X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

10-week-old baby, namaga ang utak matapos haluan ng tubig ang iniinom na breast milk

4 min read
10-week-old baby, namaga ang utak matapos haluan ng tubig ang iniinom na breast milk

Bakit bawal ang tubig sa sanggol, mga sintomas ng water poisoning, mga epekto ng water poisoning saiyong baby

Maaaring ang intensyon lamang ng ina ay magkaroon ng sapat na breast milk ngunit ito ay humantong sa pagkamatay ng kaniyang anak matapos niya itong haluan ng tubig.  Bakit nga ba bawal ang tubig sa sanggol?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang paghalo ng tubig sa breast milk ay nagdudulot ng pamamaga ng utak ng sanggol
  • Sintomas ng water poisoning sa mga sanggol
  • Ang mga peligro ng pagbibigay ng sobrang tubig sa sanggol

Isang 10-week old na baby ang namatay matapos mahaluan ng tubig ang kaniyang breast milk. Namaga ang utak ng sanggol dahil sa tubig na napainom sa kaniya at humantong sa kaniyang pagkamatay.

Maiiwasan sana ito kung alam ng mga magulang ang dapat gawin sa gabay ng mga ekpersto.

Ang paghalo ng tubig sa breast milk ay nagdudulot ng pamamaga ng utak ng sanggol

10-week-old baby, namaga ang utak matapos haluan ng tubig ang iniinom na breast milk

Credit: the conversation

Isa pang nakakapanlumong pangyayari ay sa kabila ng masakit na kalagayan ng sanggol, dinala lamang ito ng kaniyang mga magulang sa ospital nang lumalala na ang kaniyang sakit,  doon na siya naideklarang patay.

Kaya’t ugaliing mag-ingat, huwag basta basta maghalo ng tubig sa breastmilk lalong lalo na kung ang iyong baby ay nasa anim na buwan at pababa (6 months old and below) pa lamang. Ito ay nakamamatay!

Sintomas ng water poisoning sa mga sanggol

10-week-old baby, namaga ang utak matapos haluan ng tubig ang iniinom na breast milk

credit: thecanadian

May mga dahilan kung bakit bawal painumin ng tubig ang mga sanggol na nasa anim na buwan pababa (6 months old and below) pa lamang.

Dahil ang bato o kidney ng mga sanggol ay hindi pa gaanong buo at hindi pa nito kayang mag-alis ng tubig o mga fluid sa kanilang katawan. Kay naman ito ang dahilan kung baakit bawal ang tubig sa sanggol.

Kaya’t ang pagbibigay ng tubig sa sanggol na nasa anim na buwan pababa (6 months old and below) pa lamang ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng sobrang tubig sa kaniyang katawan na kinalaunan ay magiging sanhi ng hindi balanseng electrolyte at pagbaba ng sodium levels sa kaniyang dugo.

BASAHIN:

Mom’s warning:”Nagka-pulmonya ang baby ko dahil hindi namin nililinis ng aircon”

Parang naduduling si baby? 7 sintomas na dapat itong ikonsulta sa doktor

Gustong tumaba si baby? 12 ways para matulungan ang kaniyang weight gain

Sintomas ng water poisoning sa mga sanggol na dapat mong pagtuunan ng pansin:

1. Pagsusuka

Ang iyong baby ay makakaranas ng pagsusuka. Palaging tignan ang kanyang kondisyon, kung palagay mo ay hindi ito normal, ‘wag kang magdalawang-isip na lumapit at dalhin ang iyong baby sa pinakamalapit na ospital at patignan agad sa doktor.

10-week-old baby, namaga ang utak matapos haluan ng tubig ang iniinom na breast milk

Credit: Alodokter

2. Pagod at palaging inaantok o tulog

Kung mistulang pagod at palaging tulog ang iyong baby, ‘wag mag-atubiling ipatingin agad ito sa doktor.

3. Labis na pagpapawis at mababang temperatura ng katawan

Kung ang iyong baby ay pinapawisan kahit pa malamig naman ang panahon o ang silid, maaaring siya ay biktima ng water poisoning.

4. Madalas na pag-ihi

Kung umaabot ng anim hanggang walong palit ng diaper ang iyong baby. Maaaring siya ay nakainom ng maraming tubig.

5. Pamamaga ng mukha at mga binti

Suriin mabuti ang iyong baby, kung namamaga ang kaniyang mukha at binti ay dalhin agad ito sa doktor. Huwag nang hintaying mas lumalala pa ito.

Kumilos habang maaga at bago pa mahuli ang lahat!

Ang mga peligro ng pagbibigay ng sobrang tubig sa sanggol

1. Paglaki ng tiyan

Mahihirapan huminga ang iyong baby dahil malaki ang kanyang tiyan. Dahil ang digestive system ng iyong anak ay hindi pa kayang tumanggap ng liquid o mga fluid sa kaniyang katawan.

2. Diarrhea

Maaaring magkaroon ang iyong baby ng diarrhea, kung balak mo siyang bigyan ng kaunting tubig, mahalagang pakuluan muna ito para masiguro ang kaligtasan ng iyong anak.

3. Water Poisoning

Ito ang sitwasyon na hindi natin gugustuhing mangyari. Ang water poisoning ay nagdudulot ng pamamaga ng utak ng sanggol na siyang magiging sanhi ng hindi balanseng electrolyte at pagbaba ng sodium levels sa kaniyang dugo na maaaring humantong sa kamatayan.

Kung ang sanggol ay nakakaranas ng pagsusuka, diarrhea at pamamaga ng mukha, maaaring siya ay biktima ng water poisoning.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

4. Pagpayat

Ang pagbibigay ng sobrang tubig sa sanggol ay maaaring maging sanhi ng kanyang pamamayat. Maaari ring maging malnourished ang iyong anak dahil mapupuno ng tubig ang kanyang tiyan.

Source:

lifestyleokezone, mamamia

Isinalin sa wikang Filipino ni Alyssa Wijangco na may pahintulot ng theAsianparent Malaysia. 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

The Asian Parent

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 10-week-old baby, namaga ang utak matapos haluan ng tubig ang iniinom na breast milk
Share:
  • STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

    STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

  • Rashes on breast during pregnancy: What you need to know

    Rashes on breast during pregnancy: What you need to know

  • Epektibo nga ba ang Apple Cider Vinegar na pampapayat?

    Epektibo nga ba ang Apple Cider Vinegar na pampapayat?

  • STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

    STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

  • Rashes on breast during pregnancy: What you need to know

    Rashes on breast during pregnancy: What you need to know

  • Epektibo nga ba ang Apple Cider Vinegar na pampapayat?

    Epektibo nga ba ang Apple Cider Vinegar na pampapayat?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.