STD o tulo sa mga lalaki: Mga sintomas, lunas at paano makakaiwas

Alamin ang iba’t-ibang uri at sintomas ng sexually transmitted disease na maaring makuha ng mga lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ari ng lalaki, paano mapoprotektahan mula sa sakit na STD? Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa sintomas ng STD sa lalaki at mga paraan kung paano makakaiwas sa nakakahawang sakit.

Ang ari ng lalaki at ang sakit na STD

Malaki ang ginagampanang papel ng ari ng lalaki sa reproduction o pagbuo ng bagong buhay ng isang tao. Ito ang nagpo-produce ng sperm na kapag ipinares sa egg cells ng babae ay maaaring makabuo ng embryo na sa pagdaan ng buwan ay magiging isang sanggol.

Ang ari ng lalaki rin ay nagbibigay ng sexual pleasure sa mga babae. Ang erected na anyo nito ay siyang ipinapasok sa ari ng babae na kung walang proteksyon at mag-ejaculate ay maaaring mag-resulta sa dalawang bagay.

Ito ay maaring makabuntis kung fertile ang babae sa oras ng pakikipagtalik o kaya naman ay makapaglipat ng sexually transmitted disease o STD kung infected ng naturang sakit ang lalaking nakikipagtalik.

Ayon sa World Health Organization, may higit sa isang milyong tao sa buong mundo ang nakakakuha ng sexually transmitted infections sa araw-araw. Ayon naman sa CDC, kahit sino na nakikipagtalik ay at risk sa pagkakaroon ng STD.

Bagamat mas madalas ang naitatalang impeksyon sa mga active gay, bisexual o mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki. Lalong-lalo na kung sa pagtatalik, ang ari ng lalaki ay hindi ginamitan ng proteksyon o condom.

Larawan mula sa Shutterstock

Paano naihahawa ang STD

Ang sexual contact ng walang proteksyon o condom ang nangungunang paraan sa kung paano maaring maihawa ang sakit na STD mula sa infected na tao patungo sa isang taong may malusog na pangangatawan.

Maaaring ito ay sa pamamagitan ng oral, anal o vaginal sex. Ganoon din sa genital skin-to-skin contact kung saan available ang body fluid na nagtataglay ng impeksyon.

Maliban sa pagtatalik, may mga uri ng STD din na maaaring maihawa sa pamamagitan ng dugo. Halimbawa, kung ang isang taong may malusog na pangangatawan ay gumamit ng parehong karayom na ginamit ng isang taong infected ng STD sa pagkuha ng dugo ay malaki ang tiyansang mahawa rin siya ng impeksyon.

Sintomas ng STD sa lalaki

Ang malungkot na katotohanan dito ay marami sa mga taong infected ng STD ang hindi alam na sila ay may sakit na. Dahil madalas ay walang ipinapakitang sintomas ang STD sa mga unang araw matapos makipagtalik sa taong infected ng sakit. Pero para sa mga lalaki narito ang sintomas ng STD na maari nilang maranasan at mapagkamalang dulot ng ibang sakit.

  • Unusual discharge mula sa ari ng lalaki.
  • Mga sugat o warts sa ari ng lalaki.
  • Masakit at madalas na pag-ihi.
  • Pangangati at pamumula sa ari.
  • Mga sugat na parang paltos sa paligid ng bibig.
  • Mabahong discharge mula sa ari ng lalaki.
  • Pangangati, pamamaga o pagdurugo sa anus ng lalaki.
  • Pananakit ng tiyan.
  • Lagnat.

Ang mga nabanggit ang ilan sa sintomas ng may tulong lalaki o STD. Kung nakakaranas ng mga nabanggit ng sintomas ay mas mabuting magpatingin na agad sa doktor at sumailalim sa test. Dahil ang STD kung mapabayaan at lumala ay maaring mauwi sa HIV o AIDS na nakakamamatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba’t iba uri ng STD na maaring makuha ng mga lalaki

Samantala, may iba’t iba uri ng STD na maaring maranasan ng mga lalaki. Ito ay naiiba-iba base sa paraan ng pagkakahawa ng STD at sa mga bahagi ng katawan na nagpapakita ito ng sintomas. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Chlamydia

Ang chlamydia ay ang uri ng bacterial STI na maaring maihawa sa pamamagitan ng anal, oral o vaginal sex. Marami sa mga nakakakuha ng sakit na ito ay hindi nagpapakita ng sintomas sa mga unang araw matapos ang impeksyon.

Hanggang sa lumipas ang linggo at buwan kung saan nagsisimulang maglabasan ang sintomas. Ang common symptoms ng chlamydia ay ang sumusunod:

  • Pananakit sa ari ng lalaki sa tuwing umiihi.
  • Kakaibang discharge sa ari ng lalaki.
  • Pamamaga sa ari ng lalaki.

Maari ring mapansin o maranasan ang sintomas ng chlamydia sa rectum o puwitan ng isang lalaking infected nito. Ang mga sintomas na ito ay ang sumusunod:

  • Pananakit sa tumbong o puwitan.
  • Kakaiba at mabahong discharge sa puwitan.
  • Pagdurugo sa puwit.

Gonorrhea

Tulad ng chlamydia, ang gonorrhea ay isa ring bacterial infection na maaring makuha sa pamamagitan ng anal, oral at vaginal sex. Pero ang uri ng STD na ito ay maaring makaapekto sa puwitan, lalamunan at urethra o pantog ng taong infected ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang madalas na sintomas ng gonorrhea na maaring maranasan ng taong infected nito.

  • Pananakit sa tuwing umiihi.
  • Kulay berde, puti o dilaw na discharge mula sa ari ng lalaki.
  • Pamamaga o pananakit ng bayag.
  • Masakit na joints o kasukasuan
  • Rashes sa balat.

Image from Healthline

Herpes

Ang herpes ay isa ring uri ng STD na maaaring maranasan ng mga lalaki. Ito ay ang sakit na dulot ng herpes simplex virus (HSV). Ang sakit na ito ay madalas na natutukoy sa pagkakaroon ng sugat o blisters sa ari ng taong nagtataglay nito na tinatawag na genital herpes o HSV type 2.

May tinatawag rin na oral herpes o HSV type 1 na kung saan ang mga sugat o blisters naman ay makikita sa bibig ng taong infected ng sakit.

Ang herpes ay maaaring maihawa sa pagkakaroon ng sexual contact sa taong may sakit. Maari rin itong maihawa sa pamamagitan ng pakikipaghalikan o pakikipag-oral sex sa taong infected nito.

Madalas ang sintomas ng herpes ay makikita mula sa dalawang araw hanggang dalawang linggo matapos ang pagkakahawa dito. Ang pangunaghing sintomas nito ay ang pagkakaroon ng water blister sa katawan na aakalaing pimples lang sa una. Maliban dito, ito pa ang ilan sa sintomas ng sakit.

  • Pangangati o hapdi sa balat kung saan tutubo ang blisters na madalas ay sa ari ng lalaki, puwitan o itaas na bahagi ng binti.
  • Kung ang herpes ay naihawa sa pamamagitan ng oral sex o pakikipaghalikan ang blisters ay makikita sa labi, dila o mukha.
  • Pananakit ng muscles sa likod, puwitan, tuhod o binti.
  • Pagkakaroon ng namamagang kulani sa singit.
  • Kawalan ng gana sa pagkain.
  • Lagnat.
  • Matamlay at masamang pakiramdam.

Trichomoniasis

Ang trichomoniasis ay isang uri ng sexually transmitted infection na dulot ng Trichomonas vaginalis parasite. Ang sakit na ito maaring maihawa ng mga babae sa lalaki sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Katulad ng chlamydia at gonorrhea, karamihan ng infected nito ay hindi nagpapakita ng sintomas ng sakit. Kung magka-sintomas man ay ito ang nararanasan ng taong infected nito.

  • Urethritis o pamamaga sa daluyan ng ihi na nagdudulot ng hapdi at kakaibang discharge.

Human papillomavirus o HPV

Ang HPV ay isa sa most common sexually transmitted diseases na nararanasan ng marami ngayon. May iba’t-ibang uri ng strains nito. Para sa mga low-risk na strains ang genital warts ang madalas nilang nararanasan partikular na sa mga babae. Pero para sa mga lalaki na madalas na nakakakuha ng high-risk strain nito ay maaring mauwi ang sakit sa cancer sa anus, lalamunan at penis.

Maliban sa pakikipagtalik sa pamamagitan ng anal, oral at vaginal sex, ang HPV ay maaring maihawa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact. Ang mga sintomas nito ay ang sumusunod:

  • Genital warts na kumpol-kumpol na maihahalintulad sa itsura ng caulilflower.
  • Warts sa bibig o lalamunan kung nakipag-oral sex sa taong infected ng sakit.

Syphilis

Ang syphilis ay isa ring uri ng sexually transmitted disease na nararanasan ng mga lalaki. Ito ang maituturing na pinaka-seryosong uri ng sexually transmitted infection dahil sa ito ay maaring mauwi sa HIV o human immunodeficiency virus na panghabang-buhay ng tataglayin ng isang tao. Ang HIV kung hindi agad na ma-kontrol ay maaring mauwi sa AIDS na nakamamatay.

May apat na phase ng pagkakaroon ng sakit na syphilis na may iba’t ibang ipinapakitang sintomas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa primary phase o unang phase ng syphilis ay narito ang mga sintomas na maaring maranasan ng isang lalaki.

  • Maliit at hindi masakit na sugat sa anus, penis, labi o sa kung saan nakapasok ang bacteria ng makipagtalik.
  • Namamagang kulani sa kung saan naroon malapit ang sugat.

Para sa secondary phase ng syphilis ay ito naman ang sintomas na maaring maranasan.

  • Rash sa balat na hindi makati at madalas na makikita sa buong katawan kabilang na ang palad at talampakan.
  • Pagkaramdam na labis na pagod.
  • Sore throat.
  • Sakit ng ulo.
  • Namamagang kulani.

Samantala, ang sintomas ng latent at tertiary syphilis ay mas malala na. Ito na ang mga phase ng sakit kung saan ang STD ay hindi na nalunasan. Ang mga seryosong komplikasyon na maaring maidulot nito sa katawan ay ang sumusunod:

  • Heart damage.
  • Damage sa nervous system kabilang ng utak.
  • Joint damage.
  • Damage sa iba pang bahagi ng katawan.

HIV

Ang HIV o human immunodeficiency virus ay ang pinakakinatatakutang uri ng STD. Ito ay maaring maihawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik at paghihiraman ng karayom na ginamit sa katawan.

Ang sakit na ito maaring magdulot ng dysfunction sa immune system ng isang tao. Kung hindi maagapan ang HIV ay maaring mauwi ito sa AIDS o Acquired immunodeficiency syndrome na maari ng makamatay.

Ang mga sintomas ng HIV na maaring maranasan ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Lagnat.
  • Sakit ng ulo.
  • Pananakit ng kasukasuan at kalamanan.
  • Rashes sa katawan.
  • Namamagang kulani sa katawan madalas sa leeg.
  • Pagtatae.
  • Pagbaba ng timbang.
  • Pag-ubo.
  • Night sweats.

Samantala, kung mapabayaan at hindi maagapan ang HIV ay mapupunta sa AIDS. Ang mga sintomas ng AIDS sa lalaki na maaring mapansin ay ang sumusunod:

  • Sweats o kakaibang pagpapawis sa katawan.
  • Chills o panginginig ng katawan.
  • Pabalik-balik na lagnat.
  • Chronic diarrhea.
  • Pamamaga sa kulani.
  • Hindi maipaliwanag na labis na pagkapagod.
  • Panghihina ng katawan.
  • Rashes o bukol sa balat.

Hepatitis A at B

Ang Hepatitis A ay isa ring sakit na maaring maihawa sa pamamagitan ng sexual contact. Bagamat maliban dito, ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagkain ng contaminated na tubig, pagkain o hilaw na shellfish.

Tulad ng Hepatitis A ang Hepatitis B ay maaari ring maihawa sa pamamagitan ng sexual contact o pagsasalin ng dugo ng taong infected ng sakit sa taong may malusog na pangangatawan.

Ang Hepa B sa una ay wala ring ipinapakitang sintomas, pero ang sakit na ito kapag hindi agad na naagapan ay maaring magdulot ng damage sa liver o atay ng isang tao. Kaya naman para matukoy kung infected na ng sakit mahalaga ang pagpapatingin sa doktor taon-taon kahit walang sakit na nararamdaman.

Sa oras na may maramdamang sintomas ng sakit, narito ang ilang mapapansin sa iyong katawan.

  • Kawalan ng ganang kumain.
  • Pagkaramdam ng labis na pagkapagod.
  • Pagkakaroon ng low-grade fever o lagnat.
  • Pananakit ng kasukasuan at kalamnan.
  • Pagkahilo.
  • Pagduduwal.
  • Paninilaw ng balat.
  • Masyadong dark na kulay na ihi.

Paano matutukoy at malulunasan ang STD sa lalaki

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image by Darko Djurin from Pixabay 

Kung sexually active, lalo na kung nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay mas mabuting makipag-usap sa isang healthcare provider. Doon ay irerefer kayong sumailalim sa physical exam o microscopic examination para kumuha ng sample ng fluid sa iyong ari para mapag-aralan at matukoy kung kayo ay may STD. Maari ring gawin ito sa pamamagitan ng blood testing.

Ang mga STD na dulot ng bacteria at parasite ay maaring monsoon ng antibiotics. Habang ang mga STD na dulot ng virus ay walang lunas bagamat may mga gamot na makakatulong para maibsan ang mga sintomas na dulot ng sakit.

Samantala, pagdating sa pagiwas sa STD, isang paraan lang ang ipinapayo ng mga eksperto. Ito ay ang pagpa-practice ng safe sex. At kung maari ay makipagtalik lang sa iisang tao na alam mong malinis mula sa nakakahawang sakit.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.