mommies kapag nagpapasuso sa gabi.
- Sa loob ng apat hanggang anim na taon ng unang anak, 41 minuto ang nawawala sa tulog ng mga mommies gabi-gabi habang ang mga daddies naman ay 14 minuto lang.
Lumabas din sa resulta ng pag-aaral na mas marami ang nawawalang minuto sa tulog ng mga working moms kumpara sa mga working dads.
“In our society it is still true that women are more often the primary caregivers. It is more often the mother who goes to look after the child when they are crying, who makes more sacrifices,” sabi ni Dr. Lemola.
“Of course there are couples where it is the other way round, but the reality is that they are still in the minority, and this may explain why women lose out on more sleep.” dagdag niya.
Source: Daily Mail, CBS
Images: Shutterstock
BASAHIN: Mas mahihirapan daw mabuntis ang mga nagpupuyat, ayon sa isang pag-aaral
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!