Tigdas Hangin: Sanhi, sintomas at gamot para sa German measles o Rubella

Ano nga ba ang Tigdas Hangin? Dapat ka ba mag-alala kung magkaroon nito ang iyong anak?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang bawal sa tigdas hangin? Alamin dito ang sagot.

Tigdas hangin: Mga dapat malaman

Nagkaroon na ba ng tigdas hangin ang iyong anak? Alamin ang mga posibleng sanhi, sintomas at lunas para sa tigdas hangin.

Dahil sa hindi pa gaanong matibay ang kanilang immune system, natural sa mga bata ang magkaroon ng mga nakakahawang sakit. Isa sa mga sakit na kadalasang dumadapo sa mga bata ay tigdas hangin o german measles in English.

Gamot sa tigdas hangin | Image from Freepik

Tigdas symptoms: Sanhi at sintomas ng tigdas hangin

Saan nakukuha ang tigdas hangin? Anu-ano nga ba ang tigdas symptoms na mahalagang mabantayan? Ano ang pagkakaiba ng tigdas at tigdas hangin?

Ang pagkakaiba ng tigdas at tigdas hangin ay ang uri ng virus na nagdadala ng sakit. Tinatawag na tigdas hangin ang German measles na mula sa virus na rubella. Ang tigdas naman na tinatawag na measles o rubeola ay dulot ng virus mula sa paramyxoviridae family. Pareho ang mga ito na maaaring makahawa sa pamamagitan ng hangin. Kumakalat kasi ang virus sa hangin matapos umubo o bumahing ng taong may tigdas hangin. Ang itsura ng tigdas hangin ay maaaring magmukhang katulad ng iba pang rashes, kaya mahalagang malaman ang mga sintomas upang makaiwas sa maling akala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaaring maipasa ang viral infection na ito sa ibang tao sa pamamagitan ng droplets mula sa pag-ubo o pagbahing ng isang taong mayroong tigdas hangin. Ibig sabihin, kapag mayroon kang nahawakang bagay kung saan may droplets ng isang taong may sakit ng German measles at humawak ka sa iyong bibig, ilong, o mata, maaari kang mahawa ng tigdas hangin.

Gayundin, posibleng mapasa ang sakit na ito sa pamamagitan ng pag-share ng pagkain o inumin ng taong may tigdas hangin. Kadalasan, mild lang ang mga sintomas ng German measles kaya hindi agad sila napapansin. Maaaring lumabas ang mga sintomas 2 hanggang 3 linggo matapos ma-expose ng tao sa virus na nagdudulot ng tigdas hangin, at maari itong magtagal ng mula 3 hanggang 7 araw. Ang itsura ng tigdas hangin ay isa ring mahalagang aspeto na dapat tingnan upang makilala ang sakit at agad na makapagbigay ng tamang atensyon. Sa pagkilala sa itsura ng tigdas hangin, mas madali ring maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga tao sa paligid.

Tigdas hangin symptoms, itsura ng tigdas hangin

Tigdas hanging symptoms: Narito ang mga karaniwang sintomas ng tigdas hangin:

  1. pink o mapulang rashes na nagsisimula sa mukha at kumakalat pababa sa buong katawan.
  2. lagnat (38.9C pababa)
  3. kulani o namamagang lymph nodes
  4. sipon o baradong ilong
  5. pananakit ng ulo
  6. pananakit ng katawan
  7. conjunctivitis o mapulang mata

Bagama’t hindi naman seryoso ang mga nabanggit na sintomas, dapat pa ring kumonsulta sa doktor kung may hinala kang mayroon kang tigdas hangin o German measles in English, lalo na kapag ikaw ay nagdadalangtao o mayroong kasama sa bahay na buntis.

Kailan dapat at agarang tumawag sa doktor?

Sa mga bihirang kaso, maaaring magdulot ng komplikasyon ang tigdas hangin tulad ng ear infections at pamamaga ng utak. Tumawag agad sa iyong doktor kapag napansin ang mga sintomas na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • matagal na pananakit ng ulo (kasama ng ibang sintomas ng tigdas hangin)
  • pananakit ng tenga
  • stiff neck o pananakit at paninigas ng leeg

Itsura ng tigdas hangin

Ano nga ba ang itsura ng tigdas hangin? Paano mo malalaman kung mayroon kang tigdas hangin? Ayon sa Healthline, lalabas ang iyong mga unang sintomas 7-14 araw pagkatapos mahawaan ng tigdas. Ang lagnat, ubo, sipon, at pananakit ng lalamunan ang mga unang sintomas, na katulad ng sa flu o trangkaso.

Kadalasan, ang mga mata ay nagiging pula at matubig. Lumilitaw ang pulang-pula o kayumangging pantal pagkaraan ng tatlo hanggang limang araw at umaabot sa buong katawan mula ulo hanggang paa.

Maaari kang makakita ng maliliit na batik sa loob ng iyong bibig at sa buong pisngi 2-3 araw pagkatapos mong unang matuklasan ang mga sintomas ng tigdas.

Ang mga pulang tuldok na may asul-puting mga sentro ay karaniwan at tinatawag na mga Koplik’s spots. Ang mga ito ay ipinangalan sa pedyatrisyan na si Henry Koplik, na siyang unang naglarawan ng mga unang sintomas ng tigdas noong 1896. Habang ang iba pang mga sintomas ng tigdas ay kumukupas, ang mga batik ng Koplik ay dapat ding bumaba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pantal ng tigdas ay mapula-pula ang hitsura. Nagsisimula ito sa mukha at umuusad pababa sa katawan sa loob ng ilang araw, mula sa leeg hanggang sa katawan, mga braso, at mga binti, na kalaunan ay umabot sa mga paa.

Sa kalaunan, tatakpan nito ang buong katawan ng mga batik ng iba’t ibang kulay na mga pimples. Ang pantal ay tumatagal ng humigit-kumulang 5 o 6 na araw. Maaaring hindi lumitaw ang pantal sa mga pasyenteng immunocompromised.

Larawan mula sa Shutterstock

Mga buntis, mag-ingat sa tigdas hangin

Kapag dumapo naman ito sa buntis, maaring maapektuhan ang  na nasa sinapupunan pa lamang. Maaring ipanganak ito na may congenital rubella syndrome (CRS). Isa itong seryosong sakit na maaring magsanhi ng miscarriage o mga sumusunod na komplikasyon sa sanggol:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • mabagal na paglaki
  • problema sa pag-iisip
  • sakit sa puso
  • pagkabingi
  • problema sa ibang organs o bahagi ng katawan.

Sa katunayan, kaya nga ginawa ang rubella vaccine ay para protektahan ang mga buntis laban sa impeksyong ito.

Kaya napaka-importante para sa nagdadalantao, o sa mga gustong magdalantao na magpabakuna laban sa rubella upang masiguro na protektado ang magiging baby nila.

Larawan mula sa iStock

Ano ang gamot sa tigdas hangin

Gamot sa tigdas home remedy

Kadalasan, sa bahay lang ginagamot ito, at nawawala naman ng kusa ang mga rashes. Maaari ka ring uminom ng gamot sa lagnat para gamutin ang sintomas na ito. Anu-ano pa nga ba ang ibang gamot sa tigdas home remedy?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Makakatulong ang pagpapahinga at pag-inom ng maraming tubig para mas mabilis na mawala ang sintomas ng tigdas hangin.
  • Kung mayroong tigdas hangin ang iyong anak, bantayan nang maigi kung tumataas ang kaniyang lagnat at ipagbigay-alam agad ito sa inyong doktor.
  • Kung sakali na nagkaroon ng impeksyon tulad ng pneumonia habang mayroon kang tigdas o ang iyong anak, maaari kang bigyan ng iyong doktor ng antibiotics.
  • Mainam din na uminom ng vitamin A, dahil ang mga bata na may mababang Vitamin A sa katawan ay kadalasang nakakaranas ng mas malalang kaso ng tigdas.

Para makasiguro, dalhin sa doktor ang iyong anak para makasiguro na hindi ito measles o scarlet fever sapagkat magkamukha ang mga sintomas nito.

Mas mabuti na ring sabihan niyo ang doktor kasi baka meron palang kumakalat na impeksiyon sa inyong lugar, nang maagapan nila ito.

Treatment para sa tigdas

Walang espesipikong gamot sa tigdas kapag nagkaroon na nito. Kasama na sa paraan ng paggagamot nito ay ang mga bagay na maaaring makapagbigay ginhawa at mabawasan ang sintomas, tulad ng pagpapahinga, at pagpapagaling at pag-iwas sa mga maaaring makapagpalala nito.

Gayunpaman, may mga maaaring sundin ang mga tao na walang immunity matapos silang magkaroon ng exposure dito.

  • Post-exposure vaccination. Ang mga taong walang immunity laban sa tigdas, lalo na ang mga sanggol, ay maaaring bigyan ng bakuna laban sa tigdas sa loob ng 72 oras mula nang magkaroon ito ng exposure. Kung sakaling magkaroon pa rin ng tigdas ay mahina nalang ang mga sintomas at hindi namagtatagal ang pagkakasakit.
  • Immune serum globulin. Ang mga buntis, sanggol, at mga tao na may mahinang immune system at nagkaroon ng exposure sa virus ay maaaring makakuha ng injection para sa proteins (antibodies) na tinatawag na immune serum globulin. Kapag naibigay ito sa loob ng anim na araw mula sa pagkakaroon ng exposure sa virus, ang mga antibodies na ito ay maaaring mapigilan ang tigdas o kaya ay mapahina ang mga sintomas nito.

Tandaan: Labis na nakakahawa ang rubella kaya siguruhing huwag na palabasin ng bahay o papasukin sa eskwela ang iyong anak sa loob ng 2 hanggang 3 linggo para maiwasang makahawa ng ibang bata.

Gamot sa tigdas home remedy at pagbabago sa lifestyle

Kapag ang iyong anak ay may tigdas, siguraduhin na magpakonsulta agad sa doktor. Maaari ring sundin ang mga sumusunod:

  • Magpahinga at umiwas sa maraming Gawain.
  • Uminom ng maraming tubig, fruit juice, at herbal tea upang maging pamalit sa mga nawalang fluid sa katawan  dahil sa lagnat at pagpapawis. Kung kinakailangan, maaaring bumili ng rehydration solutions na di kailangan ng reseta.
  • Gumamit ng humidifier para sa ubo at sore throat. Ang pagdadagdag ng moisture sa hangin ay nakakatulong guminhawa ang pakiramdam.
  • Gumamit ng saline nasal sprays upang mapatigil ang pangangati ng ilong.
  • Kung sa tingin mo o ng iyong anak ay nakakairita ang liwanag ng ilaw, tulad ng karamihan ng mga tao na nagkakaroon ng tigdas, hinaan ang ilaw o gumamit ng sunglasses. Iwasan din ang pagnood ng tv dahil maaaring makairita din ang liwanag na nagmumula dito.

Tigdas hangin sa matanda

Larawan mula sa Shutterstock

Ang tigdas hangin sa matanda ay hindi rin dapat ipag-alala. Ito ay kailangan lamang ipahinga. Sa panahong mayroon ka nito, hindi ka dapat lumabas ng iyong bahay dahil nakakahawa ito.

Para naman mas bumilis ang iyong paggaling, kumonsulta agad sa doktor. Huwag mag-self medicate dahil maaaring mas palalain nito ang iyong kalagayan.

Ang karaniwang sintomas nito sa matanda ay pananakit ng ulo na may kasamang lagnat. Nariyan din ang pagbabara ng ilong at pananakit ng kalamnan. Kung ikaw ay buntis, mahalaga na maagapan agad ito dahil maaring makasama ito sa iyong pagbubuntis.

Pagdating sa edad na 15, dapat ay kumpleto na ang iyong bakuna laban dito. Ang bakuna kasi ang magsisilbing proteksyon laban sa viral infection na ito, lalo na para sa mga taong exposed sa mga ospital o iyong mga nagtatrabaho roon.

Importante rin ito para sa mga madalas na lumabas ng bansa. Pero ang pinaka-delikadong madapuan nito ay ang mga buntis.

Saan nakukuha ang tigdas hangin?

Ang rubella ay naipapasa sa bawat tao sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing. Ang virus ay nagrereplika sa mga lymph node gayundin sa nasopharynx, ang tubo na nag-uugnay sa lukab ng ilong at malambot na palad.

Sa humigit-kumulang 5 hanggang 7 araw, kumakalat ang virus sa buong katawan sa daloy ng dugo pagkatapos ng pagkakalantad, na may mga sintomas na lumalabas 2 hanggang 3 linggo pagkatapos ng impeksyon.

Ang Rubella ay nakakahawa hanggang 7 araw bago lumitaw ang pantal at hanggang isang linggo pagkatapos magsimula ang pantal.

Ano ang bawal sa tigdas hangin?

  1. Pagkain ng Malamig na Pagkain
    Kapag may tigdas hangin, mas mainam na umiwas sa malamig na pagkain o inumin. Ang mga ito ay maaaring magpalala ng lagnat at iba pang sintomas.
  2. Pagbababad sa Labas
    Ang pagkakalantad sa araw, lalo na kapag may lagnat, ay dapat iwasan. Ang sobrang init ay maaaring magpalala ng kondisyon at magdulot ng discomfort.
  3. Masyadong Aktibong Gawain
    Kapag may tigdas hangin, ang katawan ay nangangailangan ng sapat na pahinga. Iwasan ang mabibigat na gawain o sobrang pagod dahil maaaring mas tumagal ang paggaling ng pasyente.
  4. Pagpunta sa Pampublikong Lugar
    Kung may tigdas hangin, iwasan ang pagpunta sa mga mataong lugar upang hindi makahawa. Ang rubella ay madaling naipapasa sa iba, lalo na sa mga hindi pa nabakunahan.
  5. Pagkain ng Alimentos o Matatamis
    Sa mga tanong gaya ng ano ang bawal sa tigdas hangin, isang karaniwang payo ay umiwas sa sobrang matatamis na pagkain. Nakakapagpahina ito ng immune system at maaaring magdulot ng mabagal na paggaling.
  6. Pagkain ng Maanghang o Matapang na Pagkain
    Dapat din umiwas sa maanghang na pagkain dahil maaari itong magdulot ng irritation sa katawan, lalo na kapag may lagnat at sore throat na dulot ng tigdas hangin.

Ano pa ang Bawal sa Tigdas Hangin?

Bukod sa mga nabanggit, isa pang mahalagang aspeto ng kung ano ang bawal sa tigdas hangin ay ang pag-iwas sa paghawak sa ibang tao, lalo na sa mga buntis. Ang rubella ay lubhang mapanganib para sa mga buntis dahil maaari itong magdulot ng komplikasyon sa sanggol.

Paano ba maiiwasan ang german measles?

Sa panahon ngayon, bihira na ang nagkakaroon ng rubella dahil nga sa meron nang bakuna laban dito. Ang tawag sa bakunang ito ay measles-mumps-rubella o MMR vaccine.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang isang dose ng MMR vaccine ay 97% epektibo laban sa rubella, habang ang dalawang dose naman ay 97% epektibo laban sa measles at 88% epektibo laban sa mumps.

Kadalasan, ibinibigay kapag ang sanggol ay 12 hanggang 15 na buwan, at isa pa kapag nasa edad 4 at 6 taong gulang na ang bata, bago siya pumasok sa paaralan.

May mga magulang na nag-aalinlangang pabakunahan ang kanilang mga anak ng MMR vaccine dahil sa mga haka-haka na nakakapagsanhi ito ng autism sa mga bata. Subalit huwag mangamba, mommies, dahil walang katotohanan ito.

Ayon sa World Health Organization, walang sapat na ebidensya na nag-uugnay sa MMR vaccines at iba pang bakuna sa pagkakaroon ng autism ng isang bata.

Kaya’t siguraduhing mapabakunahan ang anak ninyo sa tamang panahon. Para lubusang maiwasan ang virus na ito at mga sintomas ng German measles.

Kung ikaw naman ay buntis, mahalagang kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa nararapat na bakuna laban sa rubella para makasigurong walang maging komplikasyon ang iyong pinagbubuntis.

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa tigdas hangin o napapansing kakaiba sa iyong anak, huwag mahiyang magtanong sa iyong doktor.

Mga komplikasyon sa tigdas

Larawan mula sa Shutterstock

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), nasa 30% ng tao na nagkakaroon ng tigdas ang nagkakaroon ng mga komplikasyon sa kalusugan tulad ng pneumonia, ear infection, diarrhea, at encephalitis. Ang pneumonia at encephalitis ang dalawang malalang komplikasyon na maaaring mauwi sa ospital.

Ito ay isang sakit sa baga na nagdudulot ng lagnat, pananakit ng dibidib, hirap sa paghinga, at ubo na may plema. Ang mga tao na may mahinang immune system dahil sa iba pang sakit ay mas nanganganib sa pagkakaroon ng pneumonia. 

Ayon sa CDC, isa sa bawat 1,000 bata ang maaaring magkaroon ng pamamaga sa utak o encephalitis. Minsan nagsisimula ito matapos magkaroon ng tigdas.

Isang seryosong sakit ang encephalitis na maaaring mauwi sa pagkokombulsyon, pagkabingi, at mental retardation ng bata. Delikado rin ito sa mga babaeng nagbubuntis dahil maaaring maging underweight ang kanilang sanggol pagkapanganak.

Ano ang MMR vaccine?

Ang measles-mumps-rubella (MMR) vaccine ay isang bakuna na nagsisilbing proteksyon laban sa tatlong sakit na nabanggit. Naglalaman ito ng buhay ngunit mahina na strains ng virus kung saan hinahayaan na magkaroon ng immunity ang katawan laban sa mga virus na ito.

Mahalaga ang bakunang ito sa mga bata at mga babaeng maaaring magbuntis. Higit 90% ng mga nakakuha nito ay hindi nagkaroon ng rubella o tigdas.

Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na makapagpabakuna nito ang mga batang nasa 12-15 months old, at ang ikalawang dose sa ika-4-6 years old, o kahit 28 na araw matapis ang unang shot ng MMR vaccine. Ang mga adolescents na walang bakuna ay mainam na makakuha ng dalawang MMR vaccine, na may pagitan na 28 na araw.

Maaaring makaramdam ng mild side effects matapos maturukan ng MMR vaccine, ilan dito ay:

  • Pananakit ng muscles at pamumula sa bahagi ng tinurukan
  • Lagnat
  • Mild rash
  • Pansamantalang pananakit ng mga joints
  • Pansamantalang kaso ng thrombocytopenia o pagbaba ng platelet count.

At dahil naglalaman ang mga bakuna ng buhay ngunit mahinang strains ng virus, maaari ring magkaroon ng mild case ng rubella.

 

Ang article na ito ay isinalin mula sa Ingles na isinulat ni Alwyn Batara.

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores at Shena Macapañas

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara