Alwyn Uytingco at Jennica Garcia nag-celebrate ng anniversary... sa Divisoria!

lead image

Hindi man sa pamamagitan ng isang handaan ngunit magkasama paring isinelebrate ng mag-asawang celebrity na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia ang kanilang 9th wedding anniversary.

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia magkasamang sinelebrate ang kanilang 9th wedding anniversary… sa Divisoria!

Alwyn Uytingco and Jennica Garcia

Image screenshot from Alwyn Uytingco’s Instagram account

Hindi ito gimik ng mag-asawa o eksena sa isang TV show o pelikula ngunit mas pinili nilang unahin ang mga dapat nilang gawin para sa kanilang munting negosyo kesa magkaroon ng special celebration sa kanilang wedding anniversary. At ito nga ay ang mamili sa Divisoria na espesyal pa rin dahil sila ay magkasama.

Ang tagpong ito sa kanilang anniversary ay ibinahagi ni Jennica Garcia sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Sa naturang post ay makikita ang larawan nila Alwyn Uytingco at Jennica Garcia na nasa loob ng isang tricycle na papunta di umano sa Divisoria.

Sa caption ng post na ito ni Jennica ay kaniyang ibinahagi ang short but sweet message niya para sa asawa. Nabanggit niya rin na ang nakaraang taon ang naging pinakamahirap daw na parte ng kanilang marriage ngunit nalampasan nila ito at naging daan para mas mahalin pa ang isa’t-isa.

jennicauytingco

Today marks our 9th Anniversary. We celebrated it at Divisoria! Hahahaha! 😂 May mga kulang kasi para sa munti naming plant shop na @duwendeinapot. Sa unang litraro nakapag sweety sweety pa sa Tricycle dahil wala pang mga bitbit na pinamili pero ito ngayong pauwi na kami sa mga anak namin hindi na kami magkasya sa Tricycle hahaha! 😂 Marami-rami rin ang tao sa LRT pero ayos lang ang importante ay makakauwi kami bago mag 6PM dahil papatulugin at papaliguan pa ang mga bata. An Anniversary spent ANYWHERE is fine with me as long as I spend it with you. Last year was the hardest on our marriage. It was our toughest so far but our never changing God did not fail us and remained faithful. We surpassed the hardships, tears and the wounds of 2018 and come 2019, we loved each other more than we ever did. My heart’s desire is for you to know and feel that you are valued and loved in our home. Mahal kita Alwyn. Mas mahal pa kita ngayon kaysa noon. Happy Anniversary sa atin. 🌹🌵

View this post on Instagram
 
A post shared by Kalinga Ni Nanay (@jennicauytingco) on

Dahil nga sa very humble move na ito ng mag-asawang celebrities ay maraming netizens ang natuwa at nagpaabot ng kanilang sweetest congratulations para sa siyam na taong masasayang pagsasama nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia bilang mag-asawa.

masambalmarj

happy anniversary❤️you’re such an inspiration😍😍a very humble couple🙏godbless @jennicauytingco

annmazinggg

Grabe napaka simple nyo talaga. Stay inlove! More years to come. 💕😍

tribdumagan

When I see this couple’s picture all the time, it radiates positivity of life

cochienaart

❤️if youre happy it emanates, no fancy restos nor travels, enjoy each others company, true love at its finest, no pretentions, just pure love❤️❤️❤️

jencalasara

@jennicauytingco Nakaka inspired ka po talaga bilang mommy and wife😍 nakaktuwa kaung dalawa walang ka arte2.Sana tularan kau ng maraming mag asawa..💙

itspatmartinez

Nakakaiyak! Happy anniv, guuuuys mahal ko kayoooo 🖤🖤🖤

Hindi rin naman nagpatalo ng kasweetan si Alwyn Uytingco at nagpost rin sa Instagram ng isang lumang litrato nila ni Jennica Garcia na may kalakip na mensahe niya para dito na nagsasabing..

alwynzky

“Nueve” // 2019 – 9 taon bilang magkasintahan, 5 taon bilang mag-asawa. Ang dami ng dumaan na pagsubok, ang dami ng nangyari. Pero nandito pa rin tayo. At gusto ko lang magpasalamat SAYO. Hindi ito magiging posible kung hindi dahil SAYO. IKAW na kumakapit pa rin sa kamay ko kahit na marumi at hindi perpekto. IKAW na yumayakap sakin kahit na walang ako sa hulog at minsan ay barumbado. IKAW na nagsasabi at nagpapaalala sakin na ang pagmamahal ay hindi isang emosyon lang, kundi isang regalo na binibigay araw-araw kahit na walang okasyon, basta para sa isang espesyal na tao. Salamat, Mahal. Sa mga bagay na tinuro mo sakin at patuloy mong paggabay sakin at sa pamilya natin. Totoong ilaw ka ng tahanan natin, dahil kundi sayo baka nasa dilim na ang buhay ko. Hindi na mahalaga kung lumubog man tayo sa lupa o umangat sa kalangitan, basta alam ko na hindi mo ako bibitawan. Mahal na mahal kita at hindi ka nila kayang tumbasan. Happy Anniversary, Mahal! @jennicauytingco

A post shared by Alwyn S. Uytingco (@alwynzky) on

Alwyn Uytingco and Jennica Garcia’s marriage

Si Alwyn at Jennica ay ikinasal sa pamamagitan ng isang secret wedding noong February 2014. Inanunsiyo lamang nila ito sa publiko ng Oktubre ng parehong taon para matigil na ang mga nagtatanong kung kailan sila ikakasal.

Hindi daw naman nila intesyon na itago ang kanilang naging kasal ngunit mas pinili lang nilang maging intimate ito kasama ang ilang mga malalapit na kaibigan at pamilya.

Sa ngayon ay may dalawang anak na sina Alwyn at Jennica.

Ang panganay ay pinangalanan nilang si Athena Mori na ngayon ay 3 years old na. At ang bunso naman ay si Alessi na isinilang ni Jennica nito lamang Hunyo ng nakaraang taon.

Alwyn Uytingco anf Jennica Garcia family

Image screenshot from Alwyn Uytingco’s Instagram account

Simple at tahimik ang pamumuhay ng mag-asawa habang magkatulong na pinapaikot ang kanilang negosyo na isang plant shop.

Sources: Inquirer, PEP.ph, Inquirer

Basahin: Alwyn Uytingco fondly describes wife Jennica Garcia: “Adik yan sa pagiging nanay”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner