Kayo ba ang sinusubukan nang magkaroon ng baby at mayroon natural family planning? Isa sa mga maaaring niyong gamitin na paraan ay ang pagtingin sa iyong Basal Body Temparature. Isa ito sa mga maaaring makapagsabi patungkol sa iyong menstrual cycle at ovulation, pati na ang mga sintomas ng pagbubuntis. Alamin kung ano ang paraan at benepisyo basal body temperature tracking.
Ano ang Basal Body Temperature (BBT)?
Ang Basal Body Temperature ay ang pinakamababang resting tempature ng katawan, kadalasan kapag umaga mga pagkatapos ng tatlo hangang apat na oras ng pagtulog ito malalaman. Ito’y nagbibigay ng mahahalagang kaalaman tungkol sa iyong menstrual cycle, lalo na pagdating sa pag-track ng ovulation at fertility.
Isa sa mga rason kung bakit nakakatulong ang Basal Body Temparature o BBT ay dahil nangyayari ito sa kabuuan ng menstrual cycle ng babae.
Bago ang ovulation, ang pangunahing hormone na tinataglay ng babae ay estrogen. Mayroon itong cooling effect sa katawan. Pagkatapos naman ng ovulation, ang pangunahin o dominant hormone naman ay ang progesterone na nagdudulot ng pagtaas ng BBT.
Ang shift o pagbabago ng temparature ay makakatulong para matukoy mo ang iyong fertile window at makakapagbigay sa ‘yo ng ideya kung kailan dapat makipagtalik, dahil mas mataas ang tiyansa na makabuo ng baby kapag nasa fertile window ang babae.
Samantala para sa mga ayaw pang magkaanak, makakatulong din ito dahil malalaman mo ang mga araw na dapat iwasan ang pagtatalik upang hindi mabuntis. Isang paraan ng natural family planning.
Ano ang mga pamamaraan para ma-track ang Basal Body Temparature o BBT?
Simple lamang ang proseso sa pag-track ng iyong BBT, narito ang ilang mahahalagang steps na kailangang tandaan:
1. Bumili ng Basal Body Thermometer
Una sa lahat, kailangan mong magkaroon ng thermometer. May mga special na thermometer na ginagamit para sa pagsusuri ng BBT na makikita sa merkado.
Ito’y mas maaasahan at sensitibo kaysa sa karaniwang thermometer na mayroon tayo na nagpapahintulot na mai-record ang munting pagbabago ng temperatura. Pero maaari rin ang karaniwang digital thermometer.
2. Ihanda ang iyong mga kailangan sa iyong tabi o bedside
Siguruhing mayroon kang thermometer, papel, ballpen o lapis, smartphone kapag nagre-record ka ng iyong temperature. Kailangan mo ang mga gamit o supply na ito malapit sa iyo bago ka matulog.
3. Suriin ang iyong temperatura ng regular at consistent
Upang makuha ang tamang resulta, mahalaga na sukatin ang iyong temperatura nang parehong oras tuwing umaga (plus o minus kalahating oras), bago ka gumawa ng anumang pisikal na gawain, at ideally kuhain ang iyong temperatura pagkatapos ng 4 na oras na pagtulog.
Iwasan ang pag-upo, pagtayo, paglalakad, o pagpunta sa banyo bago gawin ito. Dapat ikaw ay nasa kama. Ang consistency ang susi para sa tamang resulta.
4. Gamitin ang same method na iyong ginagawa
Upang tiyakin ang tamang resulta, maaari mong kuhanin ang iyong temperatura sa bibig o sa puwerta. Alinman sa dalawang paraan ang pipiliin mo, ay mag-stick ka sa ganung paraan sa buo mong cycle.
5. I-record ang iyong temperatura
Ugaliing i-maintain ang pagtatala ng iyong temparature gamit ang isang chart o smartphone app para maitala ito. Ang pag-track sa iyong BBT sa iyong menstrual cycle ay makakapagbigay sa iyo ng mas mabuting pang-unawa sa iyong unique pattern ng menstrual cycle.
6. Obeserbahan ang iyong pattern.
Maghanap ng mga pagbabago at pattern sa iyong BBT. Ang pangunahing tanda ay ang malinaw na pagtaas ng temperatura na nagtatagal ng maraming araw. Ito ay nangangahulugang malamang na ikaw ay nag-ovulate.
Larawan mula sa iStock
Ano ang paraan para ma-check ang iyong ovulation sa pamamagitan ng Basal Body Temperature?
Ang pagsusuri ng iyong BBT para sa ovulation ay maaaring maging mahalagang kasangkapan kapag sinusubukan mong magkaanak o iwasan ang pagbubuntis. Upang matukoy kung ikaw ay nag-o-ovulate gamit ang BBT maaaring sundan ang mga hakbang na ito:
-
Tukuyin ang iyong base line:
Bago ang ovulation, karaniwan nang mas mababa ang iyong BBT, karaniwang nasa pagitan ng 97.0°F (36.1°C) at 97.5°F (36.4°C). Isulat itong baseline para sa ilang cycle upang matukoy ang iyong normal na saklaw ng temperatura.
-
Magmasid sa pag-angat ng iyong temperatura
Pagkatapos ng ovulation, magkakaroon ng malinaw at mahabang pagtaas ng temperatura ng mga 0.4°F (0.2°C) o higit pa. Ang pagbabagong ito sa temperatura ay nangangahulugang ikaw ay nag-ovulate.
Pinaka-fertile ang isang babae kapag ang kaniyang temperatura ay pataas. Para ma-maximize ang tiyansa ng pagbubuntis ay kapag nasa window na ito ay mainam na makipagtalik. Sa kabilang banda, kung ayaw naman mabuntis pa ay umiwas sa pakikipagtalik sa panahong ito.
-
Kumpirmasyon ng ovulation
Ang kumpirmado ang ovulation pagkatapos ng tatlong sunod-sunod na araw ng mas mataas na temperatura.
Tandaan na bagamat ito ay general guide, maaaring mag-iba ang cycle ng bawat babae. Ang pagsusuri ng iyong BBT nang regular sa loob ng ilang buwan ay magbibigay ng mas accurate prediction ng iyong fertile window.
Ano ang Basal Body Temperature para sa implantation?
Ang implantasyon, ang proseso kung saan ang nabuong itlog ay kumakapit sa lining ng matris, maaaring magdulot ng pansamantalang pagbaba ng BBT, kilala bilang “implantation dip.”
Ang pag-ibabang ito ay nagaganap mga 7 hanggang 10 araw matapos ang ovulation. Karaniwan, biglang baba ang temperatura, na maaaring tumagal ng isang araw at kadalasan din itong sinusundan ng biglang pagtaas ng BBT.
Ang eksaktong temperatura para sa implantasyon ay nagkakaiba-iba sa bawat babae, subalit karaniwan itong nasa 97.6°F (36.4°C) hanggang 97.8°F (36.6°C). Gayunpaman, ang pag-ibabang ito ay hindi tiyak na palatandaan ng pagbubuntis, at maraming babae ang hindi ito nararanasan. Ito lamang ay isa sa mga posibleng senyales na dapat isaalang-alang kasama ang iba pang mga senyales at sintomas.
Ano ang Ipinapahiwatig ng Basal Body Temperature sa pagbubuntis?
Ang pinakakaraniwang gamit ng pag-track sa BBT ay para sa malaman kung kailan ang ovulation at pag-alam ng iyong fertile window. Gayunpaman, ang BBT ay maaari ring magbigay ng mga senyales tungkol sa pagbubuntis. Kapag nangyari na ang conception, tumaas ang level ng progesterone sa katawan, na nagiging sanhi ng patuloy na pagtaas ng BBT. Ang elevated temperatura na ito ay kadalasang itinuturing na sintomas o senyales ng pagbubuntis.
Upang kumpirmahin ang pagbubuntis sa pamamagitan ng BBT, hanapin ang mga sumusunod:
- Mataas na temperatura: Kung ang iyong BBT nanatiling mataas ng hindi bababa sa 18 araw matapos ang ovulation, ito ay maaaring indikasyon na nang pagbubuntis.
- Triphasic pattern: May mga babae na nakakaranas ng pangalawang mataas na temperatura o mas mataas pa na pagtaas ng temperatura mga isang linggo matapos ang kanilang ovulation. Ito ay kilala bilang “triphasic” pattern at madalas itong kaugnay sa pagbubuntis.
- Implantation Dip: Mga 7 hanggang 10 araw matapos ang ovulation, may mga babae na nakakaranas ng bahagyang pagbaba ng kanilang BBT. Ito ay maaaring dulot ng implantation ng nabuong itlog sa lining ng matris.
Gayunpaman, mahalaga na tandaan na ang BBT lamang ay hindi isang tiyak na pagsusuri para sa pagbubuntis. Ito ay maaaring magbigay ng mahalagang kaalaman, mainam pa rin na gumamit ng pregnancy test para makumpirma ang pagbubuntis o kaya naman magpatingin sa doktor.
Ano ang normal Basal Body Temperature sa early pregnancy?
Kung tingin mo ay ikaw ay buntis at ang iyong BBT ay mataas, maaaring mapatanong ka kung ano ang normal na temperatura ng BBT kapag nasa early pregnancy stage ka. Bagaman may mga pagkakaiba-iba sa bawat kababaihan, ang karaniwang BBT sa stage ng early pregnancy ay kadalasang nasa pagitan ng 97.0°F (36.1°C) at 98.2°F (36.8°C).
Tandaan na amg mga values na ito ay palagay lang lamang, mahalaga na ikumpara ang iyong kasalukuyang BBT sa iyong baseline temperature. Maaring magkaiba ang BBT baseline ng bawat babae. Kaya ang pangunahing indikasyon ay ang patuloy na pag-angat ng iyong temperatura mula sa iyong personal na normal na temperatura.
Ano ang basal body temperature? | Larawan mula sa iStock
Ang Basal Body Temperature ba ay laging accurate o wasto para malaman ang pagbubuntis?
Ang BBT tracking ay isang mahalagang tool o instrumento sa pag-track ng fertilitiy ng babae at pagububuntis. Pero dapat maintindihan ang mga limitasyon nito. Ang Basal Body Temperature ay hindi laging solidiong paraan para ma-predict ang pagbubuntis. May ilang mga salik ang maaaring makaapekto sa accuracy nito. Ito ay ang mga sumusunod:
- Inconsistencies: Ilan sa mga salik na ito ang makakaapekto sa accurate na predictions ng pagbubuntis, ang hindi sapat na pagtulog, pagkakasakit, pag-inom ng alak, at stress.
- Mga non-pregnancy na dahilan: Ang iba pang medical condition kagaya ng thyroid issues o hormonal imbalances ay maaaring magdulot ng pagbabago sa BBT. Kaya naman hindi reliable ang BBT para ma-predict o masabing buntis ang isang babae.
- Maagang pag-detect: Ang BBT ay maaaring hindi makapagbigay nang maaasahan na kumpirmasyon ng maagang pagbubuntis. Sa kabilang banda, ang mga pregnancy test ay nakadesenyo talaga para ma-detect ang mga hormones na pino-produce ng katawan habang buntis at mas accurate pa ito para malaman kung ikaw ay buntis.
- Pagkakaiba-iba ng mga babae: Hindi lahat ng babae ay nakakaranas ng parehong pattern ng BBT, at para sa ilan hindi naman kapansin-pansin ang pagbabago ng kanilang temperatura kahit na sila’y buntis na.
Ibang pang senyales ng ovulation
Medyo tricky malaman kung ikaw ay nag-o-ovulate pero kadalasan naman ay nagbibigay ng clue ang ating katawan. Bukod sa pag-track sa iyong BBT para sa ovulation, ito ang ilan pang mga senyales para ma-track ito. Ito ay ang mga sumusunod:
- Discharge: Ang discharge na lumalabas sa pwerta ay maaari ring palatandaan kung ikaw ay nag-o-ovulation. Maaaring maging thick/makapal at sticky to clear at slippery ang discharge kapag ikaw ay nasa ovulation satage.
- Mittelschmerz (Ovulation Pain): Ilan sa kababaihan ay nakakaranas ng mild, pananakit ng tiyan sa isang bahagi at tinatawag itong Mittelschmerz habang nasa ovulation stage.
- Pagtaaas ng libido: Maaari ring mapansin ang pagtaas ng iyong libido o sex drive kapag nasa fertile window ka.
- Breast tenderness: Ang pagbabago ng hormones ay maaari magdulot ng breast tenderness kapag ovulation.
- Ovulation predictor kits (OPKs): Ang at-home tests na ito ay maaaring ma-detect ang luteinizing horomone (LH) na nagti-trigger ng ovulation na magbibigay ng precise na prediction sa iyong fertile days.
Iba pang uri ng family planning na maaaring subukan
Habang ang BBT tracking ay isang magandang uri ng natural family planning, hindi lamang ito ang natural family planning na maaari mong subukan. Ito pa ang ilang mga paraan na maaari niyong subukan:
-
Pag-monitor ng cervical mucus discharge:
Katulad ng BBT, ang cervical mucus ay makakatulong din para malaman kung kailan ang iyong fertile days. Obserbahang mabuti ang quality at quantity ng iyong cervical mucus ay isang valuable na natural method.
Ito ay nagsasama BBT tracking at cervical mucus observation para sa isang mas komprehensibong paraan sa family planning.
-
Calendar or rhythm method
Ang paraang ito ay may kinalaman sa pagsusuri ng iyong menstrual cycle sa maraming buwan upang ma-predict ang iyong fertile days. Hindi gaanong tiyak o tama pamamaraan nito kaysa sa BBT o cervical mucus methods pero maaari pa rin itong makatulong sa mga babaeng mayroong regular na buwanang dalaw.
Ang isang variation ng calendar method na ito ay bagay sa mga babaeng mag menstrual cycle ng 26 and 32 days at iniiwasan ang unprotected sex.
-
Lactational amenorrhea method (LAM):
Para naman sa mga breastfeeding moms, ang LAM ay naka-rely sa contraceptive effect ng mga nagpapadedeng ina, kaya naman pinapatigil nito ang ovulation ng ilang period after manganak.
Habang ang BBT tracking ay makakapagbigay ng valuable insights sa menstrual cycle, ovulation, at pagbubuntis, , ito ay dapat gamitin kasama ang iba’t ibang mga paraan at hindi dapat pagkatiwalaan bilang pangunahing indikasyon ng ovulation. Kung mayroon tingin mo ay buntis ka talaga kumonsulta agad sa doktor o gumamit ng pregnancy test.
Ang mahalaga ay maging patient, consistent, at bukas sa paggamit ng maraming mga paraan ng family planning. Upang mapalakas ang iyong tiyansa na mabuntis o sa kabilang banda ay maiwasan ang pagbubuntis.
Larawan mula sa iStock