Ang ika-8 ng Setyembre ay kinikilala bilang Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary. Ito ay isa sa pinaka-matagal nang Marian solemnities. Isa rin ito sa mga pangunahing pista ng liturgical devotion sa Blessed Mother.
Ito ay dahil sa Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary
Ang ika-8 ng Setyembre ay ang ipinagdiriwang na araw ng kapanganakan ng Birheng Maria. Walang naisusulat tungkol sa araw ng kapanganakan ng Inang Maria ngunit ang petsang ito ay napili dahil ito ang unang araw ng Church year ng Eastern Church. Dito rin nakuha ang petsa para sa Feast of Immaculate Conception sa ika-8 ng Disyembre.
Inuugnay ni St. Augustine ang kapanganakan ng Birheng Maria sa pagliligtas ni Hesus. Kanyang sinasabihan ang mundo na magdiwang sa araw ng pagkapanganak ng Mahal na Ina.
RA 11370
Simula ngayong taong 2019, ang ika-8 ng Setyembre ay ituturing nang isang special working holiday bawat taon sa buong bansa. Ito ay ayon sa Republic Act 11370 na nilagdaan ng Pangulong Duterte noong ika-8 ng Agusto.
Kahit pa pumapatak nang linggo ang ika-8 ng Setyembre ngayong taon, dahil ito ay isa nang special working holiday, nangangahulugan na mayroon paring pasok ang mga estudyante sa mga susunod na taon. Ang mga opisina at iba pang establisyimento ay mananatili ring bukas.
Source: Inquirer
Basahin: Paano magpakita ng pagmamahal ang mga sanggol?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!