Maaaring ang intensyon lamang ng ina ay magkaroon ng sapat na breast milk ngunit ito ay humantong sa pagkamatay ng kaniyang anak matapos niya itong haluan ng tubig. Bakit nga ba bawal ang tubig sa sanggol?
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang paghalo ng tubig sa breast milk ay nagdudulot ng pamamaga ng utak ng sanggol
- Sintomas ng water poisoning sa mga sanggol
- Ang mga peligro ng pagbibigay ng sobrang tubig sa sanggol
Isang 10-week old na baby ang namatay matapos mahaluan ng tubig ang kaniyang breast milk. Namaga ang utak ng sanggol dahil sa tubig na napainom sa kaniya at humantong sa kaniyang pagkamatay.
Maiiwasan sana ito kung alam ng mga magulang ang dapat gawin sa gabay ng mga ekpersto.
Ang paghalo ng tubig sa breast milk ay nagdudulot ng pamamaga ng utak ng sanggol
Credit: the conversation
Isa pang nakakapanlumong pangyayari ay sa kabila ng masakit na kalagayan ng sanggol, dinala lamang ito ng kaniyang mga magulang sa ospital nang lumalala na ang kaniyang sakit, doon na siya naideklarang patay.
Kaya’t ugaliing mag-ingat, huwag basta basta maghalo ng tubig sa breastmilk lalong lalo na kung ang iyong baby ay nasa anim na buwan at pababa (6 months old and below) pa lamang. Ito ay nakamamatay!
Sintomas ng water poisoning sa mga sanggol
credit: thecanadian
May mga dahilan kung bakit bawal painumin ng tubig ang mga sanggol na nasa anim na buwan pababa (6 months old and below) pa lamang.
Dahil ang bato o kidney ng mga sanggol ay hindi pa gaanong buo at hindi pa nito kayang mag-alis ng tubig o mga fluid sa kanilang katawan. Kay naman ito ang dahilan kung baakit bawal ang tubig sa sanggol.
Kaya’t ang pagbibigay ng tubig sa sanggol na nasa anim na buwan pababa (6 months old and below) pa lamang ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng sobrang tubig sa kaniyang katawan na kinalaunan ay magiging sanhi ng hindi balanseng electrolyte at pagbaba ng sodium levels sa kaniyang dugo.
BASAHIN:
Mom’s warning:”Nagka-pulmonya ang baby ko dahil hindi namin nililinis ng aircon”
Parang naduduling si baby? 7 sintomas na dapat itong ikonsulta sa doktor
Gustong tumaba si baby? 12 ways para matulungan ang kaniyang weight gain
Sintomas ng water poisoning sa mga sanggol na dapat mong pagtuunan ng pansin:
1. Pagsusuka
Ang iyong baby ay makakaranas ng pagsusuka. Palaging tignan ang kanyang kondisyon, kung palagay mo ay hindi ito normal, ‘wag kang magdalawang-isip na lumapit at dalhin ang iyong baby sa pinakamalapit na ospital at patignan agad sa doktor.
Credit: Alodokter
2. Pagod at palaging inaantok o tulog
Kung mistulang pagod at palaging tulog ang iyong baby, ‘wag mag-atubiling ipatingin agad ito sa doktor.
3. Labis na pagpapawis at mababang temperatura ng katawan
Kung ang iyong baby ay pinapawisan kahit pa malamig naman ang panahon o ang silid, maaaring siya ay biktima ng water poisoning.
4. Madalas na pag-ihi
Kung umaabot ng anim hanggang walong palit ng diaper ang iyong baby. Maaaring siya ay nakainom ng maraming tubig.
5. Pamamaga ng mukha at mga binti
Suriin mabuti ang iyong baby, kung namamaga ang kaniyang mukha at binti ay dalhin agad ito sa doktor. Huwag nang hintaying mas lumalala pa ito.
Kumilos habang maaga at bago pa mahuli ang lahat!
Ang mga peligro ng pagbibigay ng sobrang tubig sa sanggol
1. Paglaki ng tiyan
Mahihirapan huminga ang iyong baby dahil malaki ang kanyang tiyan. Dahil ang digestive system ng iyong anak ay hindi pa kayang tumanggap ng liquid o mga fluid sa kaniyang katawan.
2. Diarrhea
Maaaring magkaroon ang iyong baby ng diarrhea, kung balak mo siyang bigyan ng kaunting tubig, mahalagang pakuluan muna ito para masiguro ang kaligtasan ng iyong anak.
3. Water Poisoning
Ito ang sitwasyon na hindi natin gugustuhing mangyari. Ang water poisoning ay nagdudulot ng pamamaga ng utak ng sanggol na siyang magiging sanhi ng hindi balanseng electrolyte at pagbaba ng sodium levels sa kaniyang dugo na maaaring humantong sa kamatayan.
Kung ang sanggol ay nakakaranas ng pagsusuka, diarrhea at pamamaga ng mukha, maaaring siya ay biktima ng water poisoning.
4. Pagpayat
Ang pagbibigay ng sobrang tubig sa sanggol ay maaaring maging sanhi ng kanyang pamamayat. Maaari ring maging malnourished ang iyong anak dahil mapupuno ng tubig ang kanyang tiyan.
Source:
lifestyleokezone, mamamia
Isinalin sa wikang Filipino ni Alyssa Wijangco na may pahintulot ng theAsianparent Malaysia.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!