Sa kasagsagan ng lockdown at community quarantine sa Pilipinas noong may pandemya, ang trabaho ay naging distant. Mas sa bahay o work from home na ang naging set-up ng mga office-based na trabaho. Maraming adjustments ang nangyari simula sa pagseset-up ng kwarto bilang working area.
Bunga nito, lahat ng paggawa ay virtual. Lahat ay kailangang i-present at i-submit bilang mga digital o electronic copies. Ang mga memo at announcement ay isinesend sa mga social media account o di kaya gamit ang office e-mail accounts.
Ngunit, may mga pagkakataon na nakakatanggap pa rin tayo ng emails na lagpas na sa working hours o office hours natin. Minsan, nakaka-drain ito dahil imbis na magpapahinga na ay naoobliga tayong i check ang email.
Ano kaya ang epekto nito sa kalusugan ng mga empleyado at maging ng kanilang pamilya?
Pag-check ng email lagpas sa office hours
Ayon sa makabagong pag-aaral, ang pagrerequire ng mga employer na i check ang email kahit wala na sa oras ng trabaho ay masama. Delikado at harmful ito hindi lang sa kalusugan ng kanilang empleyado, kundi maging sa kalusugan ng kani-kanilang pamilya.
Sa pangunguna ni William Becker sa study na ito, nakita niyang detrimental at nagdudulot ng anxiety ang expectation na ito ng mga employers na i check ng mga staff ang kanilang email. Lalo na kapag lagpas na sa office hours nila. Ang anxiety na naidudulot nito ay nakakaapekto rin maging sa mga kamag-anak ng mga empleyado.
Banggit pa ni Becker, ang nagtutunggaling sitwasyon ng work at non-work ng isang indibidwal ay nakalalabag sa personal na buhay niya. Dito nagsisimulang maapektuhan ang kanyang mental at physical health. Mula rin dito, naapektuhan nito maging ang mga taong nakaplaigid sa kanya, lalo na ang pamilya.
Dagdag pa ni Becker, ang disguise ng flexible time work mula sa pag-require na mag check ng email, ay mas dapat tawaging “work-without-boundaries”.
Oras ng trabaho sa Pilipinas
Kadalasan, 8-9 hours ang oras ng trabaho sa Pilipinas, kahit pa na work from home set-up o office-based. Sa loob ng 9 na oras, naka-include na ang oras ng breaktime.
Inaasahan na pagkatapos ng oras ng trabaho, kahit ang simpleng pag check ng email ay hindi na dapat iniintindi ng isang empleyado. Ito ay labas na sa kanyang oras para sa personal at pampamilyang panahon.
Tandaan
Hindi nangangahulugang resiliency sa work at pagiging responsableng empleyado ang pagrerequire sa sarili na maging involve sa trabaho kahit lagpas na sa office hours. Laging isipin ang personal na paglago, lalo na ang mental at physical health.
Isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!