Sa bawat yugto ng pagbubuntis, mahalaga ang tamang nutrisyon para kay mommy at kay baby. Bukod sa pagkain ng prutas, gulay, at pag-inom ng mga prenatal vitamins, isang madalas na tanong ng mga buntis ay: “Anong gatas ang maganda para sa akin? Enfamama o Anmum?"
Ang dalawang brands na ito ay kilala bilang leading maternal milk sa Pilipinas, pero alin nga ba ang mas pinipili ng mga nanay?
Survey: Anmum vs Enfamama – Alin ang Choice ng TAP Moms?
Sa isang community poll ng theAsianparent Philippines, tinanong namin ang mga moms kung alin ang kanilang mas pinipiling gatas sa pagbubuntis. Narito ang ilan sa kanilang mga sagot:
“Enfamama is highly recommended."
“Anmum. Wala siyang latak, kaya gustung-gusto ko."
“Enfamama as per advice of my OB."
“Anmum Materna Plain for the win! Pasok sa panlasa."
Mula sa 164 comments, 119 moms ang mas pinili ang Anmum, habang ang iba naman ay mas kampante sa Enfamama. May ilan ding nagsabing pareho nilang iniinom depende sa availability at lasa.
Nutrition Breakdown: Enfamama vs Anmum
Para maging malinaw sa lahat, ating isa-isahin ang benefits at nutrition facts ng parehong brand.
Enfamama vs Anmum: Ano ang choice ng TAP moms?
Ang Enfamama A+ ay mayroong brainergy complex. Ito’y pinaghalong DHA at ibang mahalagang nutrients na nakakatulong para sa healthy pregnancy at lactation ng buntis. Malaki rin ang ambag nito sa magandang development ng utak ni baby habang lumalaki.
Sa pag-inom ng Enfamama A+, 100 mg ang napupunta sa iyong lebel ng DHA, sapat na nutrisyon para sa isang araw. Narito pa ang ibang special ingredients na mayroon ang Enfamama A+.
Ingredients
- Folic acid – Nakakatulong ang mataas na lebel ng folic acid para mapigilan ang pag-develop ng fetal neural tube defect.
- Choline – Sinusuportahan nito ang development ng cognitive function.
- Iodine – Kailangan ng katawan ang Iodine upang mapanatili ang normal na thyroid hormones.
- Iron – Nakatutulong ang iron sa magandang formulation ng red blood cells ng mga buntis.
- Zinc – Ang zinc naman ay para sa central nervous system.
Maaaring mabili sa dalawang flavor ang Enfamama A+: chocolate o vanilla. Nagkakahalaga ito ng Php 425 sa 350g.
Ang recommended serving size nito ay 250 ml, (50g powder at 200mL na maligamgam na tubig). Maaaring uminom ng 2 baso ng gatas sa isang araw.
Enfamama vs Anmum: Ano ang choice ng TAP moms?
Ang Anmum Materna ay nakakatulong para mapunan ng 100% ang pangangailangan ng bawat buntis na ina. Bukod dito, ang pag-inom ng Anmum materna ay nakakapagpataas ng tiyansa na maging normal ang panganganak habang napapababa naman ang maaaring maging komplikasyon ng bata paglabas.
Sa pag-inom ng Anmum Materna, makakatulong din ito sa magandang produksyon ng iyong gatas kapag lumabas na si baby. Narito pa ang ibang special ingredients na mayroon ang Anmum Materna.
Ingredients:
- GA® & DHA – Malaki ang ginagampanang trabaho ng dalawang ingredient na ito. Ang GA® ay sa brain cell connection habang ang DHA ay sa magandang development ng mental at visual.
- Folate – Nakakatulong ang folate sa paglaki at division ng cells ni mommy at baby. Napipigilan din nito ang pag-develop ng fetal neural tube defect.
- Calcium – Mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na buto sa paglaki ni baby. Kaya naman makakatulong ang calcium para mapunan ang daily requirement needs para sa matibay na buto at ngipin ni baby.
- Iron – Nakatutulong ang iron sa magandang formulation ng red blood cells ng mga buntis.
- Probio DR10™ & Inulin – Isang uri ito ng live bacteria. Ang Inulin ay prebiotic habang ang DR10 ay Bifidobacterium lactis. Makakatulong ito sa pagbuo ng matibay at healthy digestion.
Mabibili sa leading supermarkets at local drugstores ang Anmum Materna. Marami ka ring pagpipilian na flavor at presyo. Maaaring uminom nito dalawang baso sa isang araw.
- Php 212 – 180g
- Php 445 – 375g
- Php 866 – 800g
- Php 1,287 – 375g x 3
Final Thoughts: Anmum o Enfamama?
Walang tama o maling sagot dito, moms! Ang tamang maternal milk ay depende sa iyong panlasa, budget, at nutritional needs. Makabubuti rin na tanungin ang iyong OB-GYN kung alin ang mas angkop para sa iyong kalusugan at sa paglaki ni baby.
Anmum man o Enfamama, parehong may benepisyo basta’t iniinom sa tamang dami at ayon sa payo ng doktor.