Iwasan ang epekto ng maagang sa pagbubuntis sa tulong ng mga impormasyong tampok sa artikulong ito.
Ang Pilipinas ay nakapagtala ng kabuuang 180,916 na live birth sa mga kabataan na may edad 10 hanggang 19 noong 2019, ayon sa datos ng Civil Registration at Vital Statistics System ng Philippine Statistics Authority.
Ang bilang ay katumbas ng 495 na live birth kada araw sa 10 hanggang 19 na pangkat ng edad.
Talaan ng Nilalaman
Maagang pagbubuntis
Ang maagang pagbubuntis, kabilang na ang teenage pregnancy, ay isa sa maraming isyung kinahaharap ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Pilipinas ay may pinakamataas na rate ng teenage pregnancy sa kalakhang ASEAN bagaman nagkaroon ng pagbaba ng bilang ng live births noong 2016.
Nagiging resulta ng maagang pagbubuntis ang pagiging masakitin ng mga naging ina, at posible din silang maging problema kaugnay ng ekonomiya. Ang mga nagbubuntis sa murang edad ay laging hindi nakakakapagtapos ng pag-aaral. Dagdag pa, mas maliit ang maaaring makuhang sahod at kita dahil sa pagtigil ng pag-aarl. Nagiging direkta itong epekto sa ati bansa,
Maliban sa may direktang epekto sa baby ang maagang pagbubuntis, may epekto rin ito sa iyong kalusugang pisikal at maging mental.
Ang exposure sa matinding kahirapan, bunga ng social at biological na salik, ang maaaring nagtutulak sa mga kabataan na maging normal ang teenage pregnancy. Sa kabila ng nagugutom na pamilya, hindi pa rin nagiging matuwid ang pagtalakay sa teenage pregnancy, ang mga epekto nito, at kung paano iiwasan.
Sanhi at dahilan ng maagang pagbubuntis
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng WHO, may iba’t ibang dahilan kung bakit nagaganap ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis sa kabataan.
Maaaring dahil sa dikta ng lipunan na kanilang ginagalawan, kung saan kailangan nang magbuntis ng isang babae ng maaga o bata pa. Maaaring dahil sa kakulangan ng edukasyon o trabaho na pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis dito sa ating bansa.
Ayon sa University of the Philippines Population Institute ay maaaring magkaroon ng baby boom sa 2021 — tinatayang 751,000 karagdagang hindi planadong pagbubuntis dahil sa mga kondisyong nilikha ng pandemya.
1. Kawalan ng access sa birth control
Ang mga pangunahing dahilan ng mas mataas na rate ng teenage pregnancy ay ang hindi sapat na edukasyon sa pakikipagtalik (ang ilang mga batang babae ay hindi alam na ang pakikipagtalik ay maaaring magresulta sa pagbubuntis o ganap na isaalang-alang ang responsibilidad ng pagkakaroon ng mga anak) at kawalan ng access sa birth control.
2. Kahirapan
Dahil sa kahirapan, ang iba’y hindi na nakakapag-aral na nagdudulot ng kakulangan ng kaalaman sa panganib ng maagang pagbubuntis.
3. Hindi open-minded sa usapang ukol sa sex education
Bago ang reproductive health law, walang pormal na sex education sa Pilipinas, at hanggang ngayon, ang pagsulong nito ay nananatiling tagpi-tagpi at napakalimitado.
Pinagsasama-sama ng mga teenager ang impormasyon batay sa kung ano ang ipinapasa sa kanila ng mga magulang , mga sermon mula sa mga pari at mga bulong-bulongan mula sa isa’t isa, na kadalasang nakukuha mula sa Internet o mga kuwento ng matatanda.
Sila ay may praktikal na kaalaman ukol sa puberty ngunit hindi nila tinatalakay ang proseso ng paglilihi, ang mga paghihirap at gastos sa pagpapalaki ng isang bata. Sa ganitong usapan, ang mga teenager ay agad na iniiba ang usapan.
4. Aborsyon
Sa Pilipinas, ang aborsyon ay ilegal sa lahat ng kaso. Ang pagpapalaglag ay itinuturing na isang kasalanan. Naiintindihan ng midwife ang lahat ng ito ngunit mag-aalok pa rin ng aborsyon. Hiniling niya na huwag gamitin ang kanyang pangalan dahil sa takot na arestuhin.
Dahil sa konseptong ito, ang iba ay hindi natatakot mabuntis ng maaga dahil may opsyon silang ipalaglag ito.
Narito pa ang ilang sanhi ng teenage pregnancy ayon Plan International:
- Hindi sapat na access sa mga serbisyong iniayon sa mga kabataan
- Pampamilya, komunidad at panlipunang impluwensya na magpakasal
- Sapilitang pag-aasawa
- Sekswal na karahasan
- Pagdo-drop out sa eskwelahan
Ang mga salik tulad ng kita ng magulang at ang lawak ng edukasyon ng isang batang babae ay nag-aambag din dito. Samantala, ang mga batang babae na nakatanggap ng kaunting edukasyon ay 5 beses na mas malamang na maging isang ina kaysa sa mga may mas mataas na antas ng edukasyon.
Kadalasang humihinto sa pag-aaral ang mga babaeng nabuntis nang maaga, na nagiging sanhi para magkaroon sila ng limitasyon upang hindi makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho. Dahil rito nagpapatuloy sa ikot ng kahirapan.
Sa maraming mga kaso, ang mga batang babae ay nakikita na ang pagbubuntis ay isang mas mahusay na opsyon kaysa sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Bilang karagdagan, maraming babae ang nahaharap sa matinding pressure na mag-asawa ng maaga at maging mga ina habang sila ay bata pa.
Ang teenage pregnancy ay tumataas kapag ang mga batang babae ay pinagkaitan ng karapatang gumawa ng mga desisyon tungkol sa kanilang sekswal at reproductive na kalusugan at kagalingan.
Epekto ng maaga o di inaasahang pagbubuntis
Ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay tumutukoy sa pagdadalang-tao ng mga dalagang edad 15 hanggang 19 anyos. Ayon sa World Health Organization o WHO tinatayang nasa 21 million teenage pregnancies ang naitatala sa mga developing countries sa buong mundo taon-taon.
Nasa 12 million sa mga ito ang tagumpay na nakapanganak. Habang may naitalang nasa 5.6 million ang sumailalim sa abortion upang wakasan ang hindi inaasahang pagbubuntis.
Sa 5.6 million na kaso ng abortion, 3.9 million ang hindi ligtas at naging dahilan ng pagkasawi ng teenager na nagdadalang-tao. Isa sa nakakabahalang epekto ng maagang pagbubuntis na nilalayong maiwasan ng mga health authorities sa buong mundo.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng WHO, may iba’t ibang dahilan kung bakit nagaganap ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis sa kabataan.
Maaaring dahil sa dikta ng lipunan na kanilang ginagalawan, kung saan kailangan nang magbuntis ng isang babae ng maaga o bata pa. O maaaring dahil sa kakulangan ng edukasyon o trabaho na pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis dito sa ating bansa.
Ano ang epekto ng maagang pagbubuntis?
Isa pa sa epekto ng maagang pagbubuntis ay ang dala nito sa kalusugan ng isang babae at kaniyang dinadalang baby. Marami ang mga kumplikasyon ang maaaring maranasan ng ina at ng sanggol sa pagbubuntis.
Sapagkat hindi pa well-developed ang katawan ng babae sa pagbubuntis kaya naman maraming mga kumplikasyon ang maaari niyang maranasan. Maaaring masawi ang ina, o ang sanggol, o ‘di naman kaya’y may mga kundisyon ang sanggol na kaniyang ipinanganak.
Hindi lamang binabago ng pagdadadang tao ang mga pisikal na katangian ng teenage moms kapag sila ay nagubuntis. Dumadaan din sa buhay ng bawat magiging ina ang pagbabagong mental. Maaaring makaranas ng epekto ng maagang pagbubuntis ang isang kabataan tulad ng:
- ‘di makatulog sa gabi o madalas na walang tulog
- pag-iisip at pagiging abala sa paghahanda ng child care sa inaasahang baby
- pagpabalik-balik na kunsoltasyon sa doktor at OB
- pagbabakasali at pagsubok na tapusin ang high school
Bagaman hindi lahat ng maagang nagbubuntis ay naaapektuha ng pisikal at mental na pagbabago, marami pa rin ang nakakaranas. Kung napansin mong may nagbago sa iyong mental health pagkatapos mong manganak, maiging humingi agad ng professional help.
Love photo created by Racool_studio – www.freepik.com
Epekto ng maagang pagbubuntis: Mga isyu at suliranin ng maagang pagbubuntis
Pagdating sa epekto ng maagang pagbubuntis, hindi lang buhay ng babae o teenager na nagdadalang-tao ang maaaring maapektuhan. Maraming mga isyu at suliranin ang kakaharapin ng mga teenage moms sa maagang pagbubuntis.
Dagdag pa, pati rin ang dinadalang sanggol ay direktang apektado. Ang tinutukoy na madalas na epekto ng maagang pagbubuntis ayon sa mga pag-aaral at mga eksperto ay ang sumusunod:
1. Kakulangan sa prenatal care.
Madalas ang mga teenage parent ay walang nakukuhang suporta mula sa kanilang magulang o hindi tanggap ang kanilang pagdadalang-tao. Kaya naman sila at ang kanilang dinadalang sanggol ay hindi nakakakuha ng adequate prenatal care.
Ang prenatal care ay napakaimportante at kritikal lalo na sa mga unang buwan ng pagbubuntis. Ginagawa ito upang masiguro na walang magiging problema o normal ang mommy na nagbubuntis at ang baby na kaniyang dinadala.
Pati na upang agad na matukoy at makaiwas sa mga medical o birth defect problem ang sanggol na dinadala ng dalagang ina.
2. Pregnancy at childbirth complications.
Image by hyeongchae hwang from Pixabay
Ayon pa rin sa WHO, ang pregnancy at childbirth complications ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga teenage parent na may edad 15-19 anyos. Partikular itong nararanasan ng mga batang ina sa mga low at middle income na bansa. Ang mga ito’y maaaring maiwasan kung mabibigyan ng tamang pangagalaga o prenatal care ang buntis at ang kaniyang dinadalang sanggol.
3. High blood pressure.
Ang mga teenager na buntis ay mas mataas ang tiyansang magkaroon ng high blood pressure kumpara sa kababaihang may edad na bente at trenta anyos.
Ito’y kilala sa tawag na pregnancy-induced hypertension na nagdudulot din ng komplikasyon sa pagbubuntis na preeclampsia.
4. Premature birth.
Ang kababaihang nabuntis din ng maaga ay mataas ang tiyansang makaranas ng premature birth o ang pagbubuntis na hindi umabot sa full-term o 40 weeks pregnancy.
Naiiwasan naman ito sa pamamagitan ng mga medikasyon sa tulong ng prenatal care.
Ang mga sanggol na ipinanganak na premature ay mas mataas ang tiyansang magkaroon ng mga health problem sa respiratory, digestive, vision, cognitive at iba pa.
5. Low birth weight baby.
Ang mga sanggol rin na ipinanganak na premature ay mas magaan ang timbang kumpara sa mga full term baby na ipinagbuntis.
Ito’y dahil mas kakaunti ang oras o araw nilang lumaki pa sa sinapupunan ng kanilang ina.
6. STD o Sexually Transmitted Disease.
Isa pa sa maaaring maging epekto ng maagang pagbubuntis at kakulangan sa kaalaman tungkol sa sex ng kabataan ay ang pagkakaroon ng Sexually Transmitted Disease o STD. Ang pagkakahawa ng isang buntis sa mga sakit na ito ay maaaring makaapekto sa sanggol na kaniyang dinadala.
7. Postpartum depression.
Sanhi ng mura pang kaisipan, isa pang bagay na madalas na nararanasan ng mga teenage mom ay ang postpartum depression.
Bagama’t ito ay normal lamang sa kababaihan matapos manganak. Mas nagiging mahirap ito sa mga batang ina na wala pang karanasan sa pag-aalaga ng kanilang sanggol at sa bagong responsibilidad na kanilang haharapin.
8. Hindi makapagtapos ng pag-aaral.
Sanhi ng mabigat na responsibilidad sa murang edad. Mataas ang tiyansa na hindi na makatapos ng pag-aaral ang isang teenage parent. Lalo na kung ang pagbubuntis ay walang suporta o hindi tanggap ng kanilang magulang.
Paano maiiwasan ang maagang pagbubuntis?
Ang maagang pagbubuntis pati na ang mga epekto nito ay maaari namang gawan ng paraan kung paano maiiwasan. Magagawa ito sa tulong nating mga magulang at ng eskuwelahan.
Ang unang paraan nga upang ito ay magawa ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga teenager tungkol sa sex. Kung paano ito nagaganap at ang maaaring maging bunga o epekto nito sa kanilang buhay.
Kasunod nito ay dapat maipaliwanag sa kanila kung bakit mahalaga na kung hangga’t maaari ay umiwas muna sila pakikipagtalik. O kung hindi ay bigyan o suportahan sila sa paggamit ng birth control o contraception upang mas maiwasan ito at ang epekto ng maagang pagbubuntis.
Pero maliban sa mga nabanggit, mahalaga na maiparamdam sa mga teenager sa lahat ng oras ang ating pagmamahal at suporta. Upang hindi sila mag-alinlangan na lumapit sa atin at magsabi ng mga nasa isip nila.
Partikular sa mga bagay tulad sa sex na kailangan nila ang ating kaalaman at gabay. Upang maiiwas sila sa maagang responsibilidad na hindi pa karapat-dapat sa kanila at hindi pa sila handa.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
WebMD, WHO, NPR, NNC, Healthline, BMC Pregnancy
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.